Skip to main content
Skip to main content.

Conservatorship [pagiging tagapag-ingat]

About Conservatorship [Tungkol pagiging tagapag-ingat]

Kung ang isang may-edad ay wala nang kakayanang pangalagaan ang kanilang sariling katawan o pag-iisip, maaaring kailangan nila ang court na maghirang ng isang tao para gawin ang pangangalaga. Isang kalagayan sa court ang conservatorship na kung saan ang isang judge ay maghihirang ng isang mapagkakatiwalaang may-edad o organization (tinatawag na "conservator" [tagapag-ingat] upang mangalaga sa ibang may-edad (tinatawag na "conservatee" [iniingatang tao] o upang pamahalaan ang kanilang ari-arian o pananalapi.

Mag-click sa isang paksa upang malaman ang higit pa:

Ang conservatorship ay isang kalagayan sa court na kung saan ang isang judge ay maghihirang ng isang mapagkakatiwalaang may-edad o organization (conservator [tagapag-ingat]) upang mangalaga sa ibang may-edad (conservatee [iniingatang tao]) o upang pamahalaan ang ari-arian o pananalapi (estate) ng conservatee.

  • Ang conservatorship upang pangalagaan ang isang may-edad, sa kanyang pagkain, pananamit, kalusugan, kalagayan ng pamumuhay, at iba pang mga pangsariling pangangailangan ay isang conservatorship sa tao.
  • Ang conservatorship upang pamahalaan ang mga pananalapi ng isang may-edad, kagaya ng pagbabayad ng mga bill, pagtipon ng kinikita, pamamahala sa kanilang ari-arian, at higit pa ay isang conservatorship sa estate.
  • Ang pagiging nahirang na conservator sa tao ay HINDI kusang gawing conservator sa estate ang tao na iyon. Kung gusto ng isang tao na maging kapwa conservator, sa tao at sa estate, dapat nilang pakiusapan ang court upang hirangin sila bilang kapwa.

Maaaring ang isang conservator ay may kaugnayan sa conservatee, kagaya ng asawa o domestic partner ng may-edad na nangangailangan ng pangangalaga, o maaari ding sila ay anak, magulang, o iba pang kamag-anak. Kung hindi isang kamag-anak, ang conservator ay maaaring isang ahensya ng gobyerno, isang nonprofit, o ibang tao na pahihintulutan ng judge na mangalaga sa may-edad.

Sa ibabaw

Titingnan ng court ang pinakamahusay na pakinabang ng conservatee at ang mga kagalingan at kakayahan ng mungkahing conservator upang pagpasyahan kung sino ang nararapat na mahirang na conservator. Kung ang mungkahing conservatee ay nagmungkahi ng isang tao at may kakayahang magpahayag ng pagnanais, kinaugalian ng court na hihirangin ang tao na iyon bilang conservator, maliban kung ang pagkahirang ng iminungkahing tao na iyon ay HINDI para sa pinakamahusay na pakinabang ng mungkahing conservatee.

Kung ang mungkahing conservatee ay hindi nagmungkahi o hindi maaaring magmungkahi ng sinuman, ang batas ay may atas ng pagnanais para sa kung sino ang nararapat na conservator:
  1. Asawa o domestic partner
  2. May-edad na anak
  3. Magulang
  4. Kapatid
  5. Pangpublikong Tagapag-alaga
  6. Sinumang ibang tao na pinahintulutan ng Judge
Mayroong ilang mga pagpipilian kung kailangan ng isang tao ang isang conservator ngunit walang angkop na kamag-anak o kaibigan ng pamilya na maaaring maging conservator:
  • Tawagan ang Aging and Adult Services Division ng County of San Mateo Health System: 650-573-3900. Kung naniniwala silang kailangan ang conservatorship, isasangguni nila ang kalagayan sa Pangpublikong Tagapag-alaga. Mayroon silang mga may kasanayang mga pangsariling conservator at mga nangangasiwa sa ari-arian na maaaring magsilbi bilang conservator.
  • Tawagan ang tanggapan ng Court Investigator sa 650-261-5068 at magtanong tungkol sa paghihirang ng professional fiduciary. Sumisingil ng kabayaran ang mga professional fiduciary, ngunit dapat na pahintulutan ng court ang lahat ng kabayaran na babayaran ng tutulungang tao.
  • Kung nababahala ka tungkol sa isang matanda nang tao na hindi na kayang pangalagaan ang kanilang sarili o pinabayaan o inabuso, ang ibang mga lugar na maaari mong tawagan ay sa:

Sa ibabaw

Mayroong 3 na mga uri ng conservatorship cases.
  • General Conservatorship - para sa mga may-edad na hindi kayang pangalagaan ang kanilang sarili o makapagpasya sa pananalapi dahil sa, halimbawa, katandaan, dementia, o pinsala sa katawan. Ang mga conservatee na ito ay madalas ay mga matandang tao ngunit maaari ding mga mas bata pang tao na napinsala nang malala ang katawan, halimbawa, kagaya ng sa aksidente sa kotse.
  • Limited Conservatorship - mga conservatorship para sa mga may-edad na may kapansanan sa pagpapaunlad na hindi kayang pangalagaan nang ganap ang kanilang sarili o ang kanilang mga pananalapi. Dahil ang mga tao na may kapansanan sa pagpapaunlad ay karaniwang kaya nilang gawin ang maraming bagay nang sila-sila lamang, hindi nila kailangan ng mas mataas na antas ng pangangalaga o tulong na naibibigay ng general conservatorship. Magbibigay lamang ang judge sa conservator ng limitadong kapangyarihan upang gawin ang mga bagay na hindi nagagawa ng conservatee nang walang tulong. Ang layunin ng limitadong conservatorship ay upang hayaan ang isang tao na panatilihin ang higit niyang pagsasarili hanggang maaari. Mag-click upang malaman ang higit pa tungkol sa mga limitadong conservatorship.
  • Lanterman-Petris-Short (LPS) Conservatorship (Mental Health Conservatorship) - para sa mga may-edad na may malalang karamdaman sa kalusugang pag-iisip na nangangailangan ng sadyang pangangalaga. Ginagamit ang mga conservatorship na ito sa mga tao na kalimitan ay nangangailangan ng higit na may kahigpitang kaayusan ng pamumuhay (kagaya ng pamumuhay sa mga nakakandadong pasilidad) at kinakailangan ng masaklaw na paggamot sa kalusugang pag-iisip (kagaya ng higit na mabisang mga droga upang pangasiwaan ang pag-uugali). Ang mga conservatee sa mga LPS conservatorship ay hindi maaaring sumang-ayon o hindi sasang-ayon sa sadyang kaayusan ng pamumuhay o sa paggamot na sila-sila lamang sa kanilang sarili. Ang mga LPS conservatorship ay dapat na sisimulan ng isang lokal na ahensya ng gobyerno. Kung naniniwala kang ito ang uri ng tulong na kailangan ng isang tao, makiugnay sa Aging and Adult Services Division ng San Mateo County upang tingnan kung ang Public Guardian ay nararapat na mahirang bilang conservator.

Sa ibabaw

Bago hilingin sa court na maghirang ng isang conservator, tiyakin mo na pinakamababang paghihigpit ang conservatorship at ang pinakamahusay na paraan upang masapat ang mga pangangailangan ng tao. Kung may iba pang paraan, maaaring hindi ipagkakaloob ng court ang iyong pakiusap.

Maaaring hindi mo kailangan ng conservatorship kung ang tao na nangangailangan ng tulong ay:
  • Kayang makipagtulungan na may plano upang masapat ang kanilang pangunahing mga pangangailangan.
  • May kakayahan at kapahintulutan na lumagda sa isang power of attorney na nagpapangalan sa isang tao upang tumulong sa kanilang mga pananalapi o mga kapasyahan sa pangangailangang-pangkalusugan.
  • Mayroon lamang ng social security o welfare income bawat buwan at maaaring hirangin ka ng Social Security Administration na Representative Payee. Ang Representative Payee ay tao na pahihintulutan ng beneficiary upang tanggapin ang mga social security check sa kanilang pangalan para sa kapakanan ng beneficiary.
  • Ang may-asawa o nasa isang domestic partnership at ang asawa o kinakasama ay maaaring mangasiwa ng mga transaction na pangpananalapi. Ang ari-arian ay dapat na community property o nasa mga sama-samang account.
Ilang mga pagpipilian kaysa sa isang conservatorship

Para sa mga Kapasyahang Pagpanggagamot at Pangsariling Pangangalaga:

Para sa mga Kapasyahang Pangpananalapi:

  • Power of attorney
  • Isang kahaliling payee para sa pangpublikong mga benepisyo (kagaya ng mga benepisyo ng mga beterano o mga benepisyo sa social security)
  • Sama-samang titulo sa mga bank account o ibang ari-arian.
  • Living trust (tinatawag ding "inter vivos" trusts)
  • Informal na mga kaayusan

Sa ibabaw

Bilang isang conservator sa tao, dapat mong gawin ang:
  • Ayusin ang pangangalaga at pag-iingat sa conservatee.
  • Magpasya kung saan titira ang conservatee.
  • Magsaayos sa pangangailangan ng conservatee sa:
    • Pangangalagang pangkalusugan,
    • Mga pagkain,
    • Pananamit,
    • Pangsariling pangangalaga,
    • Pamamahala sa bahay,
    • Paglalakbay,
    • Libangan, at
    • Kapakanan.
  • Kunin ang pahintulot mula sa court para sa ilang mga kapasyahan tungkol sa pangangalagang pangkalusugan at kaayusan sa pamumuhay ng conservatee.
    • Upang hilingin sa court ang sadyang kapangyarihang paggagamot, kagaya ng paglalagay sa conservatee sa isang pangmatagalang pasilidad sa pangangalaga o bigyan sila ng mga sadyang droga, kailangang punan ng isang doktor o lisensiyadong psychologist ang Capacity Declaration (GC-335) at ang Major Neurocognitive Disorder Attachment to Capacity Declaration (GC-335A) bilang bahagi ng iyong kalagayang conservator.
  • Iulat sa court ang tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng conservatee.
Bilang isang conservator sa estate ng conservatee, dapat mong gawin ang:
  • Pamahalaan ang mga pananalapi ng conservatee,
  • Ingatan ang kinikita at ari-arian ng conservatee,
  • Gumawa ng listahan ng lahat tungkol sa estate,
  • Gumawa ng plano upang tiyakin na maibibigay ang mga pangangailangan ng conservatee,
  • Tiyakin na nababayaran ang mga bill ng conservatee,
  • Ipamuhunan nang naaangkop ang pera ng conservatee sa mga pinahintulutang pamuhunan,
  • Tiyakin na makuhang lahat ng conservatee ang mga benepisyong nararapat para sa kanya,
  • Tiyakin na ang mga tax ng conservatee ay naiharap at nabayaran sa tamang oras,
  • Kupkupin ang eksaktong mga record sa pananalapi, at
  • Gumawa ng regular na mga ulat sa mga financial account para sa court at ibang interesadong mga tao.
Alalahanin na ang conservatee ay maaaring may kapangyarihan pa ring gumawa ng will. Maaaring payagan ka ng court na gumawa ng isang will kung:
  • Masyadong mabigat ang karamdaman ng conservatee upang gumawa ng will o mga plano sa estate, o
  • Naisagawa ang conservatorship dahil ang isang tao ay nagsasamantala sa conservatee o labis silang inaakit.

Maaaring pahintulutan ng court ang paggamit ng conservator ng “Substituted Judgment” upang makagawa ng will, trust, o kapwa, upang matiyak na mayroong estate plan ang conservatee. Maaari ding payagan ka ng court na gamitin ang kapangyarihang ito upang palitan o bawiin ang isang trust, gumawa ng mga regalo, palitan ang mga patakaran sa insurance o annuities, at lumagda sa mga kontrata para sa conservatee.

Ikaw o sinumang ibang interesadong tao, kagaya ng myembro ng pamilya, ay maaaring pakiusapan ang court upang humiling ng Substituted Judgment. Maaaring ito ay higit na na komplikado, kaya makipag-usap sa isang abogado.

Basahin ang Manual para Tutores Handbook for Conservators upang malaman ang higit pa tungkol sa mga katungkulan at sagutin ng conservator.

Sa ibabaw

  • Panuurin ang video: With Heart: Understanding Conservatorship.
    • Ilan sa mga form ng court na ipinakita sa video ay lipas na, ngunit ang impormasyong bigay ng video ay napapanahon at nauukol at maaaring makatulong sa iyo upang unawain nang mabuti ang paraan.
  • Panuurin ang video: Ano ang Conservatorship?.
  • Dalawin ang webpage ng Sacramento Law Library sa Law 101: Seniors and Disability para sa mga video, packets, at higit pa.
  • Dalawin sa website ng California Courts ang Conservatorship pages upang makakuha ng impormasyon, mga tagubilin, mga form, at higit pa.

Self-Prep and File

  • Image
    Self-Prep & File

    Mag-click para sa computer program na maaaring makatulong sa iyo na punan ang lahat ng mga form para sa isang Limited Conservatorship sa pamamagitan ng pagsagot sa mga madaling tanong.

Sa ibabaw

Dalawin ang web page ng Probate Division upang maghanap ng impormasyon sa case, pansamantalang mga kapasyahan, impormasyon sa ADR Program, at higit pa.