Skip to main content
Skip to main content.

Pagpunta sa Court

Mag-click sa paksa upang matutuhan ang higit pa:

1. Planuhin kung ano ang iyong sasabihin.
  • Maging handa na ipaliwanag kung bakit ka nagharap ng isang claim [pag-angkin] at kung ano ang iyong gustong iutos ng judge.
  • Gumawa ng isang outline [balangkas] ng iyong mga pangunahing puntos.
  • Ang mga paglilitis sa small claims [mga pag-angkin na mababang halaga] ay tumatagal nang 10-15 na minuto, kaya gawin mong hindi maligoy at maigsi lamang. Matutulungan ka dito sa iyong pagiging handa.
  • Subukan mong isipin kung ano ang maaaring sasabihin ng kabilang panig at kung paano ito sasagutin.
2. Ihanda ang iyong katibayan (pruweba) na ihaharap sa court. Ang mga katibayan ay maaaring:
  • Mga Kontrata
  • Mga Estimate [pagtatantiya] (upang kumpunihin o palitan ang pagkawala, atbp.) (magdala ng kahit man lang 3)
  • Mga Bill
  • Mga Larawan
  • Mga Ulat ng Pulis
  • Mga Liham
  • Mga diagram o mga drawing na nagpapakita kung paano nangyari ang aksidente

Ayusin ang iyong mga katibayan at markahan ito nang malinaw upang maibigay mo ito sa judge kung kinakailangan, kahit na kinakabahan ka.

Sa pangkalahatan, kailangang may kahit man lang 3 na copy ka ng lahat ng katibayan na balak mong iharap sa paglilitis. Kailangang magbigay ka ng isang copy sa bawat kabilang panig na haharap sa pagdinig sa paglilitis. Mapupunta sa judge ang isa pang copy. Dapat din na palaging may iniingatan kang isang copy, upang masangguni mo ito at itakda mo ito kung kinakailangan habang inihaharap mo ang iyong kaso. Dapat na panatiliing malinis at walang marka ang orihinal na mga dokumento, kung sakali na gustong makita ng judge ang mga orihinal, o kung sakaling kailangan mong gumawa ng higit pang mga copy.

Kung kailangan mo ng mga dokumento na nasa ibang tao, maaari mong i-subpoena ang mga record na iyon. Basahin ang "I-subpoena [iutos na humarap sa hukuman] ang Saksi o Mga Dokumento" sa ibaba upang matutunan kung paano mag-subpoena ng mga dokumento.

3. Dalhin ang mga copy ng lahat ng iyong court papers [papeles na panghukuman] at ang proof of service [katibayan ng paghatid].
4. Paghandain ang iyong mga saksi.
  • Kailangang magdala ka sa iyong paglilitis sa court ng mga saksi na nakakita sa nangyari, kagaya ng ibang driver na nakakita sa aksidente, o isang dalubhasa sa paksa, kagaya ng mekaniko na tumingin sa iyong kotse.
  • Subukang huwag kumuha ng mga kaibigan o mga kamag-anak bilang mga saksi maliban kung sila ang iyong tanging saksi dahil maaaring isipin ng judge na sinusubukan lamang nilang tulungan ka. Kung sinuman ang kukunin mo bilang saksi, tiyakin mong sila ay professional, walang kinikilingan, at hindi emotional [maramdamin].
  • Huwag kukuha ng mga saksi maliban kung alam mong tutulungan ka nila sa iyong kaso. Hindi magandang idea na kumuha o mag-subpoena ng isang "kalaban" na saksi kung hindi mo tiyak kung ano ang sasabihin nila. Halimbawa, ang kasintahan ng defendant [nasasakdal] na nakakita sa kanya na sumuntok sa iyo ay maaaring mabigla ka sa kanyang testimony [patunay], o ang mekaniko na nag-aalala tungkol sa kanyang trabaho ay maaaring baguhin ang kanyang kuwento sa court.
  • Sa small claims court [hukumang para sa pag-angkin na mababang halaga], maaaring gamitin ang isang nakasulat na pahayag, o declaration [pagpapahayag], sa ilalim ng parusa ng perjury [di pagsabi ng totoo], kaysa sa isang buhay na saksi. Maaaring gamitin ang Form MC-030 sa pakay na ito.

Basahin ang "I-subpoena [iutos na humarap sa hukuman] ang Saksi o Mga Dokumento" sa ibaba para malaman kung paano mag-subpoena ng witness.

5. Kung hindi ka nakakapagsalita nang maige ng Ingles, alamin kung bibigyan ka ng court ng isang interpreter [tagapagsalin]. Kung gusto mong humiling ng isang interpreter, tiyakin mong humingi nito sa pinakamadaling panahon.
  • Alalahanin na maaaring magbayad ka para sa isang interpreter.
  • Kung walang magagamit na mga interpreter ang court, magdala ng isang kwalipikadong tao na mag-interpret para sa iyo. Huwag kumuha ng isang bata o isang saksi na mag-interpret para sa iyo.
  • Mayroon kang karapatan na i-delay [antalain] ang pagdinig sa iyong paglilitis upang makakuha ka ng isang interpreter.
  • Mag-click upang malaman ang higit pa tungkol sa mga interpreter at kung paano makahanap nito (website ng California Courts).

Sa ibabaw

Panuurin ang video na Going to Court kung hindi mo pa ito napapanood. Matutulungan ka nitong maghanda at malaman kung ano ang maaasahan mo sa araw ng iyong paglilitis.

  • Mag-click upang makita ang Hearing Schedules [mga nakatakdang paglilitis] at kinaroroonan ng mga ito sa San Mateo County.

Sa pangkalahatan, para sa mga paglilitis na small claims:

  • Magpunta doon nang maaga!
  • Gaganapin ang iyong paglilitis sa isang courtroom [kwartong panghukuman] na may maraming ibang mga tao na may paglilitis din sa parehong araw.
  • Kapag tinawag ng judge ang iyong pangalan, magpunta sa harapan ng kwarto. Alalahanin na maaaring hingin ng judge sa iyo na subukan mong aregluhin ang iyong kaso bago ang iyong paglilitis.
    • Nag-aalok ang San Mateo Superior Court ng libreng small claims mediation [pag-aayos upang magkasundo sa pag-angkin na mababang halaga] sa araw ng paglilitis. Kung gusto mong makipag-areglo, sabihin sa judge. Mag-click upang malaman ang higit pa tungkol sa small claims mediation
  • Kung uupo ang isang pro-tem (temporary) judge [pansamantalang judge] sa araw na iyon kapalit ng regular judge o commissioner, hihingin sa iyo na lumagda sa isang papel na nagsasabing ikaw ay pumapayag na sila ang magpapasya sa iyong kaso. Kung hindi ka payag, maaaring maghintay ka hanggang sa may available [magagamit ] na judge o commissioner sa araw na iyon, o mapapalitan ang iyong court date ng ibang araw na mayroon nang available na judge o commissioner.

Kapag nagsimula na ang iyong paglilitis, isalaysay mo ang iyong kuwento. Narito ang ilang mga tip:

  • Kung ikaw ang plaintiff [nagsasakdal], ikaw ang unang magsasalita. Nasasaiyo na PATUNAYAN mo ang iyong kaso. Huwag mong hintayin ang judge na tanungin ka ng mga katanungan. Ngunit kapag tinanong ka ng judge ng mga katanungan, sagutin mo ang bawat tanong.
    • Sabihin mo sa judge kung bakit nagharap ka ng claim at kung ano ang mga damage [pagkasira] na mayroon ka bilang resulta ng mga ginawa ng defendant [nasasakdal]. Gamitin mo ang iyong katibayan upang alalayan ang iyong sasabihin.
    • Kung mayroon kang mga saksi, tawagin mo sila para makapagtanong ka sa kanila. Magkakaroon din ng pagkakataon ang kabilang panig na makapagtanong sa kanila. Tandaan, maaaring gumamit ka ng mga declaration sa halip na testimony ng buhay na saksi.
  • Kung ikaw ang defendant, ikaw ang pangalawang magsasalita. Ipaliwanag mo ang iyong panig at ipakita sa judge na ang claim (kuwento) ng plaintiff ay hindi mo kasalanan o hindi totoo. Kung may katibayan ka upang patunayan ang iyong panig, ipakita sa judge.
    • Tawagin ang iyong mga saksi kung mayroon ka..
  • Dapat na naayos na maige at hindi maligoy ang iyong kuwento. Huwag lumihis, maglagay ng masyadong maraming detalye, o ulitin ang iyong sarili.
  • Manatili sa katotohanan kapag isinasalaysay mo ang iyong panig sa kuwento. Kalimitang pinakamahusay na ilahad mo sa choronological [magkakasunod] na ayos at tipunin at pag-isahin ang mga detalye. Halimbawa, sa halip na ilista ang lahat ng mga petsa na binawi mo ang iyong kotse para sa mga pagpapaayos, sabihin mong "Sa loob ng 6 na buwan sa pagitan ng Enero at Hunyo ng 2018, kinuha ko ang kotse nang 14 na beses at sa bawat pagkakataon ay hindi niya inayos ang ingay na nagmumula sa makina."
  • Manatiling mahinahon at magalang. Huwag gambalain ang judge o ang kabilang panig.

Pagkatapos ng paglilitis:

Sa ibabaw

Ang subpoena ay isang court order [utos ng hukuman] na nagsasabing kailangang magpunta sa court ang iyong saksi. Maaari din nitong sabihin na kailangang dalhin ng isang tao sa court ang mga papeles o mga dokumento sa petsa o bago ang petsa ng iyong paglilitis.

Maaaring kailangan mong mag-subpoena ng saksi kung:
  • Hindi makakapunta sa court ang iyong saksi (minsan ay kailangan ng saksi ang subpoena upang ipakita sa kanilang boss [namamahala] upang maiwanan nila ang kanilang trabaho at makapunta sa court), o
  • Kailangan mo ng mga dokumento upang patunayan ang iyong kaso at ang tao o negosyo na mayroon ng mga ito ay hindi voluntary [kusa] na ibibigay sa iyo.
Upang ma-subpoena ang isang tao o mga dokumento para sa iyong paglilitis:
  1. Punan ang isang Small Claims Subpoena (SC-107).
    • Kung sinu-subpoena mo ang isang tao upang magpunta sa court, punan ang page 1 lamang.
    • Kung humihingi ka ng mga dokumento, tapusin ang page 1 at page 2 ng Form SC-107.
    • Huwag munang punan ang page 3!
  2. Dalhin ang subpoena sa clerk upang maibigay ito.
  3. Gumawa ng kahit man lang 2 na copy ng subpoena. Ang isa ay para sa iyo at ang isa ay para sa tao na gusto mong i-subpoena.
  4. Dalhin ang subpoena sa saksi na gusto mong pumunta sa court o magbigay ng mga dokumento sa court.
    • Sinumang tao, kabilang na ang iyong sarili, ay maaaring magdala sa subpoena.
    • Tiyakin mong dalhin o ihatid ang copy, hindi ang orihinal nito.
  5. Punan ang page 3 ng orihinal na subpoena, ang isa na mayroong seal [tatak], na nagsasabi kung kailan at saan mo- o ang ibang tao kung ibang tao ang pinaghatid mo ng subpoena-ibibigay sa tao na gusto mong i-subpoena.
  6. Iharap sa Clerk's Office ang orihinal na subpoena kasama ang natapos na page 3.

    Alalahanin na ang isang saksi ay maaaring humingi ng mga kabayaran na $35 sa bawat araw at 20 cents sa bawat mile [milya] sa bawat pagpunta. Mas mataas ang mga kabayaran sa saksi para sa mga alagad ng batas at ilang empleyado ng gobyerno. Kung hihingi ang saksi ng mga kabayaran, hindi nila kailangang pumunta sa paglilitis kung hindi sila nabayaran. Ang tao na maghahatid ng subpoena ay dapat na nakahanda na bayaran ang mga kabayaran sa oras na dalhin ang subpoena, kung sakaling hihingi ng kabayaran ang saksi. Kung hindi hihingi ng kabayaran ang saksi, hindi kailangang alukin mo sila.

Sa ibabaw

Sa pangkalahatan, kung may idinedemanda kang isang tao o ikaw ay idinemanda, kailangang magpakita ka sa small claims court at katawanin mo ang iyong sarili. Hindi ka maaaring magkaroon ng abogado o katawanin ng ibang tao.

  • Ang isang kasapi sa armed forces [armadong mga puwersa], na nasa aktibong katungkulan at naitalaga sa labas ng state pagkatapos na lumabas ang kanyang claim, ay hindi kailangang humarap kung ang pagkakatalaga ay para sa mas higit sa 6 na buwan.

Para sa mga negosyo:

  • Kung isang sole proprietorship [mag-isang pagmamay-ari] ang negosyo, dapat na humarap sa court ang may-ari.
  • Kung isang partnership [may kasama sa pagmamay-ari] ang negosyo, kailangang humarap ang isa sa mga partner.
  • Kung isang corporation [samahan] ang negosyo, dapat na humarap sa court ang isang empleyado, officer, o director.
    • Ang tao na haharap sa court ay hindi maaaring pinagtrabaho, hinirang, o inihalal upang katawanin lamang ang corporation sa court. Dapat na may iba pa silang mga katungkulan.

May ilang mga hindi kabilang sa pangkalahatang patakaran na hindi maaaring katawanin ka ng ibang tao:

  • Sa mga kaso kung saan ang isang claim ay maaaring mapatunayan o tinututulan ng katibayan ng isang business record at walang ibang usapin, ang isang regular na empleyado, na karapat-dapat na tumestigo tungkol sa business record, ay maaaring humarap para sa plaintiff o defendant.
  • Kung idinedemanda mo ang may-ari ng real property [ari-arian] sa California at ang may-ari ay nakatira sa labas ng state, ang may-ari ay maaaring katawanin sa court ng isang ibang tao, sa kondisyon na hindi sila isang abogado, o maaaring makapagharap ng nakasulat na mga declaration sa halip na haharap nang sarili niya.
  • Ang may-ari ng rental [paupahan] na real property ay maaari niyang ipaharap ang property agent [ahente ng ari-arian] at lumahok ito sa small claims action basta:
    • Dapat na nangangasiwa ang property agent sa pagpapaupa sa ari-arian ng may-ari.
    • Dapat na pangunahing pinagtrabaho ng may-ari ng ari-arian ang property agent upang pangasiwaan ang paupahang ari-arian at hindi pangunahin na katawanin ang may-ari sa small claims court.
    • Dapat na may kinalaman ang claim sa paupahang ari-arian.
    • Maghaharap ang property agent ng declaration sa pagdinig sa small claims court. Maaari mong makita ang sample na Declaration of Property Agent (sa Ingles)

Sa ibabaw

Panoorin ang "Go to Court"