Skip to main content
Skip to main content.

Paano Makipagtulungan Sa Isang Interpreter

Pangkalahatang Impormasyon

PAKIKIPAGTULUNGAN SA MGA INTERPRETER NG HUKUMAN

Ang mga interpreter ng hukuman ay mga eksperto sa wika at nagsanay sa pagsasalin ng wika sa iba pang wika nang walang binabago o idinaragdag na kahit ano. Nagtatrabaho para sa Hukuman ang mga interpreter ng hukuman. Wala silang anumang interes sa magiging resulta ng kaso at wala silang pinapanigan sa lahat ng usapin. Hindi ka matutulungan ng mga interpreter ng hukuman na punan o ihain ang iyong mga form sa hukuman, at hindi nila masasagot ang mga tanong mo kaugnay ng batas.

MGA TIP SA PAGGAMIT NG INTERPRETER

Makakakita sa ibaba ng ilang kapaki-pakinabang na tip sa paggamit ng interpreter:

  • Makinig nang mabuti sa interpreter.
  • Hintaying matapos magsalita ang interpreter bago ka sumagot.
  • Bagalan ang pagsasalita sa iyong native na wika para marinig ng interpreter ang lahat ng sinasabi mo.
  • Sa taong nagtatanong makipag-usap, at hindi sa interpreter.
  • Huwag mang-abala, kahit may sinuman sa hukuman na magsabi ng hindi maganda tungkol sa iyo. Bibigyan ka ng pagkakataong magsalita.
  • Counsel, ipaalam sa interpreter kung kakailanganin ng iyong kliyente ang kanyang mga serbisyo. Hayaan ang interpreter na maging pamilyar sa kaso at sa pattern ng pagsasalita ng iyong kliyente.
  • Counsel, tiyaking kukumpirmahin mo ang native na wika ng iyong kliyente. Madalas ay mayroon tayong mga pagpapalagay batay sa pinagmulang bansa o apelyido.

MGA MADALAS ITANONG

Ang mga interpreter ng sinasalitang wika ng hukuman ay nagsasalin sa mga pansibil o kriminal na paglilitis ng hukuman (hal., mga arraignment, motion, conference bago ang trial, paunang pagdinig, deposition, trial) para sa mga panig na hindi masyado o hindi nakakapagsalita o nakakaunawa ng Ingles. Ang mga interpreter ng American Sign Language ay nag-i-interpret para sa mga panig na hindi nakakarinig o nahihirapang makarinig. Eksakto dapat ang pag-interpret ng mga interpreter ng hukuman para sa mga indibidwal na may mataas na pinag-aralan at malawak na bokabularyo, pati para sa mga indibidwal na limitado lang ang kakayahan sa wika nang hindi binabago ang register ng wika ng nagsasalita. Kung minsan, nagsasalin din ng mga legal na dokumento ang mga intrepreter.

Oo. Sinusunod ng Mga Interpreter ng Hukuman ang Panunumpa ng Interpreter at ang Kodigo ng Etika at Mga Responsibilidad ng Propesyonal. Hindi puwedeng maghayag ang Mga Interpreter ng Hukuman ng impormasyon patungkol sa na-interpret na session at mga kalahok dito.

Hindi. Hindi nagpapaliwanag, nagpa-paraphrase, o nagbibigay ng legal na payo ang Mga Interpreter ng Hukuman. Isinasalin ng Interpreter ng Hukuman ang sinasabi, at wala siyang anumang idinaragdag o binabago.

Ang Superior Court ng San Mateo ay nagbibigay ng mga interpreter at iba pang serbisyo sa wika sa mga taong may limitadong kakayahan sa Ingles, nang sa gayon ay maunawaan nila ang, at makasali sila sa, proseso ng hukuman. 

Nagtatalaga ang hukuman ng mga kwalipikadong interpreter ng hukuman – nang walang bayad - para sa lahat ng ipinag-uutos na uri ng kaso:
  • Kriminal
  • Traffic
  • Katarungan sa Mga Juvenile
  • Dependency ng Mga Juvenile
  • Labag sa Batas na Detainer (mga pagpapaalis)
  • Mga kaso ng Suporta sa Bata na pinapangasiwaan ng Departamento ng Mga Serbisyo sa Suporta sa Bata (Miyerkules, 9:00 a.m. at Huwebes, 2:00 p.m.)
  • Mga Restraining Order sa Karahasan sa Tahanan - (Miyerkules, 9:00 a.m. at Biyernes, 9:00 a.m.)
  • Mga Restraining Order sa Pansibil na Panliligalig
  • Probate:
    • Mga Restraining Order sa Nakatatanda o Dependent na Nasa Hustong Gulang (na nauugnay sa pisikal na pang-aabuso o kapabayaan)
    • Guardianship
    • Conservatorship
    • Conservatorship Kaugnay ng Kalusugan ng Pag-iisip (LPS)
Iba Pang Uri ng Kaso

Nakatuon ang Hukuman ng San Mateo sa pagbibigay ng access sa wika sa lahat ng panig. Gayunpaman, para sa lahat ng iba pang uri ng kaso ng pansibil o pampamilyang batas, depende sa availability ang mga serbisyo ng interpreter.

Kung kailangan mo ng interpreter para sa isang paglilitis ng hukuman kung saan hindi nagbibigay ng interpreter ang hukuman, puwede kang mag-hire ng interpreter, o magsama ng kamag-anak o kaibigan na mag-i-interpret para sa iyo. Kung gusto mong kunin ang mga serbisyo ng isang Sertipikado/Rehistradong Interpreter ng Hukuman na awtorisadong magbigay ng mga serbisyo sa pag-interpret sa California, puwede mong tingnan ang listahan ng mga nterpreter dito: Website ng Konseho ng Hukuman ng Estado (JCC).

Pakitandaan: hindi mo puwedeng dalhin ang iyong anak o ang sinumang menor de edad para mag-interpret para sa iyo sa isang pagdinig ng hukuman o mediation session ng mga serbisyo sa pampamilyang hukuman.

Mga Sertipikadong Interpreter ng Hukuman

Sa sertipikasyon ng estado para sa mga interpreter ng hukuman, kinakailangan ang kakayahang matugunan ang mga minimum na pamantayan sa pagganap sa consecutive at simultaneous na pag-interpret ng Ingles at ng ibang wika kung saan kumukuha ng sertipikasyon, kakayahang magsagawa ng sight translation ng nakasaling materyales, at kaalaman sa tamang paggamit ng mga legal na termino. Ang Konseho ng Hukuman ng California ay may itinalagang labing-apat na wika bilang mga "sertipikadong" wika: Arabic, Eastern Armenian, Western Armenian, Cantonese, Japanese, Khmer (Cambodian), Korean, Mandarin, Portuguese, Punjabi, Russian, Spanish, Tagalog, at Vietnamese. Para maging Sertipikadong Interpreter, dapat makapasa ang isang interpreter sa Eksaminasyon para sa Sertipikasyon ng Interpreter ng Hukuman, at makatugon siya sa mga kaukulang Pag-aatas ng Konseho ng Hukuman. Mga interpreter lang na makakapasa sa Eksaminasyon para sa Sertipikasyon ng Interpreter ng Hukuman, na makakatugon sa mga kaukulang pag-aatas ng Konseho ng Hukuman, ang tatawaging mga sertipikadong interpreter. Posibleng pana-panahong magbago ang mga sertipikadong wika, depende sa mga resulta ng mga pag-aaral ng paggamit ng wika sa mga hukuman at iba pang pang-administratibong salik.

Mga Rehistradong Interpreter ng Hukuman

Inaatasan ng hukuman ang mga interpreter ng mga wika, na walang eksaminasyon para sa sertipikasyon ng estado na sumagot ng komprehensibong questionnaire, magbigay ng mga liham ng reference para sa kanilang mga kakayahan, magsumite ng resume, at ipakita ang kanilang mga kakayahan sa simultaneous, consecutive interpretation, at sight translation. Kinakailangan ng mga rehistradong interpreter ng hukuman na makapasa sa Nakasulat na Eksaminasyon, at sa Eksaminasyon sa Oral Proficiency na nasa Ingles, at Eksaminasyon sa Oral Proficiency na nasa kanilang wika na hindi Ingles. Tinatasa ng Mga Eksaminasyon sa Oral Proficiency na nasa Ingles at iba pang wikang hindi Ingles ang kakayahan ng kandidato na makipag-ugnayan sa wikang iyon. Ang lahat ng eksaminasyon para sa sertipikado at rehistradong status ay ibinibigay, sa ilalim ng kontrata, ng isang naaprubahang entity sa pagsusuri, gaya ng iniaatas sa ilalim ng Kodigo ng Pamahalaan §68562(b).

Mga Pansamantalang Kwalipikadong Interpreter ng Hukuman

Ang Mga Pansamantalang Kwalipikadong Interpreter ay Mga Hindi Sertipikado/Hindi Rehistradong interpreter na itinuturing na kwalipikado ng Presiding Judge na magsagawa ng mga serbisyo ng interpreter kapag walang available na Sertipikado/Rehistradong interpreter. Nakumpleto dapat ng mga interpreter ang nakasulat na eksaminasyon, pagsasanay sa etika, at kwalipikado dapat sila sa ilalim ng Panuntunan 2.893 Mga Panuntunan sa Hukuman ng California (California Rules of Court).