Guardianship [pagpangangalaga]
Paminsan-minsan hindi maalagaan ng mga magulang ang kanilang anak. Kapag ganoon ang kalagayan, maaaring hilingin sa court na maghirang ng ibang may-edad upang mag-alaga sa bata.
Mag-click sa isang paksa upang matuto nang higit pa:
Ang Guardianship ay isang kaso sa court kung saan magbibigay ang isang judge sa isang tao na hindi magulang ng:
- custody [pangangalaga] ng isang bata (tinatawag na guardianship ng tao),
- ang kapangyarihan na pangasiwaan ang pag-aari ng bata (tinatawag na guardianship ng "estate" [ari-ariaan]), o
- kapwa.
Ang guardian ay maaaring isang kamag-anak, kagaya ng lolo/lola, o isang tao na hindi kamag-anak, kagaya ng kaibigan ng pamilya.
Maaaring iutos ang mga Guardianship sa Probate Court o sa Juvenile Court [hukuman pambata]. Tungkol sa mga Probate Guardianship ang impormasyon sa bahaging ito.
- Kung kadamay ang Child Protective Services (CPS) [mga sebisyo pampagkukop ng bata] sa inyong kaso, malamang na dapat kayo pumunta sa Juvenile Court upang malaman kung ano ang inyong magagawa. Mag-click upang malaman ang tungkol sa mga Juvenile Court Guardianship website ng mga California Court).
Hindi kapareho ng adoption [pag-ampon] ang guardianship.
Sa Guardianship: | Sa Adoption: |
|
|
May dalawang uri ng Probate Guardianship:
- Guardianship ng tao - ibig sabihin na pinangangalagaan ng guardian ang bata.
- Guardianship ng estate - ibiíg sabihin na pinamamahalaan ng guardian ang kita, pera o ibang pag-aari ng bata hanggang maging 18 ang bata.
Guardianship ng tao
Sa pinakamadalas, bibigyan ng court ang guardian ng kaparehong mga tungkulin na kundi man nasa magulang. Ibig sabihin na nasa guardian ang pangangalagang legal & pangkatawan ng bata.
Tungkulin ng guardian ang pagkukop ng bata, kabilang ang mga para sa bata na:
- pagkain, damit, at sisilungan,
- kaligtasan at pagsasanggalang,
- pag-unlad ng katawan at damdamin,
- pangangalaga pampaggamot at pangngipin., at
- pag-aaral at anumang mga sadyang pangangailangan.
Maaari din tungkulin ng guardian ang pag-uugali ng bata.
Maaaring kailangan ng guardian ng tao kapag hindi kaya ng mga magulang na pangalagaan ang kanilang anak. Maaaring isa o kapwa magulang ay:
- may malubhang sakit,
- nasa military at kailangang mag-overseas.
- kailangang pumasok sa rehab program nang sandali,
- makukulong nang sandali,
- may problemang pag-abuso sa droga o alcohol, o
- hindi kayang alagaan ang kanilang anak dahil sa ibang dahilan.
Tinitingnan ng court ang pinakamahusay na kapakanan ng bata upang tiyakin na lalakí ang bata sa kapaligirang ligtas, matatag at mapagmahal.
Guardianship ng estate
Itinatayo ang guardianship ng estate upang pinamamahalaan ang kita, pera o iba pag-aari ng bata hanggang maging 18 ang bata. Maaaring kailangan ng bata ng guardian ng estate kung tumanggap o nagmana ng pera o mga kaarian.
- Sa pinakamadalas, naghihirang ang court ng magulang na maging guardian ng estate ng bata.
- Sa ilang kalagayan, ang gayon ding tao (kung hindi magulang) ay maaaring maging guardian ng tao at ng estate.
- Sa ibang kalagayan, naghihirang ang court ng dalawang magkaibang tao.
Dapat gawain ng guardian ng estate ang:
- pangasiwaan ang pera ng bata,
- mamuhunan nang matalino at napahintulutan, at
- pangasiwaan nang maingat ang pag-aari ng bata.
Hindi kinakailangan ng guardianship ng estate kapag:
- may-ari lamang ang bata ng mga hindi mahalagang laruan at dami, o
- tumatanggap lamang ang bata ng mga social security benefit o TANF/CalWorks (welfare).
- Kung hindi ninyo tiyak kung kinakailangan ng guardianship ng estate, makipag-usap sa isang attorney.
Hindi palaging nangangailangan ng guardianship.
Kung wala ang mga magualang upang maglagda ng papeles na legal, maaari ninyong punan at lagdaan ang isang Caregiver’s Authorization Affidavit [affidavit pampagbigay-kapangyarihan sa tagapag-alaga]:
- Kung kamag-anak kayo, bilang ang taong nag-aalaga sa bata, papayagan ng form na ito na inyong ma-enroll ang bata sa paaralan. Bibigyan ka rin nito ng kapangyarihan na kumuha ng pangangalaga pampaggagamot, kabilang ang paggagamot pangkalusugang pag-iisip, para sa bata. Nasa likod ng affidavit ang listahan kung aling mga kamag-anak ang nararapat sa ilalim ng batas na ito.
- Kung HINDI kayo kamag-anak, papayagan pa rin ng form na ito na i-enroll ang bata sa paaralan, ngunit nagbibigay lamang ng kapangyarihang magpasya pampangangalaga pampaggagamot na kaugnay sa paaralan (kagaya ng mga pagbakuna o physical exam na kinakailangan ng paaralan).
- Hindi kailangang lagdaan ng mga magulang ang Caregiver's Authorization Affidavit. ngunit maaari nilang pawalang-bisa ang affidavit nang kailanman.
- Kapag hindi na nakatira ang bata na inyong kasama, walang-bisa na ang affidavit. Kailangang inyong patalastasan ang paaralan at manggagamot kung hindi na nakatira ang bata na inyong kasama.
Kumuha ng Caregiver Authorization Affidavit. Tiyakin na inyong basahin ang Family Code sections 6550-6552 at Probate Code sections 2353 and 2356 upang matutuhan ang tungkol sa mga kinakailangan sa ilalim ng batas.
Maaaring hindi sapat ang Caregiver's Authorization Affidavit.
- Hindi tinatanggap ng lahat ng paaralan o paggamutan ang Caregiver’s Authorization Affidavit.
- Maaaring pawalan-bisa ng mga magulang kailanman ang mga form na iyon at hakutin ang bata, kahit na hindi ligtas para sa bata.
- Maaaring mahirapan kayong kumuha ng medical insurance para sa bata kung hindi kayo ang guardian na legal.
Maaaring may ibang papeles na legal na mahahanda ng inyong attorney na magbibigay sa isa pang may-edad ng katungkulan na mag-alaga nang pansamantala ng inyong anak. Makipag-usap sa isang attorney upang mapayuhan.
Bago kayo mapasya na maging Guardian, tanungin ang sarili ninyo:
- Papayag ba kayo na may pananagutan na legal para sa bata? Magkakaroon kayo ng kaparehong pananagutan ng legal at mga katungkulan bilang magulang. Bilang guardian ng estate, dapat inyong pangasiwaan ang pananalapi ng bata, magtago nang maingat na mga record, mag-ulat sa court, at humingi sa court ng pahintulot para sa mga ilan usapin pananalapi.
- Maapektuhan ba kayo ng guardianship at inyong pamilya? Magiging kagaya kayo ng magulang ng bata. Maaaring may-epekto ito sa inyong kaugnayan sa mga ibang kasapi sa pamilya. Pag-isipan ang inyong panahon, kakayahan, at kalusugan upang magpasya kung inyong gustong maging guardian.
- Kaya ba ninyong tustusan ang bata? Maaaring tatanggap ng kita ang bata mula sa Social Security, pagtulong na pambayan, panustos sa bata mula sa magulang, o sa pamana mula sa yumaong magulang. Ngunit kung hindi sapat ito, maaaring inyong kailangan na gastusin ang inyong sariling pera upang palakihin ang bata. Mag-click upang basahin ang higit pa tungkol sa Financial Help for Guardians [tulong pampananalapi ng mga guardian].
- Sang-ayon ba ang mga kamag-anak ng bata sa guardianship? Kung buhay ang mga magulang ng bata, aalalayan ba nila kayo sa guardianship, o tututol ba sila at susubukan makasagabal? Maaaring tumutol ang ilang magulang o ibang kamag-anak sa guardianship at/o maaaring i-utos ng court na maaari silang dumalaw nang kinaugalian.
Bilang guardian, inyong kailangang magpasya kagaya ng:
- Saan titira ang bata. Kung lilipat kayo, kailangang kaagad ninyong patalastasan ang court nang nakasulat. Kung iyong gusto na lumipat sa labas ng California, kailangan kumuha kayo ng pahintulot ng court.
- Saan mag-aaral ang bata. Kailangang manatiling kadamay kayo sa pag-aaral ng bata at tulungan na makatanggap ang bata ng anumang mga special service [pasadyang serbisyo], kagaya ng pag-tutor [sariling guro], na kailangan nya.
- Mga uri ng paggamot pangkalusugan o pangngipin para sa bata. Dapat inyong tiyakin ng tatanggap ang bata ng wastong pangangalaga pampaggagamot at pangngipin.
- Mga pangangailan pampagpapayo at pangkalusugang pag-iisip. Kung kailangan ng bata, dapat magsaayos kayo para sa bata ng mga serbisyo pampagpapayo o ibang pangkalusugang pag-iisip na angkop. Ngunit karaniwan na maaari ninyong ipasok ang bata sa suriang pangkalusugang pag-iisip na walang utos ng court.
Mga Katungkulan ng Guardian ng Estate
Bilang guardian ng estate ng menor de edad, inyong pananagutan na pinakamataas na tungkulin na kinikilala ng batas ng magsanggalang ng mga pag-aari (mga kaarian) ng estate ng bata. Tinatawag ang tungkuling ito bilang fiduciary duty [tungkulin ng katiwala]. Madaling maglabag ng tungkuling ito kung wala kayong sadyang pagsasanay o attorney na nagpapayo sa inyo. Dahil dito, mas mabuti na mayroon kayong pagpapayo o pangangatawan ng attorney kapag inyong hinihiling sa court na ihirang kayong guardian ng estate. Maaaring bayaran ng estate ang mga singil ng attorney at dapat pahintulutan ng court upang may pag-iingat sa menor de edad.
Kapag inyong pinangangasiwaan ang estate ng bata:
- Kupkupin nang hiwalay ang lahat ng pera at pag-aari ng bata mula sa mga pera at pag-aari ng lahat na iba, kabilang ang inyo. Maliban sa may utos ng court, hindi ninyo maaaring:
- bayaran ang sarili ninyo o ang inyong attorney mula sa pondo ng estate,
- ipamigay ang anumang bahagi ng estate,
- humiram ng pera sa estate, o
- gastusin ang pera ng estate.
- Kung buhay pa ang mga magulang ng bata, o tumatanggap ang bata ng panustos mula sa ibang dako, sa gayon, inyong kailangan ng pahintulot ng court na gamitin ang pera sa estate upang pambayad para sa panustos sa bata, pag-aalaga, o pag-aaral.
- Maaari kayong magharap ng pakiusap na nagpapaliwanag sa court, bakit inyong kailangang gamitin ang pera ng estate upang alalayan ang bata.
- Magkupkop ng ganap at wastong mga record pampananalapi, kabilang ang mga record ng lahat ng transaction [pagsasagawa] na kaugnay sa estate. Isulat ang lahat ng perang pumapasok at lahat ng perang lumalabas at itago ang resibo para sa lahat na inyong binili na gamit ang pera ng estate.
- Kumuha ng at panatilihin ang insurance coverage [pagsakop ng seguro] ng pag-aari ng bata.
- Maghanda ng ulat, na tinatawag ng "accounting", at iharap sa court sa 1ng taon pagkalipas nang inyong pagiging guardian. Pagkalipas noon, maaari ding magharap kayo ng ulat tuwing 2ng taon.
Mag-click sa Papaano Maging Guardian »
Mag-click sa Paano Tapusin ang isang Guardianship »
Mag-click sa Kumuha ng Tulong at Higit Pang Impormasyon »
Dalawin ang web page ng Probate Division [sangay pampagpapatunay ng testamento] upang makahanap ng mga pansamantalang kapasyahan, impormasyon ukol sa ADR Program [paraan panghaliling paglutas], at higit pa.