Paano Gumawa ng mga Pagbabago sa Iyong Claim
Paano Gumawa ng mga Pagbabago sa Iyong Claim
Pagkatapos mong maiharap ang iyong Plaintiff's Claim [pag-angkin ng nagsasakdal] (SC-100), maaaring matanto mong kailangan mong baguhin ang isang bagay sa claim [pag-angkin]. Maaaring kailangan mo na:
- Kung hindi pa naihatid ang iyong claim, magpunta sa small claims court clerk at hilingin na baguhin (palitan) ang iyong claim. Kunin mo ang iyong mga original na form. Pagkatapos mong maiharap ang iyong "binagong claim," ihatid ito sa defendant.
- Kung naihatid na ang iyong claim sa sinuman sa mga defendant, punan ang Request to Amend Claim Before Hearing [pakiusap upang baguhin ang pag-angkin bago ang paglilitis] (SC-114) o sumulat ng isang liham upang humiling ng pahintulot na baguhin ang iyong claim. Iharap mo sa small claims court clerk ang File Form SC-114 o ang iyong liham.
- Dapat ding maipadala sa koreo o personal na maihatid ang copy ng iyong Form SC-114 o liham sa lahat ng mga nasa kabilang panig sa iyong kaso.
- Maaari mong hilingin sa judge na baguhin ang pangalan ng defendant sa iyong paglilitis. (Basahin ang Code of Civil Procedure section 116.560(b) para sa batas na nagpapahintulot sa iyo para gawin ito.)
Kung hindi pa naihatid ang iyong claim, magpunta sa small claims court clerk at hilingin na baguhin (palitan) ang iyong claim. Kunin mo ang iyong mga original na form. Pagkatapos mong maiharap ang iyong "binagong claim," ihatid ito sa defendant.
Kung naihatid na ang iyong claim sa sinuman sa mga defendant at saka ka gagawa ng anumang mga pagbabago, dapat mong ihatid uli sa mga defendant ang binagong claim.
Kung hindi pa naihatid ang iyong claim, magpunta sa small claims court clerk at hilingin na baguhin (palitan) ang iyong claim. Kunin mo ang iyong mga original na form. Pagkatapos mong maiharap ang iyong "binagong claim," ihatid ito sa defendant.
Kung naihatid na ang iyong claim sa sinuman sa mga defendant at saka ka gagawa ng anumang mga pagbabago, dapat mong ihatid uli sa mga defendant ang binagong claim.
Nakatanggap ka ng form na tinatawag na "dismissal form" [form ng pagpawalang-saysay] nang iharap mo ang iyong claim. Gamitin mo ang form na ito upang sabihin kung sinong mga defendant ang gusto mong hindi na idemanda pa. Hindi mo kailangang ipaalam sa mga nalalabing defendant na pinaalis mo ang ibang mga defendant.
Mayroong 2 na mga uri ng dismissal [pagpawalang-saysay]:
- "Without Prejudice" [walang pagkiling] - Ibig sabihin nito na pinapanatili mo ang karapatan na iharap ang claim laban sa pinaalis na defendant sa hinaharap.
- "With Prejudice" [mayroong pagkiling] - Ibig sabihin nito na hindi mo maaaring iharap ang claim laban sa pinaalis na defendant sa hinaharap.
Kung kayo ang Plaintiff [nagdedemanda] o Defendant [idinemanda] at gustong palitan ang inyong court date, kailangang humiling kayo ng isang pagpaibang araw (na tintawag ding isang "continuance").
Upang maghiling ng pagpaibang araw nang kahit man lamang 10ng araw bago sa inyong paglilitis:
- Punan at iharap ang isang Request to Postpone Trial [hiling ng pagpaibang araw ang paglilitis] (Small Claims) (Form SC-150), O
- Sumulat sa court na nagpapaliwanag bakit inyong kailangan na baguhin ang inyong court date. AT
- Gumawa ng copy ng inyong Form SC-150 o sulat para sa bawat panig ng kasangkot sa kaso, at ang original.
- Ibuson o iabot nang harapan ang isang copy ng inyong Form SC-150 o sulat sa ibang tao na tinutukoy sa claim [pag-angkin].
- Maaaring kailangang magbayad kayo ng $10 filing fee [singil pampagharap] upang hilingin ang pagpaibang araw.
Kung gaganapin ang inyong paglilitis nang kulang sa 10ng araw:
- Dalhin ang napunan na Form SC-150 o sulat sa clerk's office. Hilingin sa clerk na isama ito sa inyong file. O dumalo sa inyong paglilitis at hilingin sa judge ng isang pag-ibang-araw (o continuance).
- Sa inyong Form SC-150 o sulat, bigyan ang judge ng mahusay na dahilan bakit huli ang pagharap ng inyong hiling.
- At saka, ibuson o iabot nang harapan ang isang copy ng inyong Form SC-150 o sulat sa ibang tao na tinutukoy sa claim
- Kailangang magbayad kayo ng $10 filing fee.
Pagkatapos ninyong hilingin ng pagpaibang araw ang paglilitis
Magbubuson sa inyo ang court ng isang Order on Request to Postpone Trial [utos ukol sa hiling ng pagpaibang araw ang paglilitis] (Form SC-152) o ibang katulad na patalastas na nagpapabatid sa inyo ng pagpasya ng court sa inyong hiling ng pagpaibang araw ang paglilitis.
Kung ipag-ibang araw ng court ang paglilitis, bibigyan kayo ng bagong court date sa Form SC-152 o patalastas. Ipapadala ng court ang patalastas sa inyo at lahat ng ibang panig.
Kung hind ipag-ibang araw ng court ang paglilitis, sa kasalukuyan petsa na naka-schedule ang paglilitis.
Kung wala kayong madinig mula sa court, dumalo sa court sa naka-schedule na petsa ng paglilitis.