Mga Small Claim [pag-angkin na mababang halaga] Tulong Pangsarili
Mga Small Claim [pag-angkin na mababang halaga]
Small Claims Advisor [tagapayo]
Ginaganap ang mga hearing [pagdinig] ng mga small claims sa Redwood City. Kung inyong kailangan ng tulong, maaabot ang Small Claims Advisor [tagapayo] bawat Wednesday mula 3:30 p.m. hanggang 5:30 p.m. Maghanap ng impormasyon ng kaso.
Natatanging court ang small claims court kung saan:
- Nalulutas ang mga pagtatalo nang kaagad at sa mababang gastos.
- Madali at hindi pormal ang mga patakaran.
- Hindi kayo pinapayagang pangatawanan ng attorney, maliban sa pag-apela (ngunit maaari kayong humiling ng payo ng attorney).
Nagsasakdal at Nasasakdal
- Plaintiff ang taong nagdemanda
- Defendant ang taong dinedemanda.
Mag-click sa paksa upang matutuhan ang higit pa:
- Sa pangkalahatan, maaari kayong magdemanda hanggang $12,500 samantalang isa kang "natural person" (isang tao)
- Hanggang $6,250 lamang ang madedemanda ng mga negosyo at iba pang entity (kagaya ng mga tanggapan ng pamahalaan).
- Maaari kayong magharap lamang ng 2ng pag-angkin sa isang taong kalendaryo (Jan. 1 hanggang Dec. 31) nang higit sa $2,500.
Tinatawag na "statute of limitations" ang deadline ng pagharap ng asunto. DAPAT iharap ang pinakamarami sa mga asunto sa nakatakdang panahon. Batay sa uri ng kaso at sino ang denidemada ang tagal ng panahon kung kailan dapat magharap ng kaso. Maaaring magulong usapin na pagpapasyahan ng court ang pagtuos kung kailan nagsisimula ang karapatan ng isang tao na idemanda ang ibang tao. Kapag idenidemanda ang pamahalaan, tingnan ang deadline muna, kahit na anong uring kaso ito.
Heto ang mga statute of limitations para sa mga karaniwang uri ng pagtatalong legal:
Uri ng Kaso | Uri ng Kaso Statute of Limitations |
Personal injury [pinsala sa tao] | 2ng taon pagkalipas na napinsala kayo. |
Property damage [pinsala sa pag-aari] | 3ng taon pagkalipas ng napinsal ang inyong pag-aari. |
Paglabag sa nakasulat na contract o kasunduan | 4 na taon pagkalipas ng petsa ng paglabag sa kasunduan. |
Paglabag sa contract o kasunduang sa salita. | 2nd taon pagkalipas ng petsa ng paglabag sa kasunduan. |
Fraud [pagdaraya] (kapag nawalan kayo ng pera dahil may nagsinungaling o linilang kayo nang sadya.) | 3ng taon mula kailan inyong nalaman ang tungkol sa fraud o dapat nalaman ang tungkol sa fraud. |
Pagdedemanda ng tanggapan ng pamahalaan o pangmadla. | Dapat magharap muna kayo ng claim sa tanggapang iyon, sa karaniwan sa loob ng 6 na buwan. Mayroon silang 45ng na araw upang magpasya. Kung hindi sila magpasya sa 45ng araw na iyon, tinuturing ng tinatanggihan ang claim. Kung tanggihan ka nila na nakasulat, mayroon kayong 6 na buwan upang magharap ng asuntong civil sa court. Alamin ang higit pa tungkol sa pagdedemanda ng isang tanggapan ng pamahalaan. |
Hindi madaling tuosin kung huli na upang magharap (at mahirap din ang kahit malaman kung nakasulat o sa salita ang contract). Kung nademanda kayo at naghintay ang plaintiff nang masyadong matagal upang idemanda kayo, inyong maaaring banggitin iyon sa court hearing at maaaring kusang mananalo kayo.
Kung hindi kayo tiyak kung nakalipas na ang deadline ng pagdemanda (o mademanda), magpapayo mula sa small claims advisor o isang attorney kung inyong kaya.
Batay ang filing fee [singil pampagharap] sa halaga ng inyong claim at ang bilang ng mga claim na inyong naharap na sa nakaraang 12ng buwan.
Heto ang mga kasalukuyang filing fee kung inyong naharap na ng 12 o mas kaunting claim sa nakaraang 12ng buwan.
Halaga ng Inyong Claim | Filing Fee |
$0 hanggang $1,500 | $30 |
$1,500.01 hanggang $5,000 | $50 |
$5,000.01 hanggang $12,500 | $75 |
Kung inyong naharap na ang lampas sa 12ng claim sa nakaraang 12ng buwan, $100 ang filling fee (para sa anumang halaga ng claim). Nagbabago ang mga filing fee, kaya tiyaking ninyo na tingnan kung ano ang kasalukuyang filing fee para sa mga kasong small claim sa sandali ng inyong pagharap.
Kung inyong hindi kaya ang filing fee, maaari ninyong hilinging sa court na ipaubaya ito. Basahin ang mga tagubilin para sa paghaharap ng isang kasong small claim upang makita ang higit pa.
Maraming mga uring kaso na inyong maaaring iharap sa small claim court. Heto ang ilan pangkaraniwang halimbawa
- Tinanggihan ng inyong dating nagpapaupa na isauli ang inyong security deposit.
- Napinsala ng inyong umuupa ang inyong apartment at lampas sa deposit ang pagpapaayos.
- Hindi naayos ng mechanic ang inyong kotse at ayaw isauli ang bayad o nagdulot ng karagdangang kasiraan.
- Pinautang mo ang isang kaibigan at ayaw kang bayaran.
- Binayaran mo ang isang contractor na mag-ayos sa inyong tahanan at hindi nila ginawa o masama ang pagkagawa.
- Mayroon taong nagbigay sa iyo ng masamang tseke o nag-stop-payment [pagpigil ng pagbayad]
- May ginawa ang isang tanggapan ng pamahalaan na nasaktan kayo o inyong pag-aari.
Mag-click upang matuto nang higit pa sa mga uri ng kaso na may natatanging patakaran upang makakuha ng mga tip [payo] o kasangkapan na makakatulong sa inyong kaso.
Isang paraan ang Mediation upang lutasin ang inyong kaso na hindi magdadamay ng judge. Bibigyan kayo ng pagkakataon na makipagkita at makipagusap sa kabilang panig na may tàong walang kinakampihan na matutulungan kayong kapwa na sama-samang makahanap ng lutas
Upang matuto nang higit pa, tingnan ang aming Small Claims Mediation page.
VIDEO - Mediation sa mga Small Claim
Paglulutas ng Inyong Kasong Small Claim Chapter 3. Mag-click para sa video ukol sa mediation.
Libreng serbisyo ang Small Claims Advisor na tutulong sa inyong kasong Small Claim sa San Mateo County.
May mga ibang Gamit-Yaman na tutulong sa inyo sa San Mateo County, kabilang ang mga sangay ng library, mga tanggapang pang-consumer-protection [pampangangalaga ng namimili], at higit pa.
Panoorin ang Winning a Small Claims Case in Sacramento [pagpanalo ng kasong small claim] upang malaman kung papaano hawakan ang inyong kasong small claim. Kahit na ginawa ang video para sa Sacramento County, nakakatulong ang pinakamarami ng impormasyon para sa mga small claim saanman sa California.
Upang makakuha ng impormasyon sa online na higit pa sa impormasyon na aming pinagkaloob, dalawin ang:
- Legal Guides mula sa Department of Consumer Affairs [kagawaran pang-usapin ng namimili]
- Small Claims Court- A Guide to its Practical Use [patnubay para mapakinabang na paggamit]
- Small Claims (website ng mga California Court)
Small Claims Clerk's Office
(650) 261-5100 option 6
Redwood City, CA 94063 [Directions]
Phone Number at Oras Pam-Phone:
(650) 261-5100 option 6
Monday - Friday: 8:30 a.m. - 4:00 p.m.
Oras ng Trabaho:
Monday - Friday: 8:30 a.m. - 4:00 p.m.
Kung inyong napag-aralan na ang impormasyong ito at gustong malaman kung ano ang mga susunod na hakbang, mag-click sa ibaba: