Skip to main content
Skip to main content.

Ihatid ang Iyong Claim [pag-angkin]

Ihatid ang Iyong Claim [pag-angkin]

Ang "Service" [paghatid] ang legal na paraan upang bigyan ng patalastas ang isang tao sa isang court action [usapin sa hukuman]. Ito ay kung magbibigay ang isang tao-HINDI ikaw o sinupaman na nakalista sa kasong ito-ng copy ng iyong mga papeles sa court sa tao, negosyo, o pampublikong entidad na iyong idinedemanda. Sa service malalaman ng kabilang panig:

  • Kung ano ang hinihingi mo,
  • Kailan at saan magaganap ang paglilitis, at
  • Ano ang magagawa nila.

Mayroong mga ilang hakbang sa tamang paghahatid ng mga papeles:

Dapat na maihatid ang copy ng claim sa bawat tao o negosyo na idinedemanda. Tinatawag ito na paghahatid sa defendant [nasasakdal] o mga defendant.

Sino ang iyong idinedemanda Sino ang maghahatid
Kung idinedemanda mo ang isang tao
  • Ihatid sa tao na iyong idinedemanda.
  • Kung mahigit sa isang tao ang idinedemanda mo, ihatid sa bawat tao na idinedemanda mo.
Kung idinedemanda mo ang isang negosyo na pag-aari ng isang sole proprietor [nag-iisang nagmamay-ari]
  • Ihatid sa may-ari.
  • Para sa isang negosyo na matatagpuan sa County of San Mateo na nagnenegosyo sa ilalim ng isang fictitious [kathang-isip] na pangalan maaari kang maghanap sa online upang mapag-alaman ang mga pangalan ng mga may-ari.
Kung idinedemanda mo ang isang corporation
  • Ihatid sa officer ng corporation o ang kanilang agent for service [ahente sa paghahatid].
  • Maaari mong alamin ang pangalan ng agent for service ng corporation sa website ng California Secretary of State.
  • Malalaman mo rin sa website kung paano sumulat sa Secretary of State upang makakuha ng higit pang impormasyon tungkol sa corporation, kagaya ng listahan ng mga officer ng corporation.
Kung idinedemanda mo ang isang partnership
  • Kung ang negosyo lamang ang iyong idinedemanda (at hindi mo inilista ang mga partner [kasama sa negosyo] nang hiwalay), Ihatid sa 1 sa mga partner.
  • Kung idinedemanda mo ang negosyo at ang mga partner, ihatid sa bawat partner.
  • Kung idinedemanda mo ang isang general partnership [pangkalahatang pagkakasama], ihatid sa general partner o general manager [pangkalahatang tagapamahala].
  • Kung ang negosyo ay may agent for service, maaaring ihatid mo sa agent.
Kung idinedemanda mo ang county ng San Mateo Ihatid sa Clerk of the Board. Matatagpuan ang San Mateo County Clerk sa:

all of Justice and Records
400 County Center,
Redwood City, CA 94063

Kung idenedemanda mo ang state
  • Maaari mong ihatid sa Attorney General's office ng state kung idinedemanda mo ang California Highway Patrol at ang karamihan sa Consumer Affairs Boards and Bureaus. Ang mailing address ay:

    P. O. Box 944255
    Sacramento, CA 94244

  • Kung idinedemanda mo ang Caltrans, dapat na ihatid mo sa California Department of Transportation. Mag-click para sa headquarters' address.
  • Tawagan ang 1-800-952-5225 para sa higit pang impormasyon.
Kung idinedemanda mo ang iyong landlord [nagpapaupa ng ari-arian].
  • Ihatid sa may-ari ng inuupahan mong ari-arian.
  • Ang pangalan, address, at numero ng telepono ng iyong landlord ay dapat na nasa iyong lease [pagpapaupa] o nakapaskil sa 2 na madaling makitang lugar sa ari-arian.
  • Pag hindi ibinigay ng landlord ang impormasyon na ito, maaari mong ihatid sa pamamagitan ng pagpapadala ng copy ng Plaintiff's Claim ng rehistrado o pinatibayang koreo sa address na kung saan binabayaran ang upa.
  • Maaari mo ring makuha ang address mula sa San Mateo County Tax Collector.
  • Kung nasa lease ang pangalan at address ng manager [tagapamahala], at hindi ibibigay ng manager ang address ng may-ari, maaaring ihatid mo sa manager
Kung idinedemanda mo ang isang tao na WALA sa California Dapat mong ihatid sa defendant sa California maliban kung:
  • Nagdedemanda ka tungkol sa ari-arian na matatagpuan sa California, at ang may-ari ay hindi nakatira sa California; o
  • Mayroon kang aksidente sa kotse sa California, at ang may-ari o driver ng kabilang kotse ay hindi nakatira sa California.

Kung alinman sa mga hindi kabilang na sitwasyong ito ay hindi nauukol sa iyong kaso, hindi mo maaaring idemanda ang defendant na ito sa small claims court. Kailangan mong idemanda siya sa Civil Division.

Humiling sa tagapayo ng small claims ng tulong kung paano ihatid sa isang tao sa labas ng California.

Mga Tip sa Paghahanap sa Isang Tao o Negosyo

Paghahanap ng Tao

Kung hindi mo mahanap ang tao na gusto mong idemanda o may babayarang pera sa iyo, maaari mong mahanap ang mga sumusunod na impormasyon na makakatulong upang matagpuan sila:

  • Kung lumipat ang tao, magpadala ng liham sa kanila sa alam na huling address nila. Ilang mga puwang sa ibaba ng iyong return address sa sobre, isulat ang, "Address Correction Requested. Do not forward." [hinihiling ang pagwawasto sa address. huwag ipadala.] Ibabalik sa iyo ang liham na nakalagay ang bagong address, kung mayroon sa file.
  • Kung ang idinedemanda mong tao ay nagmamay-ari ng ari-arian, saliksikin ang tax rolls [talaan ng buwis sa mga ari-arian] upang tingnan kung mahahanap mo ang bahay o address ng negosyo nila. Nakalista sa tax rolls sa Assessor's Office ang mga pangalan at mga address ng mga nagmamay-ari ng mga ari-arian sa county na kapwa sa pangalan ng may-ari at sa address ng ari-arian. Ang kinaroroonan ng mga opisina ng mga assessor ay nakalista sa telephone directory [listahan ng numero ng telepono] sa ilalim ng "County Government Offices" o hanapin na online sa local tax assessor's.
    • In San Mateo County the Assessor's Office phone number is (650) 363-4500. They are located at:

      555 County Center
      Redwood City, CA

  • May listahan ang County Register-Recorder's Office ng mga nagmamay-ari ng ari-arian ayon sa pangalan at nakalista rin ang kinaroroonan ng mga pag-aari nilang ari-arian. Ang mga kinaroroonan ng Register-Recorder ay nakalista sa telephone directory sa ilalim ng "County Government Offices."
    • Ang numero ng telepono ng Recorder's Office sa San Mateo County ay (650) 363-4713. Matatagpuan sila sa:

      555 County Center
      Redwood City, CA

  • Kung numero sa telepono lamang ang impormasyon na mayroon ka tungkol sa kabilang panig, at nakalista ang numero, malalaman mo ang address sa reverse directory [pabaligtad na listahan]. Makakahanap ka ng mga reverse directory sa online at sa main library [pangunahing aklatan].

Paghahanap ng Negosyo

  • Kung isang post office box [kahon na lalagyanan ng liham sa tanggapan ng koreo] lamang ang address na mayroon ka, maaari mong hilingin ang pangalan, address, at numero ng telepono ng may-hawak sa post office box na ginagamit para sa layunin na pangnegosyo mula sa post office. Magdala ng katibayan na ang box ay ginagamit para sa layunin na pangnegosyo.
  • Kung numero sa telepono lamang ang impormasyon na mayroon ka tungkol sa negosyo, at nakalista ang numero, malalaman mo ang address sa reverse directory. Makakahanap ka ng mga reverse directory at sa online at sa main library.
  • Para sa mga corporation at mga limited liability company [kompanyang may limitadong pananagutan] (LLC): Maaari kang maghanap sa online sa webpage ng California Secretary Mahahanap mo doon ang mga pangalan at mga address ng mga officer ng mga corporation, mga kasaping namamahala sa LLC, at ang kanilang mga agent for service. Maaaring ihatid ang claim ng usapin sa small claims sa agent for service o sa corporate officer.
  • Para sa mga sole proprietorship at mga partnership: Mayroong listahan ang County Clerk ng mga fictitious business statement [pahayag sa mga kathang-isip na negosyo]. Nakalista sa statement ang mga pangalan at mga address ng mga may-ari ng mga negosyo na pinapatakbo sa ilalim ng pangalan na kaiba sa mga may-ari. Siyasatin ang inilimbag (o ang online) para sa listahan ng negosyo. Gayahin ang numero ng certificate [patibay] na nasa kaliwa ng listahan at hingin sa clerk na alalayan ka sa paghahanap sa certificate sa mga file. Naglalaman ang certificate ng pangalan at address ng may-ari. Para sa impormasyon sa pamamagitan ng koreo, magpadala ng may stamp [selyo] na may sariling address na sobre at tseke o money order, na nakabayad sa County of San Mateo. $5.00 ang kabayaran sa pananaliksik sa bawat negosyo para sa bawat taon. Ang numero ng telepono ng Opisina ng County Clerk ay (650) 363-4712. Matatagpuan sila sa:

    555 County Center
    Redwood City, CA

    Mayroong listahan ang City Clerk's Office, Tax and Permit Division ng mga pangalan at mga address ng karamihan sa mga tao na may lisensiya upang magnegosyo sa isang lunsod.

  • Para sa impormasyon sa limited partnership: Tawagan ang Secretary of State Limited Partnership Status Unit sa (916) 653-3365. Ibigay ang pangalan ng company. Hingin ang mga sumusunod na impormasyon:
    • Buong pangalan at address ng limited partnership
    • Pangalan at address ng General o Managing Partner
    • Pangalan at address ng Agent for Service

    Maaari kang maghanap sa online o magpadala ng sulat na pakiusap sa:

    Secretary of State Limited Partnership Status Unit
    1500 11th St. Room 345
    Sacramento, CA 95814

Sa ibabaw

Hindi mo maaaring ihatid ang claim nang sarili mo. Dapat na kahit man lang 18 ang taon ng tagapaghatid at hindi nakalista bilang bahagi sa kaso. Maaaring sila ay:

  • Isang kaibigan, kamag-anak, o kasama sa trabaho.
  • Ang isang "process server" [tagapaghatid sa pamamaraan], ay isang tao na babayaran mo upang maghatid ng mga form ng court. Mahahanap sa website ng National Association of Professional Process Servers (NAPPS) ang mga lisensyadong process server sa inyong lugar.
  • Maaari ding maghatid ng mga form ng court ang sheriff, ngunit HINDI sa San Mateo County (maliban kung napagkalooban ka ng fee waiver [pagpaubaya sa kabayaran]). Kung maghahatid ka sa ibang county, subukan mong makipag-ugnayan sa kanilang Sheriff's Office upang alamin kung naghahatid sila ng mga papeles. O tingnan ang bahaging county ng phone book ng county na iyon sa ilalim ng "Sheriff." Dapat mong bayaran ang sheriff, maliban kung kwalipikado ka para sa fee waiver.

Ang kabilang panig ay mahahatiran sa isa mga sumusunod na paraan:

  • By Personal Service:

    Hingin sa iyong server na personal na "ihatid" (ibigay) ang copy ng iyong court papers sa idinedemanda mong tao o sa agent na legal na binigyang-kapangyarihan upang tumanggap ng court papers para sa tao, negosyo, o pangpublikong entidad na iyong idinedemanda. Hindi kailangang tanggapin o hawakan ng defendant ang claim upang maihatid. Kapag nakilalang wasto ang defendant, maaaring ihulog ang claim sa kanyang paanan.

  • Certified Mail [pinatibayang koreo] ng Court Clerk:

    Ang copy ng iyong claim ay dapat na iwan sa:

    • Negosyo ng defendant na mayroong tao na nangangasiwa,     OR
    • Bahay ng defendant na mayroong tao na may kakayahan na kahit man lang 18 taong gulang. Dapat mapagsabihan ang tao na tatanggap ng claim tungkol sa mga nilalaman nito.     AT
    • Ang isa pang copy ay dapat na maipadala sa koreo, nang first class, postage prepaid [una nang nabayaran ang pagpadala], sa defendant sa address na kung saan iniwan ang papel. Hindi makokompleto ang paghahatid hanggang sa 10 na araw pagkatapos na maipadala sa koreo ang copy.
  • Certified Mail [pinatibayang koreo] ng Court Clerk:

    Maaari mong bayaran ang court clerk upang ipadala sa koreo ang iyong claim sa idinedemanda mong tao sa pamamagitan ng certified mail. Maaaring maging napakainam ito, at mababa ang kabayaran ($15 maliban kung kwalipikado ka sa isang fee waiver). Alalahanin na maaaring hindi tatanggapin ng court ang ganitong paraan ng paghahatid at uulitin mo ang maghatid (sa paraang personal o may kahaliling paghatid) kung:

    • Ang idinedemanda mong tao o ang agent of service ng tao ay hindi lagdaan ang resibo ng certified mail gamit ang kanyang buong pangalan,
    • Hindi mabasa ng judge ang lagda sa resibo ng certified mail at hindi masabi kung sino ang lumagda, o
    • Ibang tao ang lumagda sa resibo o walang lumagda nito.

Sa ibabaw

Mayroong deadline sa paghahatid ng Plaintiff's Claim. Magbabatay ang deadline sa kung PAANO mo ihahatid ang claim:

  • Para sa personal na paghahatid: Ihatid ang iyong claim ng kahit man lang 15 na araw bago ang court date kung ang defendant ay nasa San Mateo County (o 20 na araw kung ang tao, negosyo, o pangpublikong entidad na paghahatidan mo ay nasa labas ng county).
  • Para sa may kahalili na paghatid: Ihatid ang iyong claim ng kahit man lang 25 na araw bago ang court date kung ang defendant ay nasa San Mateo County (o 30 na araw kung ang tao, negosyo, o pangpublikong entidad na paghahatidan mo ay nasa labas ng county). Kung nasa labas ng California ang tao, negosyo, o pangpublikong entidad na kailangan mong paghatidan o kung naghahatid ka ng ibang form, maaari kang humiling sa small claims advisor ng higit pang impormasyon.

May magkakaibang mga deadline para sa paghahatid ng Defendant's Claim:

  • Kung natanggap mo ang copy ng Plaintiff's Claim mahigit sa 10 na araw bago ang petsa ng paglilitis, kailangan mong ihatid sa plaintiff nang kahit man lang 5 na araw bago ang paglilitis.
  • Kung natanggap mo ang copy ng Plaintiff's Claim 10 na araw o mas mababa bago ang petsa ng paglilitis, kailangan mong ihatid sa plaintiff nang kahit man lang 1 na araw bago ang paglilitis.

Kung nakaligtaan mo ang iyong deadline

Kung hindi mo naihatid ang claim bago ang deadline para sa paghatid, makipag-usap sa court clerk o sa small claims advisor tungkol sa kung paano maitakda muli ang iyong court date upang magkaroon ng higit pang panahon na maihatid ang claim.

Kung naihatid mo na ang iyong claim sa ilang mga panig ngunit hindi sa mga idinedemanda mo, maaaring kailangan mong punan at iharap ang Request to Postpone Trial [pakiusap sa pagpapaliban sa paglilitis] (SC-150) ng kahit man lang 10 na araw bago ang araw ng paglilitis (o ipaliwanag kung bakit hindi mo makakaya ang 10-araw na deadline). At saka ihatid ang copy ng form na ito nang personal o sa koreo sa lahat ng ibang mga plaintiff at defendant na nakalista sa iyong mga court paper. Mag-click para sa higit pang impormasyon sa pagpapalit sa iyong court date.

Sa ibabaw

Dapat lagdaan ng taong maghahatid sa kabilang panig ng isang court paper na magpapakita kung kailan sila nahatidan. Tinatawag ang papel na ito na Proof of Service (SC-104). Dapat na maiharap ito sa court clerk kahit man lang 5 na araw bago ang court hearing.

Kung wala kang Proof of Service sa bawat tao na nahatidan, o kung ang Proof of Service hindi napunan nang wasto, maaaring hindi dinggin ng judge ang iyong kaso.

Pagkatapos mong maihatidan sa kabilang panig at maiharap mo sa court ang iyong Proof of Service, kailangang maghanda ka na Pumunta sa Court.

Sa ibabaw