Skip to main content
Skip to main content.

Patakaran sa Batas ng Mga Amerikano para sa Mga Taong May Mga Kapansanan (ADA)

Mga patakaran at pamamaraan tungkol sa mga taong may mga kapansanan at mga kahilingan para sa akomodasyon:

Patakaran ng Nakatataas na Hukuman ng Lalawigan ng San Mateo na tiyaking ang mga kwalipikadong tao na may mga kapansanan ay may pantay at ganap na aksesibilidad sa sistema ng hudikatura. Ang patakarang ito ay alinsunod sa Panuntunan ng Hukuman ng California 1.100 (California Rule of Court 1.100).

Ang mga kwalipikadong tao na may mga kapansanan ay ang mga taong nasasaklaw ng:

  • Batas ng Mga Amerikano para sa Mga Taong May Mga Kapansanan noong 1990
  • Batas sa Mga Karapatang Sibil ng California na akda ni dating Assemb. Unruh (California Unruh Civil Rights Act)
  • iba pang mga naaangkop na mga batas ng pederal o ng estado

Kinabibilangan ito ng mga indibidwal na:

  • mayroong mga pisikal o mental na kondisyon na nakalilimita sa isa o higit pang mga pangunahing gawain nila sa buhay
  • mayroong mga rekord o tala ng mga ganitong kondisyon
  • ipinapalagay na mayroong mga ganitong kondisyon

Maaari kang humiling sa pamamagitan ng:

  • pagsusumite ng MC-410 na form para sa kahilingan ng Hudisyal na Konseho ng California (Judicial Council of California) sa ada@sanmateocourt.org
  • pagpapadala ng email sa ada@sanmateocourt.org
  • pagpapadala ng sulat sa koreo sa Opisyal ng Komunikasyon (Communications Officer ng Hukuman) (tingnan ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa ibaba)
  • paggawa ng pasalitang kahilingan o pakikipag-usap sa Opisyal ng Komunikasyon ng Hukuman (tingnan ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa ibaba)

Mga kahilingan para sa akomodasyon:

  • kinakailangang may kasamang paglalarawan ng hinahangad na akomodasyon at pahayag ng medikal na kondisyon na siyang nangangailangan ng akomodasyon
  • kinakailangang gawin nang maaga hangga't maaari, at dapat na hindi bababa sa 5 araw na may trabaho ang hudikatura bago ang sumapit ang petsa ng hiniling na pagpapatupad
  • kinakailangang itong gawin para sa bawat isa at sa bawat nakatakdang pagharap sa hukuman

Kung kailangan mong muling magpa-iskedyul o ipagpaliban ang petsa ng serbisyo sa pagrereport o pagharap sa hurado, mangyaring makipag-ugnayan sa Mga Serbisyo ng Hurado (Juror Services) sa 650-599-1700, o sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa: jurymaster@sanmateocourt.org

Ang Hukuman ay magbibigay ng pangunahing konsiderasyon sa iminungkahing akomodasyon. Maaaring atasan ng Hukuman ang aplikante na magbigay ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa medikal na kondisyon at akomodasyong hinahangad. Maaaring magbigay ang Hukuman ng alternatibong akomodasyon kung mapagpasyahan itong magiging epektibo at naaangkop na tulong o serbisyo.

Ang hukuman ay hindi kinakailangang gumawa ng akomodasyon na:
  • babago ng kalikasan ng serbisyo, programa, o gawain
  • lilikha ng hindi nararapat na pinansyal o administratibong pasanin.

Ipapaalam ng Hukuman sa mga aplikante ang pagpapasya sa pag-apruba o pagtanggi sa isang kahilingan sa akomodasyon, sa kabuuan o bahagi nito, sa pamamagitan ng isang kumpidensyal na sulat. Ang mga liham ay ipapadala sa mga aplikante sa pamamagitan ng email maliban kung ang isang alternatibong paraan ng komunikasyon ay hiniling.

Daniel Radovich
Opisyal ng Komunikasyon
Email: ada@sanmateocourt.org
Telepono: 650-261-5051
Address para sa pagpapadala ng sulat sa koreo: 400 County Center, Redwood City, CA 94063

Kung kailangan mong muling magpa-iskedyul o ipagpaliban ang petsa ng serbisyo sa pagrereport o pagharap sa hurado, mangyaring makipag-ugnayan sa Mga Serbisyo ng Hurado sa 650-599-1700, o sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa: jurymaster@sanmateocourt.org

Was this helpful?

This question is for testing whether or not you are a human visitor and to prevent automated spam submissions.