Paano Tapusin (Wakasan) Ang Isang Guardianship
Matatapos (magwawakas) ang isang guardianship kung:
- Magiging 18 na ang edad ng bata;
- Ang bata ay aampunin, ikakasal, papasok sa military, o idedeklara ng isang court order na isang nang may-edad (pinalaya na);
- Mamamatay ang bata; o
- Tatapusin na ng court ang guardianship.
-
Kaagad na tatapusin ang guardianship ng naunang 3ng pangyayari.
Para sa panghuling pangyayari, maaaring magtalaga ang court ng isang paglilitis upang tapusin ang guardianship o maaaring ang isang tao ay magharap ng isang paghiling (pakiusap) upang tapusin ang guardianship, na susundan ng isang paglilitis sa court at isang kautusan ng court.
Ito ang mga halimbawa ng mga tao na maaaring humiling sa court upang tapusin ang isang guardianship:
- Ang bata, kung 12 na ang edad o mas matanda
- Ang mga magulang ng bata
- Ang guardian
-
Kung isang guardian kayo at gusto ninyo nang bumitiw (hindi na magpapatuloy bilang guardian), ngunit kailangan pa ang guardianship, dapat inyong hingin sa court ang pahintulot upang magbitiw bilang guardian at upang maghirang ng ibang tao. Magkakaroon ng isang paglilitis sa court at ang lahat na mga kamag-anak na iyong pinagsabihan noon simula ng kaso ay kailangang mapagsabihan uli.
- Kailangang mong ipakita sa court na nakabubuti sa bata ang iyong pagbibitiw.
- Kung papayag ang judge, maghihirang sila ng isang guardian na papalit sa iyo. Kung may alam kang isang tao na gustong mahirang na isang guardian bilang kapalit mo, sa parehas na panahon, maaaring gusto mong magtulungan kayo upang maiharap niya ang kinakailangang gagawing papeles upang mahirang siya bilang guardian.
- Kung walang makukuhang kapalit, gagawin ang isang pagsangguni sa Child Protective Services at maaaring ang bata ay gagawin dependent (umaasa) sa juvenile court.
-
Bago tatapusin ang isang guardianship, isasaalang-alang ng judge ang:
- Pinakaibubuti ng kapakanan ng bata: Dapat patunayan sa court ng taong humihiling na tapusin na ang guardianship na nasa pinakaibubuti ng bata ang pagtatapos ng guardianship.
- Kung gusto ng magulang na sa kanya muling titira ang ang bata, kakailanganin ng judge ng katunayan na ang magulang ay:
- May isang ligtas na lugar na titirahan,
- Kayang maging isang magulang o sapat na ang pagbabago, at
- Kayang magbigay ng isang mabuting tahanan para sa bata.
- Kung mahigit nang 12 taong gulang ang bata, maaaring isasaalang-alang kung ano ang gusto niya at kung saan niya gustong tumira.
Mag-click para sa aming pangunahing guardianship page kung inyong gustong malaman ang pangkalahatang impormasyon tungkol sa mga guardianship.
PAANO HINGIN SA COURT NA TAPUSIN NA ANG GUARDIANSHIP:
E-Filing
Kung ihaharap ninyo ang mga form nang elektronikal (sa pamamagitan ng e-filing), dalawin ang aming e-filing dahil ang mga tagubilin para sa Step 2 at 3 ay magkakaiba.
- Punan ang iyong mga form
Punan ang: - Gumawa ng kahit man lamang 3ng na mga copy ng lahat ng iyong mga form.
Para sa court ang orihinal. Para sa iyo ang isang copy. Ang mga iba pa ay para sa mga tao na kinakailangang mapagsabihan (tingnan ang Step 4). Maaaring kailangang gumawa ka ng higit pang mga copy pagkatapos mong mapunan ang iyong mga form. - Iharap ang iyong mga form sa court clerk.
Idala sa Clerk's Office ang orihinal kasama ang mga copy. Ibabalik ng clerk ang mga copy sa iyo, na may tatak na "Filed." Makakakuha ka ng petsa ng paglilitis sa Notice of Hearing (GC-020). Iyan ang iyong petsa sa court kung kalian hihilingin mo sa judge na wakasan na ang guardianship. - Magbigay ng patalastas
Magbibigay ng patalastas sa pamamagitan ng koreo sa lahat ng tao na napagsabihan nang magsimula ang kaso (nang naiharap ang guardianship).- Kailangang magbigay ka ng patalastas ng kahit man lamang 15 na araw bago ang paglilitis.
- Sa sinuman na mga kamag-anak na sumang-ayon na wakasan na ang guardianship, hindi ka na kailangang magbigay ng patalastas. Hingin mo lamang sa kanila na pirmahan ang Consent to Termination at Waiver of Service [pahintulot sa pagwakas at pagpaubaya ng paghatid] at Notice of Hearing sa likod ng Petition (GC-255).
- Pumunta sa court sa petsa ng iyong paglilitis.
- Punan ang Order Terminating Guardianship [utos pampagwakas ng guardianship] (Form GC-260)
- Kung pagpasyahan ng court na wakasan na ang guardianship, pipirmahan ng judge ang form na ito. Tiyakin mong iharap ang form na ito matapos na mapirmahan ng judge.