Diborsyo At Legal Na Paghihiwalay
Maaari mong wakasan ang isang kasal o rehistradong domestikong pagsasama sa 3 na iba-ibang mga paraan.
- Dissolution (diborsyo)
- Legal na Paghihiwalay
- Pagpapawalang Bisa sa Kasal
Upang malaman ang mga pagkakaiba ng 3 na mga paraan na ito, puntahan ang Options to End a Marriage or Domestic Partnership [mga pagpipilian upang wakasan ang isang kasal o domestikong pagsasama] sa website ng mga California Court.
Upang makita kung anong mga hakbang ang gagawin upang wakasan ang inyong kasal, tingnan ang Legal Steps for a Divorce or Legal Separation [mga legal na hakbang para sa diborsyo o legal na paghihiwalay] (FL-107-INFO).
Mag-click upang malaman ang higit pa tungkol sa pangangalaga sa bata, panustos sa batas, or o iba pang mga paksang may kinalaman sa pamilya, o magpunta sa aming home page.
Kung ikaw ay diborsiyado at kailangan mo lamang ng copy ng iyong pangkatapusang Kapasyahan, mag-click kung paano humiling ng mga copy ng iyong diborsyo.
Mag-click sa isang paksa upang malaman ang higit pa:
- Sa pangkalahatan, kung ikaw ay magharap ng para sa diborsyo, ikaw o ang iyong asawa o registradong domestikong kinakasama ay dapat na nanirahan sa California ng 6 na buwan, at 3 na buwan man lang sa county na paghaharapan mo. Ngunit may mga hindi kabilang:
- Kung kayo ay parehong-kasarian at ikinasal sa California, ngunit nakatira na kayo ngayon sa isang state o county na hindi kumikilala sa kasal na parehong-kasarian at ayaw kayong idiborsyo, maaari kayong magharap para sa diborsyo sa California county kung saan kayo ikinasal. Alalahanin na kung sinuman sa inyong dalawa ay hindi nakatira sa California, maaaring hindi makapagsagawa ang court ng mga atas tungkol sa iba pang mga bagay-bagay katulad ng ari-arian at utang, pangtustos pang-asawa, o ang inyong mga anak. Kung ganito ang iyong kalagayan, makipag-usap sa isang abogado na may karanasan sa mga batas sa kasal ng parehong-kasarian.
- Kung naging rehistradong domestikong magkasama kayo sa California, hindi kailangang manirahan kayo sa California upang wakasan ang inyong domestikong pagsasama sa California.
- Para sa isang legal na paghihiwalay, hindi mo kailangan ang ganitong alituntunin sa paninirahan. Ngunit ikaw o ang iyong asawa o domestikong kinakasama ay dapat na nakatira sa county kung saan ka maghaharap para sa legal na paghihiwalay. Kung pagkaraan ay gusto mong wakasan ang iyong kasal, kailangan mong iharap na muli ang iyong kaso bilang isang diborsyo.
- Kung ikaw at ang asawa mo ay magkasundo na magdiborsyo, wala kayong mga anak, ikinasal kayo nang di lalagpas sa 5 na taon, at may kaunti o walang ari-arian o utang, maaari kayong nararapat sa isang mas simpleng paraan upang magdiborsyo. Tinatawag itong Summary Dissolution [madaliang pagbuwag] Mag-click upang tingnan kung kayo ay qualify for a summary dissolution (website ng mga California Court).
- Kung mababa ang kita mo o hindi mo makaya ang mga babayaran sa pagsampa sa court, maaari mong hilingin sa court na ipaubaya ang mga babayaran sa pamamagitan ng paghiling ng isang fee waiver [pagpapaubaya sa babayaran]. Alamin ang higit pa tungkol sa fee waivers (website ng mga California Court).
- Para sa tulong, puntahan ang "Getting Help" sa hulihan ng page na ito.
Sa pangkalahatan, nasa ibaba ang mga hakbang na dapat mong sundin.
Para sa isang flowchart na nagpapakita sa iyo ng bawat hakbang. i-click ang button sa ibaba.
Diborsyo o Legal na Paghihiwalay
1. Iharap ang mga form na ito (may 2 na copy) sa court clerk:
- Petition [pakiusap] (FL-100)
- Summons [mga pagpapatawag] (FL-110)
- Kung may mga anak kayo ng iyong asawa o domestikong kinakasama, punan din ang Declaration Under Uniform Child Custody Jurisdiction and Enforcement Act [pagpapahayag sa ilalim ng pantay na sakop at pagpapatupad sa pangangalaga sa bata] (FL-105)
- Mga form sa fee waiver kung kailangan (FW-001 at FW-003) (isang copy lamang ng mga ganito)
Self-Prep and File
-
Mag-click para sa computer program na makakatulong sa inyo na ganapin ang lahat ng mga form na ito sa pamamagitan ng pagsagot ng mga madadaling tanong.Image
-
2. Ihatid ang mga form sa iyong asawa o kinakasama.
- Kailangang isang tao na 18 o mas matanda, HINDI ikaw, ang magbigay sa iyong asawa o kinakasama ng isang copy ng iyong mga papeles kasama ang isang blanko na Response (FL-120) (at isang blanko na FL-105 at isang blanko na ).
- Pupunan ng taong ito ang Proof of Service of Summons [katibayan ng paghahatid ng mga pagpapatawag] (FL-115) at ihaharap mo ito sa court.
- Mayroong 30 na araw ang iyong asawa o kinakasama upang magbigay ng tugon.
3. Ilantad ang impormasyon na pangpananalapi.
- Sa parehong panahon sa Step 1, o sa loob ng 60 na araw, punan at ihatid sa iyong asawa ang mga form na ito (kasama ang mga blanko):
- Declaration of Disclosure [pagpapahayag ng paglalantad] (FL-140)
- Income & Expense Declaration [pagpapahayag ng kita at gastos] (FL-150). (Tingnan ang bisitahin ang "Get Help" sa ibaba para sa isang computer program na makakatulong sa iyo na punan ang form na ito).
- Schedule of Assets & Debts [talaan ng mga pag-aari at mga utang] (FL-142) o ng Property Declaration [pagpapahayag ng ari-arian] (FL-160).
- Mga iniharap mong tax return sa nakaraang 2 na taon.
- Kailangang iharap mo ang iyong Income and Expense Declaration ngunit huwag mong iharap ang ibang mga dokumento o ang iyong mga tax return sa court. Itago ang mga orihinal at dalhin mo ang mga ito sa iyong hearing [paglilitis] kung sakaling kailanganin mo ang mga ito pagkatapos.
- Punan at iharap ang Declaration Regarding Service of Declaration of Disclosure [pagpapahayag ukol sa paghahatid ng pagpapahayag ng paglalantad] (FL-141)
TUpang maintindihan ang higit pa tungkol sa kung paano pangasiwaan ang mga bagay-bagay na pangpananalapi sa panahon ng diborsyo o legal na paghihiwalay, tingnan ang online na kurso na Finances After Separation [mga pananalapi pagkatapos ng paghihiwalay].
4. Tapusin ang iyong diborsyo o legal na paghihiwalay.
May 4 na mga maaaring paraan upang tapusin ang iyong kaso
A. Kung hindi tutugon ang iyong asawa o kinakasama, at wala kayong nakasulat na kasunduan, kailangan mo ang:
- Request to Enter Default [kahilingan upang gawin ang hindi pagtupad] (FL-165).
- Declaration Regarding Default or Uncontested Divorce [pagpapahayag ukol sa hindi natupad o walang pigil na diborsyo] (FL-170).
- Judgment [kapasyahan] (FL-180).
- Notice of Entry of Judgment [patalastas sa pagsagawa ng kapasyahan] (FL-190).
- Kung may mga anak ka, at humihiling ka para sa pangtustos na pang-anak o pang-asawa, o sa paghahati-hati ng ari-arian o pagkakautang, kailangan mo ng ibang mga form. Basahin ang Completing Divorce or Separation [pagtapos sa diborsyo o paghihiwalay] at mag-click sa iyong kalagayan upang mahanap ang higit pa.
- 3 na sobre na may sariling address at may selyo (ang 2 ay naka-address sa iyong asawa; ang 1 ay naka-address sa iyo).
B. Kung hindi tutugon ang iyong asawa o kinakasama, at mayroon kayong nakasulat na kasunduan, kailangan mo ang:
- Request to Enter Default [kahilingan upang gawin ang hindi pagtupad] (FL-165).
- Declaration Regarding Default or Uncontested Divorce [pagpapahayag ukol sa hindi natupad o walang pigil na diborsyo] (FL-170).
- Judgment [kapasyahan] (FL-180).
- Notice of Entry of Judgment [patalastas sa pagsagawa ng kapasyahan] (FL-190).
- Isang Marital Settlement Agreement (MSA) [kasunduan sa pag-areglong pangmag-asawa] na nagsasaad kung paano ninyo malulutas ang lahat ng mga detalye ng diborsyo kagaya ng sa mga anak, pangtustos na pang-anak o pang-asawa, ari-arian at utang, mga plano sa pagreretiro, at anupaman na mayroon kayong dalawa.
- 3 na sobre na may sariling address at may selyo (ang 2 ay naka-address sa iyong asawa; ang 1 ay naka-address sa iyo)
C. Kung maghaharap ng tugon ang iyong asawa o kinakasama, at mayroon kayong nakasulat na kasunduan, kailangan mo ang:
- Appearance, Stipulation, and Waivers [paglitaw, kasunduan, at mga pagpapaubaya] (FL-130).
- Declaration Regarding Default or Uncontested Divorce [pagpapahayag ukol sa hindi natupad o walang pigil na diborsyo] (FL-170).
- Judgment [kapasyahan] (FL-180).
- Notice of Entry of Judgment [patalastas sa pagsagawa ng kapasyahan] (FL-190).
- Ang Stipulated Judgment [napagkasunduang kapasyahan], ay ang kasunduan na nagsasaad kung paano ninyo malulutas ang lahat ng mga detalye ng diborsyo kagaya ng sa mga anak, pangtustos na pang-anak o pang-asawa, ari-arian at utang, mga plano sa pagreretiro, at anupaman na mayroon kayong dalawa.
- 2 na sobre na may sariling address at may selyo (ang 1 ay naka-address sa iyong asawa; ang 1 ay naka-address sa iyo)
D. Kung maghaharap ng tugon ang iyong asawa o kinakasama, at wala kayong nakasulat na kasunduan, kailangan mong humiling ng isang paglilitis: Mag-click upang malaman ang higit pa tungkol sa Contested Cases.
Dalawin ang Completing Divorce or Separation (website ng mga California Court) upang malaman ang higit pa tungkol sa pagtatapos sa iyong diborsyo o legal na paghihiwalay.
Kapag maghihiwalay o magdidiborsyo ang dalawang tao na kasal o nasa isang rehistradong domestikong pagsasama, maaaring iutos ng court sa 1 asawa o kinakasama na bayaran niya ang kabila ng tanging halaga ng pangtustos (tinatawag na spousal or partner support [pangtustos na pang-asawa o pang-kinakasama]) sa bawat buwan. "Alimony" ang dating tawag sa spousal or partner support.
Maaaring maging isang komplikadong legal na usapin ang spousal or partner support kaya kailangan mong makipag-usap sa isang abogado o tingnan ang Family Law Facilitator [nangangasiwa sa batas pangpamilya] upang maintindihan ang iyong mga karapatan at/o mga pananagutan.
Panuurin ang kabanata tungkol sa spousal support sa Finances After Separation upang malaman ang higit pa.
Maaaring humingi para sa spousal support ang isang asawa o kinakasama habang nangyayari ang kaso ng diborsyo o paghihiwalay (bago maging final [tapos na] ito). Tinatawag itong pansamantalang pagtustos. At maaari silang humingi ng para sa spousal or partner support kapag final na ang diborsyo o paghihiwalay. Tinatawag itong "permanent" o "long term" [pangmatagalan] na pagtustos. Hindi naman nangangahulugang ito ay talagang walang hanggan, ngunit batay sa haba ng kasal at iba pang mga kadahilanan, maaaring magtagal ito ng maraming mga buwan, mga taon, o permanente na o hanggang ang tumatanggap na asawa ay mamamatay o muling ikakasal.
Upang malaman ang tungkol sa kung paano isinasagawa ng judge ang mga kapasyahan tungkol sa spousal and partner support, paano ito wawakasan, at paano ang magsulat ng isang kasunduan, dalawin ang Spousal / Partner Support na bahagi ng website ng mga California Court.
Sa isang diborsyo o legal na paghihiwalay, dapat ding magsagawa ang mga mag-asawa o magkasama (o ang court) ng mga kapasyahan tungkol sa kung paano nila hahatiin ang kanilang ari-arian at ang kanilang utang. Maaaring ito ay maging komplikado, lalo na kung mayroong maraming ari-arian (halimbawa ay mga bahay, mga bank account, at mga plano sa pagreretiro o pension) o ng maraming mga utang (halimbawa ay mga credit card, mga pagkakasangla, mga bayarin sa paggagamot, o mga kabayaran sa sasakyan).
Panuurin ang online na kurso s Finances After Separation upang maintindihan kung paano dapat na napagpapasyahan ang mga usaping pangpananalapi bilang bahagi ng inyong diborsyo o paghihiwalay.
Isang community property state [estado na may pag-aari ng kapwa mag-asawa] ang California. Ibig sabihin nito na karamihan sa ari-arian o utang na nakukuha ng mag-asawa o magkasama sa panahon ng ng kasal o domestikong pagsasama ay “community property” [pag-aari ng kapwa mag-asawa] o “community debt” [pagkakautang ng kapwa mag-asawa]. Ngunit may mga hindi kabilang: Halimbawa, ang isang mana ay sa pangkalahatan ay hiwalay na ari-arian ng tao na nakatanggap nito, kahit na ito ay natanggap sa panahon ng kasal.
Anuman mayroon ang alinmang asawa o kinakasama bago ang kanilang kasal, o pagkalipas ng petsa na nagkahiwalay sila, ay "separate property" [nakahiwalay na pag-aari]
Minsan, hindi maliwanag kung ang isang bagay ay naging pag-aari bago ang kasal/pagsasama o habang kasal/nagsasama, at ito ay maaaring higit na magpagulo sa mga bagay-bagay. Halimbawa, kung bumili ka ng bahay bago ka ikinasal, ngunit nagsagawa ka ng mga pagbabayad sa mortgage [sangla] sa panahon ng kasal, ang bahay ay bahaging separate property mo at bahaging community property ninyo ng iyong asawa.
Napakahalaga na punan mo ang iyong mga papeles sa paglalantad na pangpananalapi bilang bahagi ng iyong divorce case (tingnan ang Step 3 of the Steps to File for Divorce of Legal Separation) [mga hakbang sa paghaharap para sa diborsyo at legal na paghihiwalay]) na tama at kompleto nang hanggang kaya mo. Makakatulong ito sa iyo, sa asawa o kinakasama mo, at sa judge na matiyak na lahat ay nahati nang makatarungan sa inyong diborsyo o paghihiwalay.
KAILANGAN NG TULONG? Para sa tulong na subukang magkaroon ng kasunduan sa iyong asawa o kinakasama na maghahati sa inyong ari-arian at mga utang, dalawin ang Family Law ADR Program ng San Mateo Court na nagkakaloob, sa mababang singil, ng mga mediator at mga arbitrator na maaaring makatulong sa inyo sa pagkakaroon ng kasunduan at lutasin ang inyong diborsyo at paghihiwalay na kaunti ang pagtatalo at higit na pamamahala.
Maaari mong basahin ang higit pa tungkol sa Property and Debt in a Divorce or Legal Separation sa website ng mga California Court, kabilang ang kung paano maningil sa family law judgment [kapasyahan sa batas pangpamilya] kung hindi ka babayaran ng iyong dating asawa o kinakasama sa kung ano ang iniatas ng court pagkatapos hatiin ang inyong ari-arian.
Ang pinakamadaling panahon na maaari kang madiborsyo ay 6 na buwan at isang araw mula sa pinakamaaga sa mga petsang ito:
- Ang petsa na naihatid sa iyong asawa o kinakasama ang Summons (FL-110) at Petition (FL-100),
- Ang petsa na iniharap ng iyong asawa o kinakasama ang Response (FL-120), o
- Ang petsa na iniharap mo o ng iyong asawa/kinakasama ang Appearance, Stipulation, and Waivers (FL-130).
Ngunit, tandaan DAPAT ang magharap ng mga papeles upang tapusin ang iyong diborsyo at hindi pa madidiborsyo hanggang ang court ay magbigay ng Kapasyahan.
Kung nagharap ka ng para sa legal na paghihiwalay, walang panahon ng paghihintay. Magiging legal na hiwalay ka sa petsa na ibinigay ng court ang Kapasyahan sa kaso.
- Kung kailangan mo ng tulong sa pagsisimula ng iyong diborsyo o legal na paghihiwalay o pagkumpleto sa proseso pagkatapos na masimulan mo ang iyong kaso, dalawin ang Family Law Facilitator sa mga regular na itinakdang oras.
Self-Prep and File
-
Mag-click para sa computer program na maaaring makatulong sa iyo na punan ang mga form upang simulan ang isang diborsyo o legal na paghihiwalay.Image
-
- Iba pang mga workshop na mayroon. Pakihiling sa Family Law Facilitator ng San Mateo Court kung ano ang mga workshop na mayroon para sa iyong kalagayan.
- Kung ikaw at ang iyong asawa o kinakasama ay kailangan ng tulong sa paghahati sa inyong ari-arian o utang o paggawa sa iba pang bahagi ng inyong paghihiwalay, katulad ng pagplaplano sa pagiging magulang, pangtustos sa anak, o pangtustos na pang-asawa, maaari ninyong subukan ang mediation o arbitration. Nag-aalok ang San Mateo Court ng mga mababang singil na mga mediator at arbitrator na makakatulong sa inyo. Upang malaman ang higit pa, dalawin ang page ng aming Family Law Alternative Dispute Resolution (ADR) Program page.
- Alalahanin na iba ito sa Family Court Services [mga serbisyo ng hukumang pangpamilya], na para lamang sa mga usapin sa custody [pangangalaga] at visitation [pagdalaw]. Gagawa ang counselor ng Family Court Services ng isang rekomendasyon para sa judge kung ikaw at ang kabilang magulang ay hindi makagawa ng isang kasunduan tungkol sa parenting [pagiging magulang]. Walang bayad ang serbisyong ito at iniaatas ng court kung ikaw o ang kabilang magulang ay humiling para sa isang court order dahil hindi kayo magkasundo sa isang planong pagiging magulang. Mag-click upang malaman ang higit pa tungkol sa Family Court Services and Child Custody Recommending Counseling.
- Panuurin ang isang online na kurso tungkol sa kung paano pangasiwaan ang mga usaping pangpananalapi sa panahon ng diborsyo o legal na paghihiwalay. Mga Pananalapi Pagkalipas ng Paghihiwalay.
-
Image
Tingnan ang Families Change - A Guide to Separation and Divorce [nagbabago ang mga pamilya – isang gabay sa paghihiwalay at diborsyo] na may 3 na version—isa para sa mga magulang, isa para sa mga anak, at isa para sa mga teen at mga pre-teen.
- At tingnan din ang kursong Parenting After Separation [pagiging magulang pagkalipas ng paghihiwalay].
- Dalawin ang aming Mga Video at Higit pang Tulong upang maghanap ng hakbang-hakbang na mga tagubilin mula sa ibang mga county sa California na maaaring makatulong upang gabayan ka.