Skip to main content
Skip to main content.

Humiling Ng Interpreter

Pangkalahatang Impormasyon

Isinasagawa sa Ingles ang lahat ng opisyal na gawain sa hukuman sa California. Kapag nahihirapang magsalita/umunawa ng Ingles ang isang panig o saksi sa isang kaso, posibleng kailanganin ng interpreter ng hukuman ng nasabing indibidwal para magawa niyang makipag-ugnayan sa mga paglilitis ng hukuman at maunawaan niya ang nangyayari. Ang mga interpreter ng hukuman ay mga eksperto sa pag-interpret ng wika at itinatalaga para magsalin lang; hindi sila nagbibigay ng legal na payo.

Kung kailangan mo ng interpreter sa iyong kaso, dapat mo itong ipaalam sa Hukuman sa lalong madaling panahon bago ang pagdinig. Kung walang available na interpreter, posibleng ipagpaliban ng Hukuman ang kaso hanggang sa may maitalagang interpreter.

Para maiwasan ang pagpapaliban sa iyong pagdinig, abisuhan ang hukuman hindi bababa sa dalawang linggo bago ang pagdinig. Pakidirekta ang anumang tanong sa Dibisyon ng Interpreter sa (650) 261-5023 o courtinterpreter@sanmateocourt.org.

Piliin ang isa sa mga sumusunod na opsyon para makahiling ng interpreter:

  1. Punan ang form sa link sa ibaba at i-click ang "Isumite."
  2. Puwede kang humiling ng interpreter sa tanggapan ng clerk o sa courtroom. Dapat humiling ang mga panig ng interpreter sa paghahain ng motion o response.
  3. Mag-email sa courtinterpreter@sanmateocourt.org at isama ang mga sumusunod:
    Pakilagay ang Kinakailangang Wika, Petsa ng pagdinig, Oras ng pagdinig, Numero ng kaso, Pangalan at Numero ng Telepono ng taong humihiling ng interpreter:
    • Halimbawa: Tagalog, 10/10/2010, 9:00 a.m., 19NF8953A, Jane Doe, Criminal Arraignment & 650-111-2222


FORM PARA SA PAGHILING NG INTERPRETER NG HUKUMAN

Language/Dialect Needed

HUMIHILING NG AMERICAN SIGN LANGUAGE O CERTIFIED DEAF INTERPRETER?

Bibigyan ka ng Hukuman ng interpreter ng sign language para sa anumang pagdinig sa hukuman na posibleng mayroon ka, kasama ang mga pansibil na kaso, kaso para sa maliliit na claim, at pampamilyang kaso. Ipaalam kaagad sa clerk sa counter o sa courtroom kung kakailanganin mo ng American Sign Language (ASL) at/o Certified Deaf (CDI) interpreter. Puwede ka ring mag-email sa courtinterpreter@sanmateocourt.org.

Bibigyan ka rin ng Hukuman ng interpreter ng sign language kung ipapatawag ka para sa jury duty. Para makakuha ng interpreter, mag-email sa ada@sanmateocourt.org. Para sa higit pang impormasyon tungkol dito at sa iba pang pangangailangan sa Access at Accommodation, bisitahin ang Mga Amerikanong May Kapansanan (American with Disabilities, ADA)

KAILANGANG MAG-HIRE NG SARILI MONG INTERPRETER PARA SA PANGKALAHATANG PAMPAMILYANG BATAS O PANGKALAHATANG PANSIBIL NA USAPIN?

Ang Mga Staff ng Konseho ng Hukuman ay may pambuong-estadong listahan ng mga sertipikado at rehistradong interpreter na awtorisadong magtrabaho sa mga hukuman ng California. Kung isa kang pribadong abugado o pribadong panig, puwede mong kunin ang mga serbisyo ng isang sertipikado o rehistradong interpreter ng hukuman sa pamamagitan ng pagpili ng isa sa listahang available sa website ng Konseho ng Hukuman ng California (Judicial Council of California.

Makipag-ugnayan sa mismong interpreter para magtanong tungkol sa kanyang availability, mga rate, at kwalipikasyon. Hindi babayaran ng hukuman ang nasabing interpreter. Ang pagbabayad para sa mga serbisyong ito ay responsibilidad ng panig na pribadong nagpapanatili sa interpreter.