Skip to main content
Skip to main content.

Child Custody [pangangalagang Pangbata] at Parenting Time [panahon Sa Pagiging Magulang] (Visitation [pagdalaw])

Kapag naghiwalay ang mga magulang, kailangan nilang magpasya tungkol sa custody [pangangalaga] ng kanilang mga anak at parenting time (na tinatawag rin bilang "timeshare" o "visitation").
Kung hindi ka makaabot ng kasunduan sa kabilang magulang tungkol sa parenting plan [plano sa pagiging magulang], karaniwan na kailangang hihiling ang isa sa inyo sa court upang magbigay ng isang kautusan.

Mag-click sa paksa sa ibaba upang malaman ang higit pa:

Maaaring nag-iiba-iba ang mga parenting plan batay sa kung ano ang pinakamahusay para sa kapakanan ng bata, at kung ano ang inyong napagkasunduan, bilang mga magulang.

Isang mabuting paraan upang matutuhan kung ano ang dapat na nilalaman ng inyong parenting plan ay tingnan ang mga form ng court para sa custody at visitation, kagaya ng Child Custody at Visitation Order Attachment [kalakip sa utos pampangangalagang pangbata at pagdalaw] (Form FL-341) at ang Child Custody and Visitation Application Attachment [kalakip sa paghiling ng pampangangalagang pangbata at pagdalaw] (Form FL-311).

Maaaring makikita ninyo na nakakatulong na panuurin ang mga slide [mga letratong itinatanghal] ng Parent Orientation [klase sa pagsasanay sa pagiging magulang] ng San Mateo Superior Court. Inaatas ang klase kung kailangang magpunta ka sa court tungkol sa mga usapin sa pagiging magulang ngunit makakatulong ang pagbasa sa mga slide kahit hindi ka kailangang pumunta sa court.

Makakatulong din ang mga form na ito kapag pinag-iisipan ninyo ang inyong parenting plan.
  • Supervised Visitation Order [utos na pinapamahalaang pagdalaw] (Form FL-341(A))
  • Child Abduction Prevention Order Attachment [kalakip na utos sa pagpigil sa pag-agaw ng bata] (Form FL-341(B))
  • Children's Holiday Schedule Attachment [kalakip na talaan ng pyesta opisyal ng mga bata] (Form FL-341(C))
  • Additional Provisions — Physical Custody Attachment [kalakip na karagdagang mga itinatadhana — pangangalagang pisikal] (Form FL-341(D))
  • Joint Legal Custody Attachment [kalakip na magkasamang legal na pangangalaga]  (Form FL-341(E))

Pinag-uusapan sa mga form na ito ang mga plano na kabilang ang mga weekday [karaniwang araw], weekend [katapusan ng linggo], pyesta opisyal, bakasyon, gastos pangsasakyan sa pagdalaw, at mga bawal sa paglalakbay o paglipat na kasama ang mga bata.

Mga Karagdagang Gamit-Yaman at Mga Gabay para sa Pangangalaga at mga Parenting Plan:

Bumuo ang Los Angeles Superior Court ng ilang gabay upang tulungan kayong pag-isipan ang tungkol sa inyong parenting plan, kabilang ang mga gabay na nauukol sa mga bata sa iba-ibang mga edad. Paki-click ang mga link sa ibaba para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga parenting plan:

Isa pang mahalagang gamit-yaman ay ang Families Change - A Guide to Separation and Divorce. [nagbabago ang mga pamilya – isang gabay sa paghihiwalay at diborsyo]. Isa itong online na gabay na may 3 na mga version—isa para sa mga magulang, isa para sa mga bata, at isa para sa mga teen at pre-teen.

Image
Families Change - Your Guide to Separation and Divorce

At tingnan din ang kursong the Parenting After Separation  [pagiging magulang pagkalipas ng paghihiwalay].

Sa ibabaw

IKung baguhan ka sa mga usapin ng child custody at parenting time, unahin na i-review ang mga ibang bahagi sa page na ito upang malaman ang tungkol sa mga batas, malaman ang tungkol sa kung anong mga uri ng parenting plan ang maaari para sa iyo, at makahanap ng tulong.

Kung ikaw at ang kabilang magulang ng iyong anak ay hindi magkasundo sa isang parenting plan, o nangangailangan ng tulong mula sa court, kailangang magharap ng papeles sa court ang isa sa inyo at humiling ng court date [petsa sa pagdalo sa hukuman] at dumalo sa Family Court Services child custody recommending counseling [pagbibilin sa pagpapayo sa pangangalagang pangbata ng mga serbisyo ng hukumang pangpamilya].

Upang humiling ng isang court date, dapat mayroon kang bago o dating kaso sa kabilang magulang ng iyong mga anak para sa isa sa mga sumusunod na naaangkop:

  • Diborsyo o legal na paghihiwalay (dalawin ang aming page para sa impormasyon sa diborsyo at legal na paghihiwalay)
  • Parentage [pagkaangkan] (paternity [pagkaama])
  • Domestic violence restraining order [utos sa pagpigil sa karahasan sa tahanan]
  • Pakiusap para sa Custody at Pagtustos sa mga Batang Menor de Edad
  • Kaso ng panustos sa bata sa local child support agency [lokal na tanggapan ng pagtustos sa bata]

Kung wala kang isang kaso na kagaya ng mga ito at kinakailangan mong magsimula ng isa, o kung hindi mo tiyak, makiusap sa Family Law Facilitator [tagapagpadali sa batas na pangpamilya].

Kung mayroon ka ng isa sa mga ganoong uri ng kaso sa San Mateo at gustong makakuha ng iyong unang custody and visitation order O gustong baguhin ang isang kasalukuyang order, sundan ang mga sumusunod na mga hakbang:

  • Punan ang isang Request for Order [hiling ng utos] (FL-300). Maaari mong gamitin ang Information Sheet for Request for Order [pahina ng impormasyon para sa hiling ng utos]  (FL-300-INFO) para sa impormasyon.
    • Maaari mo ring punan ang Child Custody and Visitation (Parenting Time) Application Attachment [kalakip sa kahilingan ng pangangalagang pangbata at pagdalaw (panahon sa pagiging magulang)](Form FL-311). Hindi sapilitan ang form na ito (hindi mo kailangang gamitin), ngunit maaaring makatulong sa iyo na tiyaking wala kang makaligtaang ilagay sa iyong paghiling.
    • Kung mayroon kang parenting plan o mungkahi para sa custody at mga visitation order na gusto mong gawin ng judge, ilakip din iyon.

      Self-Prep and File

      • Image
        Self-Prep & File

        Mag-click para sa computer program na makakatulong sa inyo na ganapin ang lahat ng mga form na ito sa pamamagitan ng pagsagot ng mga madadaling tanong.
  • Gumawa ng 2 na copy ng lahat ng iyong mga form
  • Iharap ang iyong mga form sa court clerk.
    • Kung hindi mo kaya ang filing fee [kabayaran sa pagharap], humingi ng fee waiver [pagpaubaya ng mga kabayaran] na gamit ang mga form  FW-001 at FW-003.
  • Kunin ang iyong court date at makipag-ugnayan sa Family Court Services para mag-schedule [magtakda] ng appointment date [petsa ng pakikipagtipan] ng child custody recommending counseling, na mangyayari bago ang iyong court date.
    • Dapat mong ihatid ang iyong mga papeles sa kabilang panig, AT iharap ang Proof of Service [katibayan ng paghatid], bago ka magkakapag-schedule ng iyong appointment. Tingnan ang susunod na hakbang para sa higit pang impormasyon tungkol sa paghatid ng mga papeles.
  • Ihatid ang iyong mga papeles sa kabilang magulang.
    • Isang tao na 18 o mas matanda, hindi ikaw, ang maghahatid sa kabilang magulang bago ang iyong court date, ng copy ng iyong mga papeles at magsama ng blankong Responsive Declaration to Request for Order [pagpahayag ng pagtugon sa hiling ng utos] (Form FL-320). Tingnan ang harap ng Form FL-300 upang makita kung inutusan ka ng court na maghatid ng anupamang ibang mga dokumento.
    • Kung inihatid ang iyong mga papeles ng isang tao, dapat nilang matanggap kahit man lang 16 na court day [araw na bukas ang hukuman] bago ang iyong court date.
    • Kung inihatid ang iyong mga papeles sa pamamagitan ng koreo, dapat nilang matanggap kahit man lang 16 na court day at may dagdag na 5 na regular day bago ang iyong court date.
    • Palaging pinapahintulutan ang personal na paghahatid. Ngunit basahin ang Information Sheet for Request for Order [talaan ng impormasyon sa hiling ng utos] (FL-300-INFO) upang tingnan kung maaari mong ihatid ang iyong mga papeles sa pamamagitan ng koreo.
  • Iharap ang iyong Proof of Service [katibayan ng paghatid].
    • Punan ng iyong tagapaghatid ang isang form ng Proof of Service: Maaari mong gamitin ang Form na FL-330 kung inihatid ng tao ang iyong mga papeles o FL-335 kung inihatid sa pamamagitan ng koreo.
    • Gumawa ng isang copy at iharap ang orihinal at ang copy sa clerk’s office.
    • Magtago ng isang copy para sa iyong records.

Huwag Kalimutan: Pagkatapos mo ng hakbang na ito, dapat mong i-schedule agad ang pakikipagtipan sa iyong child custody recommending counseling!

  • Tapusin ang isang  Parent Orientation Class bago ka makipagtipan sa child custody recommending counseling sa Family Court Services kung ito ang unang beses mong pagpunta sa recommending counseling. Makakatanggap ka ng certificate [pagpapatunay] na nagsasabing natapos mo ang klase. Dalhin mo ang certificate sa iyong pakikipagtipan sa Family Court Services.
  • Pumunta sa iyong pakikipagtipan ng recommending counseling at sa iyong court hearing.
    • Kung nagkaabot kayo ng isang kasunduan ng child custody recommending counseling, matutulungan ka ng Family Law Facilitator na sulatin ang kasunduan upang malagdaan ito ng judge at magkakaroon ka ng isang court order.
    • Kung hindi kayo magkaabot ng isang kasunduan, gagawa ang recommending counselor [tagapayo] ng isang mungkahi sa court at pupunta ka sa harapan ng judge na siyang gagawa ng kapasyahan sa iyong kaso.
    • MAHALAGA: Sundin ang court order.Kung hindi ito gumagana at kailangan mong gumawa ng mga pagbabago, mayroon kang mga pagpipilian:

      1. Maaari kang makipagsagawa sa kabilang magulang sa iyong sarili upang makapag-abot ng isang kasunduan. Kung naisagawa mo ito, maaari mong isulat ang kasunduang iyan, lagdaan ito, at ipapalagda ito sa judge. Sa paraang iyan magiging bago ng court order mo ito.
      2. Maaari kang umupa ng sarili mong private mediator [pansariling tagapamagitan] o makipag-ugnayan sa Family Law ADR Program upang maghanap ng isang mababa ang singil na mediator na tutulong sa iyo na makaabot ng isang bagong kasunduan at court order.
      3. Maaari kang maghanap ng private co-parenting resources [pribadong mga mapagkukunan ng pangpagiging magkasamang magulang] na maaaring makatulong sa iyo at sa kabilang magulang na makagawa ng isang parenting plan na gagana para sa inyong pamilya.
      4. Maaari kang bumalik sa court at ipaliwanag kung ano ang nagbago at kung bakit kailangan mo ng mga pagbabago. Upang baguhin ang isang kautusan, sundin lamang ang kaparehong mga tagubilin.

Sa ibabaw

Kapag hihilingin mo sa judge na gumawa ng isang utos tungkol sa custody at parenting time, malamang na mauunang isangguni ka ng judge sa Family Court Services. Sa San Mateo County, nagkakaloob ang Family Court Services ng child custody recommending counseling sa mga pamilya na may hindi pagkakasundo sa custody at visitation. Ito ay isang libreng serbisyo at ibinibigay ito ng mga propesyonal sa pangkalusugang pag-iisip at mga social worker na may edukasyon at kasanayan sa trabaho sa mga usapin sa mga pamilya, mga bata, at custody.

  • Upang malaman ang tungkol sa proseso ng Child Custody Recommending Counseling, basahin ang Child Custody Information Sheet—Recommending Counseling (FL-313-INFO).

Parent Orientation Class

Bago ang iyong unang mediation/pakikipagtipan sa child custody recommending counseling, kailangang pumunta ka sa isang Parent Orientation Class. Ito ay dapat gawin. Tutulungan ka nito na malaman mo kung ano ang maasahan sa iyong pakikipagtipan sa recommending counseling. Dalawin ang page ng  Parent Orientation Class upang malaman ang higit pa tungkol sa kung paano mo makukumpleto ang kailanganing ito.

Alalahanin na lihim ang child custody recommending counseling. Ngunit, kung hindi makapag-abot ng isang kasunduan ang mga magulang, dapat na magsulat ang Child Custody Recommending Counselor ng isang ulat at gagawa ng mga mungkahi sa judge. Makakakuha ng mga copy ang kapwa mga magulang, at ang kanilang mga abogado, ngunit mananatiling lihim ang ulat sa bahagi ng court file. Kung umabot sa isang kasunduan ang kapwa mga magulang, hindi magsusulat ng ulat ang Counselor para sa judge.

  • Kung gusto mo ng private confidential mediation [pribadong lihim na pakikipamagitan] upang subukang makagawa ng isang kasunduan, maaari kang umupa ng iyong sariling mediator [tagapamagitan] o makipag-ugnayan sa Family Law ADR Program upang makahanap ng mababa ang singil na mediator o arbitrator upang tulungan ka.
  • Dalawin ang page ng Family Court Services  upang malaman ang higit pa tungkol sa child custody recommending counseling sa San Mateo County.

Sa mga kaso ng karahasan sa tahanan, maaari kang humiling na makipagkita nang hiwalay sa recommending counselor. Maaari ding magdala ka ng kasamang tao na tutulong sa iyo.

Panuurin ang video tungkol sa Family Court Mediation at Child Custody Recommending Counseling.

Sa ibabaw

May dalawang uri ng custody

  • Legal na custody: kung paano gumagawa ang mga magulang ng mga mahalagang kapasyahan tungkol sa kalusugan, edukasyon, at kapakanan ng kanilang mga anak.
  • Pisikal na custody: kung saan nakatira ang iyong anak.

Bawat uri ng custody ay maaaring sole (isang magulang lamang) o joint (hatian sa pagitan ng mga magulang). Ito ang mga pagpipilian:

  Legal na Custody
(Kung paano gumagawa ang mga magulang ng mga kapasyahan tungkol sa kalusugan, edukasyon, at kapakanan ng anak.)
Pisikal na custody
(Kung saan nakatira ang bata)
Sole [nag-iisa] Isang magulang lamang ang may mga karapatan at tungkulin sa paggawa ng mga kapasyahan. Pinakamadalas na nakatira ang mga bata sa isang magulang at may visitation o parenting time sa kabilang magulang. Pinakamadalas na nakatira ang mga bata sa isang magulang at may visitation o parenting time sa kabilang magulang.
Magkasama Kapwa mga magulang ang magkasamang may mga karapatan at tungkulin sa paggawa ng mga kapasyahan. Nakatira ang mga bata sa bawat magulang sa itinakdang tagal ng panahon. Hindi kailangang eksaktong 50/50.

Sa ibabaw

Mayroong maraming uri ng parenting time o mga timeshare/visitation orders, depende sa kung ano ang pinakamahusay para sa inyong mga anak, sa kanilang mga edad, at kung ano ang pinakamainam para sa mga magulang nang ayon sa kanilang mga schedule, mga kaayusan ng pamumuhay, at higit pa

Sa pangkalahatan, ang parenting time ay maaaring:

  • Ayun sa isang schedule: Mayroong isang schedule na sinusunod ng mga magulang na nagsasaad sa mga araw at mga panahon na nasa bawat magulang ang mga bata. Maaaring kabilang dito ang mga pyesta opisyal, mga espesyal na okasyon, at mga bakasyon.
  • Makatuwiran: Karaniwang ibig sabihin nito na ang parenting time ay walang katiyakan ang tagal at walang detalyadong schedule na sinusunod ng bawat magulang. Gumagana itong maige kung ang mga magulang ay nakikisama sa isa't-isa, nag-uusap nang maayos, at kaya ang manatiling flexible [nakikibagay]. Ngunit kung may di pagkakasundo at di pagkakaunawaan, nakakapagdulot ng mga problema ang bukas na schedule na katulad nito dahil walang nakasulat na patnubay sa kung ano ang gagawin kapag nasira ang pakikipag-usap.
  • Supervised [pinapangasiwaan]: Ginagamit ito kung ang mga pagdalaw ng mga bata ay kailangang pangasiwaan ng kabilang magulang, ibang may-edad, o ng isang propesyonal upang tiyakin ang kaligtasan, ginhawa, at kapakanan ng mga bata. Ginagamit ito minsan kung ang isang magulang ay matagal na panahong wala sa buhay ng bata at ang bata at ang magulang ay nangangailangan ng panahon upang makilala muli ang isa't-isa, nang unti-unti, sa tulong ng isang tao na naroroon na kung saan ay ramdam ng bata na ligtas siya rito.
  • Walang visitation: Bihira ang ganito, ngunit ginagamit ito kapag makakapinsala sa damdamin o katawan ng bata ang mga pagdalaw ng magulang, kahit na ito ay pinapangasiwaan. Kailangang mapasya ang court na nasa pinakamahusay na pakinabang ng bata na hindi magkaroon ng anumang kaugnayan sa magulang. Pinakamadalas na ang mga magulang ay dapat na tuparin ang tanging mga kailanganin bago makakuha ng pagdalaw.

Sa ibabaw

Sinasabi ng batas na ang mga judge ay dapat na gumawa ng mga atas tungkol sa custody at parenting time (pagdalaw) na nasa pinakamahusay na pakinabang ng bata.

Upang magpasya, tinitingnan ng judge:

  • Ang edad ng bata,
  • Ang kalusugan ng bata,
  • Ang mga kaugnayang pangdamdamin sa pagitan ng mga magulang at ng bata,
  • Ang kakayahan ng mga magulang upang mangalaga sa bata,
  • Anumang kasaysayan ng karahasan sa pamilya o pag-abuso sa droga, at
  • Ang mga kaugnayan ng bata sa paaralan, tahanan, at sa kanilang community [lipunan].

Ninanais din ng batas ang mga parenting plan na nagkakaloob ng madalas at patuloy na ugnayan sa pagitan ng bata at ng kapwa mga magulang maliban kung ito ay hindi para sa pinakamahusay na pakinabang ng bata.

Maaaring gumawa ang mga magulang ng mga kasunduan sa pagitan nila na karaniwang pinapahintulutan ng judge. O, kung hindi magkasundo ang mga magulang, kailangan nilang magpunta sa court. Kung pupunta kayo sa court, bago gumawa ng kapasyahan ang judge, kailangan ninyong sumali sa child custody recommending counseling ng Family Court Services ng court.

May mga espesyal na batas na nauukol sa child custody sa mga kaso ng karahasan sa tahanan. Basahin ang tungkol dito sa Domestic Violence and Child Custody  [karahasan sa tahanan at pangangalaga sa bata].

Sa ibabaw

Minsan, gusto o kailangan ng isa sa mga magulang ang lumipat palabas mula sa lugar. Nakakaapekto ito sa mga parenting plan kung lilipat sila sa malayong-malayo na di na nila nasusunod ang magkaparehong time schedule ng pagiging magulang.

Kung kaya ng mga magulang na magkasundo para sa isang bagong parenting plan, maaari nilang sulatin ang kanilang kasunduan sa tulong ng Family Law Facilitator at hilingin sa judge na lagdaan ang isang bagong atas. Ngunit, kung hindi magkasundo ang mga magulang sa isang bagong plano, kailangan nilang pumunta sa court.

Masyadong komplikado at nagbabago ang batas sa mga ganitong uri ng mga kaso, na tinatawag na "move away cases" [mga kaso na lumilipat palayo]. Kailangan mong makipag-usap sa isang abogado kung kailangang lumipat ka sa malayo kasama mo ang mga bata o kung nag-aalala ka na ang kabilang magulang ay lilipat sa malayo kasama sila.

Sa pangkalahatan, ang isang magulang na may permanenteng atas para sa sole physical custody  ay maaaring lumipat sa malayo kasama ang mga bata, maliban kung maipapakita ng kabilang magulang na ang paglipat ay nakakasama sa mga bata. Ngunit hindi palaging maliwanag kung ang isang custody order ay permanente o pansamantala, kaya ang ipinag-uutos ng batas ay maaaring iba sa iyong kaso.

Kung ang mga magulang ay may joint physical custody sa mga bata at ayaw ng isang magulang na lumipat ang mga bata, ang magulang na gustong lumipat kasama ang mga bata ay dapat na ipakita sa court na ang paglipat ay para sa pinakamahusay na pakinabang ng mga bata.

Alalahanin na, kahit na ang katawagan na physical custody ("joint" o "sole") na pinagkasunduan ninyo sa inyong parenting agreement ay mahalaga, kung may pagtatalo, karaniwang tinitingnan ng court ang talagang parenting schedule sa panahon ng paglipat, sa halip na magtiwala sa schedule ng mga magulang na inilagay nila sa kanilang parenting agreement.

Kailangang makipag-usap ka sa isang abogado kung nagpaplano kang lumipat sa malayo o sa palagay mo ay gusto ng kabilang magulang na lumipat sa malayo na kasama ang inyong mga anak.

Sa ibabaw

Maaaring humiling sa court ang isang lolo o lola para sa makatuwiran na pagdalaw sa apo. Upang magawa ito, ang court ay:

  1. Titingnan na mayroong relasyon sa pagitan ng lolo/lola at ng apo at ang katunayan ay ang pagdalaw na iyon ng lolo/lola ay sa pinakamahusay na pakinabang ng apo. AT
  2. Gagawing pantay ang pinakamahusay na pakinabang ng bata na magkaroon ng pagdalaw ng lolo/lola sa mga karapatan ng mga magulang na gumawa ng mga kapasyahan para sa kanilang anak.

Sa pangkalahatan, hindi maaaring magharap ng mga karapatan sa pagdalaw ang mga lolo/lola habang kasal pa ang mga magulang ng apo. Ngunit may mga hindi kabilang, katulad ng:

  • Magkabukod ang tirahan ng mga magulang;
  • Hindi nalalaman ang kinaroroonan ng magulang (kahit man lang isang buwan nang di nalalaman);
  • Sumali ang isa sa mga magulang sa petition ng lolo/lola para sa pagdalaw;
  • Hindi nakatira ang bata sa sinuman sa kanyang mga magulang; o
  • Inampon ng isang nag-ampong magulang ang apo.

Tingnan ang California Family Code sections 3100-3105

 upang basahin ang batas tungkol sa mga karapatan sa pagdalaw ng isang lolo/lola. Nakadetalye din sa mga code section na ito ang iba pang mga kalagayan na dapat isaalang-alang ng court bago magbigay ng pagdalaw sa isang lolo/lola. Tiyakin na basahin mo ito nang maingat at makipag-usap sa isang abogado kung sa palagay mo ay nauukol ito sa iyong kaso.

Kung isa kang lolo o lola at ikaw ang nag-aalaga sa iyong mga apo alinman dahil sa wala ang mga magulang o hindi nila kayang alagaan ang mga ito, magpunta sa mga page ng Guardianship

sa aming website upang tingnan kung maaari kang humiling sa court na hirangin ka bilang guardian [tagapangalaga] ng iyong mga apo.

Upang makakuha ng higit pang impormasyon kung paano ang humiling ng pagdalaw bilang isang lolo/lola, tingnan ang web page ng California Courts tungkol sa Visitation Rights of Grandparents [mga karapatan sa pagdalaw ng mga lolo/lola].

Sa ibabaw

  • Kung kailangan mo ng tulong sa iyong hiling o pagbago ng custody/parenting time, maaari mong dalawin ang Family Law Facilitator ng San Mateo Court.
  • Upang makakuha ng tulong sa paggawa ng isang parenting plan sa pamamagitan ng private mediation, nagbibigay ang San Mateo Court ng mababa ang singil na mga mediator at mga arbitrator na makakatulong sa iyo. Upang malaman ang higit pa, dalawin ang page ng aming Family Law Alternative Dispute Resolution (ADR) Program.
    • Alalahanin na iba ito sa Family Court Services. Gagawa ang counselor ng Family Court Services ng isang rekomendasyon para sa judge kung ikaw at ang ibang magulang ay hindi makagawa ng isang kasunduan tungkol sa pagiging magulang. Walang bayad ang serbisyong ito at iniaatas ng court kung ikaw o ang kabilang magulang ay humiling para sa isang court order dahil hindi kayo magkasundo sa isang planong pangpagiging magulang. Mag-click upang malaman ang higit pa tungkol sa Family Court Services counseling (called child custody recommending counseling).
  • Ang Kid's Turn ay may mga workshop para sa mga bata at ng kanilang mga magulang upang tulungan ang mga pamilya na kayahin ang paghihiwalay. Libre ang mga klase para sa mga bata, at sa isang sliding scale [inaakmang singil] para sa mga magulang. Nagbibigay sila ng mga workshop sa Peninsula at South Bay, gayon din sa iba pang mga bahagi ng Bay Area.
  • Image
    Families Change - Guide to separation & divorce

    Tingnan ang Families Change - A Guide to Separation and Divorce. Isa itong online na gabay na may 3 na mga version—isa para sa mga magulang, isa para sa mga bata, at isa para sa mga teen at pre-teen.

  • Dalawin ang aming Videos and More Help  upang maghanap ng hakbang-hakbang na form ng mga tagubilin mula sa ibang mga county sa California na maaaring makatulong upang gabayan ka.
  • Dalawin sa website ng mga California Court ang mga page ng Custody & Parenting Time upang kumuha ng higit pang impormasyon, mga tagubilin, mga form, at higit pa.

Sa ibabaw