Gusto Kong Magdemanda sa Small Claims [pag-angkin na mababang halaga] Court - Para sa mga Plaintiff [nagdemanda]
Gusto Kong Magdemanda sa Small Claims [pag-angkin na mababang halaga] Court - Para sa mga Plaintiff [nagdemanda]
May mga ilan hakbang sa kasong small claim. Mag-click sa pindutan sa ibaba:
Pagdemanda sa Small Claims Court [hukuman sa pag-angkin na mababang halaga]
Hilingin na mabayaran ang utang sa iyo.
Bago kayo magharap ng inyong kasong small claim, dapat inyong hilingin sa kabilang panig na magbayad (maliban sa may tamang dahilan na inyong hindi magawa). Maaari ninyong hilingin nang harapan, sa phone, o sa nakasulat.
Madalas na maige na inyong hilingin sa nakasulat. Upang gawain ito, maaari ninyong gamitin ang isang demand letter [paniningil na sulat]. Ang demand letter ay isang maigsi, malinaw na sulat na humihiling ng pagbayad. Magtago ng isang copy para sa sarili ninyo at dalhin ca court upang ipakita sa judge. Hinidi kailangan na ipadala na registered o certified mail ang inyong demand letter.
Para matulungan sa pagsulat ng demand letter, mag-click sa link sa ibaba sa pinakamahusay na paglalarawan ng inyong kaso. Dadalhin kayo sa isang program o panghalibawang sulat sa website ng mga California Court (sa Ingles).
- Demand letter para sa isang tao o negosyo na may utang sa iyo na pera
- Demand letter para sa isang may-ari ng bahay na hiniling ang pagsauli ng inyong security deposit
- Gamitin LAMANG ang program na ito kung hindi ninyo natanggap ang security deposit (o madetalyeng invoice [tala ng mga halaga] ng anumang halaga na nabinbin para sa mga pinsala) sa loob ng 21ng araw pagkatapos kayong umalis.
- Kung inyong natanggap ang bahagi ng inyong security deposit at naniniwala na dapat isinauli ng inyong may-ari ng bahay ang higit pang halaga, HUWAG gamitin ang program na ito. Sa halip, gamiting ang demand letter para sa isang tao o negosyo na may utang sa iyo na pera.
- Halimbawang demand letter kapag may nagbigay sa inyo ng masamang tseke
- Halimbawang demand letter kung may nag-stop-payment ng tseke na nabigay sa inyo
Dapat inyong matuos kung aling county ang tamang county upang magharap ng inyong kaso. Sa batas, tinatawag ito na "venue". Kung magharap kayo sa maling county, maaaring i-dismiss [pawalang saysay] ang inyong kaso at kailangang muling magharap kayo sa tamang county. Kung magharap kayo sa maling county, at naubos ang panahon pampagharap (ang statute of limitations) ng inyong kaso, maaaring mawalan kayo ng karapatan, sa kabuuan, na magharap ng claim.
Sa pangkalahatan, maaari kayong magharap ng claim sa court kung saan nakatira o nagnenegosyo ang defendant.
Kung tamang lugar ang San Mateo County para sa inyong kasong small claim, iharap ang inyong kaso sa:
Small Claims Clerk's Office
Hall of Justice, Room A
400 County Center
Redwood City, CA 94063
Maaari din may mga ibang pagpipilian kayo kung saan maharap ng inyong kaso. Tingnan ang uri ng inyong kaso sa chart sa ibaba upang makita kung mayroon kayong ibang pagpipilian. Alalahanin na magulo ang batas at kahit sa inyong akala na angkop ang inyong kaso sa isa sa mga panubaling ito, maaaring hindi. Makiusap sa small claims advisor upang tiyakin na inyong alam kung sa alin court na magharap na inyong kaso.
Uri ng Kaso | County kung saan kayo makadedemanda |
Aksidente sa Kotse |
|
Nalabagan ng contract o kasunduan |
|
Binili ng consumer (kayo ang nagtinda at may utang sa iyo ang taong bumili noong bagay) |
|
Mayroon kayong binili o nagbayad para sa serbisyo, sa pangunahin, para sa sarili ninyo, pamilya, o gamit pangsambahayan. |
Maaari din kayong magharap sa alinman sa mga lugar na ito kung mayroon kayong binili mula sa nagtitinda na nagmula sa isang hindi hiniling na tawag sa telephone o e-mail sa inyo mula sa nagtinda, kabilang ang mga kalagayan kung saan kayo tumugon, bilang bumibili, sa tawag sa phone o email ng nagtitinda. |
Inyong denidemanda ang inyong credit card company. |
Maaari din kayong magharap sa alinman sa mga lugar na ito kung sumali kayo sa contract para sa isang credit company na nagmula sa isang hindi hiniling na tawag sa telephone o e-mail sa inyo mula sa company, kabilang ang mga kalagayan kung saan kayo tumugon, bilang bumibili, sa tawag sa phone o email ng company. |
Atherton | Belmont | Brisbane |
Broadmoor | Burlingame | Colma |
Daly City (at Westlake) | East Palo Alto | El Granada |
Foster City | Half Moon Bay | Hillsborough |
La Honda | Menlo Park | Millbrae |
Miramar | Montara | Moss Beach |
Pacifica | Pescadero | Portola Valley |
Redwood City | San Bruno | San Carlos |
San Gregorio | San Mateo | South S.F. |
Woodside | Mga ibang unincorporated area [pook na hindi pa binuong legal] sa county |
Kapag inyong napunan at iharap ang inyong claim, kailangang na TAMANG-TAMA ang pangalan ng tao o company ng inyong denidemanda (ang defendant). Kung inyong hindi nagamit ang tamang pangalan, maaaring hindi ninyo masamsam ang pera kung manalo kayo. Kailangang inyong ilagay ang pangalan ng defendant sa mga papeles na inyong ihaharap sa court.
Sino ang iyong idinedemanda? | Isulat: | halimbawa; |
Denidemanda ang isang tao | Isulat ang una at huling pangalang ng tao (at middle initial [gitnang titik] kung mayroon). Kung gumagamit o kilala sila nang mga ibang pangalan, gamitin ang "aka" ("also known as" [kinikilala din bilang]) para sa mga ibang pangalan. | John A. Doe
(Kung kilala si John na Jack sa trabaho, isula: John A. Doe aka Jack Doe) |
Denidemanda ang mga mag-asawa | Isulat ang kapwa buong pangalan. | James A. Jones at Sally R. Jones |
Denidemanda ang isang negosyo na pag-aari ng isang tao | Isulat ang pangalan ng may-ari at ang pangalan ng negosyo. Upang magkaroon ng mas mabuting bakasakali na makasamsam kung manalo kayo, pangalanan ng may-ari bilang isang tao. | Susan Smith, individually [isang tao], at dba Continental Candles ("doing business as" [nagnenegosyo bilang] ang ibig sabihin ng "dba") |
Denidemanda ang isang partnership [samahan] | Pangalanan ng partnership at ang mga partner [kabakas] nang isa-isa. | Jim Smith at John Jones, individually, and Smith & Jones, isang partnership |
Denidemanda ang isang corporation, o isang limited liability [nakatakda ang sagutin sa negosyo lamang] company | Isulat ang tamang-tamang pangalang legal ng corporation at tiyakin na isama ang kanilang mga registered agent [nakalistang ahente] para sa service of process [paghaid ng mga papeles ng court]. | Sally Dresses, Inc.; c/o CT Corporation, ahente para sa paghatid.
("care of" [sa pangalan ng] ang ibig sabihin ng "c/o") |
Denidemanda ang isang negosyo na pag-aari ng isang corporation | Isulat ang pangalan ng corporation at ng negosyo | Lotus Corporation dba The Flower Company |
Denidemanda dahil sa aksidente sa kotse | Isulat ang pangalan ng driver at ang may-ari ng kotse, kung hindi isang tao. Kung ilan kotse ang nadamay, mahalagang pangalanan ang lahat ng driver at may-ari. | Lucy Smith, owner, and Betty Smith, driver. |
Kung magkamali kayo sa pagpanglan ng inyong defedant at naharap na ang inyong claim, baka maaari pa ninyong ayusin ito. Mag-click upang malamang kung papaano palitan ang inyong claim.
Upang maghanda, basahin ang:
- Information for the Plaintiff (SC-100-INFO)
MAHALAGA: Alalahanin na, bilang plaintiff, hindi ninyo maaaring i-apela ang kapasyahan sa small claims batay sa sarili ninyong claim. Kung matalo kayo, wala kayong anumang magagawa. Kung inyong gusto makapag-apela, dapat magharap kayo sa Civil Division.
Pagkatapos, punan ang:
- Plaintiff's Claim and ORDER to go to [pag-angkin ng nagdedemanda at UTOS na dumalo] Small Claims Court (SC-100)
- Kung may higit sa 2ng plaintiff o 1ng defendant, punan din ang Other Plaintiffs or Defendants (Attachment [kalakip] to Plaintiff's Claim and ORDER to Go to Small Claims Court (SC-100A).
- Kung inyong kailangan ng higit pang puwang upang isalarawan ang inyong claim at anong nangyari, o inyong kailangan ng mga pahayag ng saksi, maaari ninyong gamitin ang isang Declaration [pagpahayag] (MC-030).
Kung isang negosyo kayo, maaaring kailangan din inyong punan ang isang pagpahayag Fictitious Business Name [kathang pangalan pangnegosyo] (SC-103).
E-Filig
Mag-click para sa isang computer program na makakatulong sa inyong punan ang lahat na form na iyon sa pamamagitan ng pagsagot sa mga madaling tanong. Makakatulong din sa inyo kung inyong iharap ang inyong mga form nang electronic (sa pamamagitan ng e-filing) kung inyong pipiliin. Dalawin ang aming e-filing page dahil magkaiba ang mga tagubilin para sa Step 5. Image
Pagkatapos ninyong matapos ang inyong mga forms, dapat inyong ibigay ang inyong mga form sa clerk of court upang iharap ang inyong kasong small claim. Upang magawa ito:
- Gumawa ng kahit man lamang 2ng copy ng Plaintiff's Claim and ORDER to go to Small Claims Court (SC-100) at anumang mga kalakip.
- Dalhin ang mga original at copy sa Clerk's Office na naroroon sa 400 County Center, Room A in Redwood City.
- Bayaran ang filing fee [singil pampagharap].
Ibabalik ng court clerk ang mga copy ng Plaintiff's Claim and ORDER to go to Small Claims Court (SC-100) na may-tatak "Endorsed-Filed" [nasang-ayunan-naharap] at may petsa ng court sa harap. Iyon ang inyong petsa pampaglilitis sa court.
- Kung, pagkatapos ninyong magharap, inyong natanto na may pagkakamali kayo sa pagpangalan ng mga defendant o hiniling mo ang maling halaga, maaaring maaayos mo pa rin. Mag-click upang malaman kung papaano palitan ang inyong claim.
"Service" [paghatid] ang paraang legal upang patalastasan ang isang tao nasa isang gawain ng court. Ito ay kapag may isang tao-HINDI kayo o sinumang ibang nakalista sa kaso-ay maghatid ng copy ng inyong mga papeles ng court sa tao, negosyo, o entity pangmadla na inyong denidemanda. Nabibigay-alam ang service sa kabilang panig.
- Ano ang inyong hinihiling,
- Kailan at saan gaganapin ang hearing [pagdinig], at
- Ano ang magagawa nila.
May 2ng form ang court na makakatulong sa inyo na maunawaan ang service sa inyong kasong small claim at tiyakin na inyong sundan ang mga tamang hakbang. Basahin ang:
- Ano ang Proof of Service [katibayan ng paghatid] (SC-104B); at
- How to Serve a Business or Public Entity [papaano maghatid sa isang negosyo o samahang pangmadla] (SC-104C).
Maaaring magulo ang paghatid. Kumuha ng tulong sa inyong small claims advisor o mag-click upang matuto nang higit pa tungkol sa service sa isang kasong small claim.
Mag-click dito upang makita ang Hearing Schedules at lokasyon ng Small Claims para sa San Mateo County.
Talagang mahalaga ng maghanda kayo nang nauuna para sa inyong paglilitis. Mahusay ding pag-iisip, kung inyong kaya, ng manuod ng mga paglilitis pang-small-claim bago maganap ang sa inyo, upang malaman kung ano ang maaasahan.
Mag-click sa Go to Court upang malaman ang higit pa tungkol papaano maghanda para sa inyong paglilitis, mag-tipon ng katibayan at mga saksi, at manunawaan ang anong mangyayari.
Tingnan ang Plaintiff's Post-Trial Checklist [listahan ng sisiyasatin matapos ang paglilitis ng nademanda].
Tingnan ang Plaintiff's Post-Trial Checklist [listahan ng sisiyasatin matapos ang paglilitis ng nademanda] »