Ano ang Mangyayari Pagkatapos ng Paglilitis
Ano ang Mangyayari Pagkatapos ng Paglilitis
Kapag natapos na ang iyong paglilitis, gagawa ng kapasyahan ang judge. Makakakuha ka ng Notice of Entry of Judgment [patalastas sa paglahad ng hatol] (SC-130) na nagsasabi sa kung ano ang ipinasya ng judge. Kasama rin sa form na ito ang petsa kung kailan naihatid sa koreo o naibigay sa iyo ang form. Nakapakahalaga ang petsang ito-makakatulong ito sa pagpasya sa mga deadline [huling araw o oras] para sa apela, collection [pagsingil], at higit pa.
Mag-click upang maintindihan ang iyong mga pagpipilian pagkatapos na gumawa ng kapasyahan ang judge.
- Basahin ang What to Do After the Court Decides Your Small Claims Case [ano ang gagawin pagkatapos na pagpasyahan ng hukuman ang iyong kaso ng pag-angkin na mababang halaga] (SC-200-INFO).
- Kung nanalo ka sa kaso at ang defendant [idinemanda] ay may babayaran sa iyo na pera, gumawa ng mga arrangement [kaayusan] para sa kanila upang bayaran ka. Kapag nakapagbayad na ang defendant, magharap ng form na tinatawag na Acknowledgment of Satisfaction of Judgment [pagkilala sa pagbabayad sa hatol] (SC-290). Kung hindi ka babayaran ng nasasakdal, basahin sa ibaba upang matutunan kung paano mangolekta ng paghatol.
- Bilang plaintiff [nagdemanda], HINDI MAAARI na i-apela mo ang kapasyahan ng judge sa iyong claim [pag-angkin]. Ang tao o negosyo lamang na idinemanda mo (ang defendant) ang maaaring i-apela ang kapasyahan.
- Kung ang kabilang tao o negosyo ay idinemanda ka pabalik (sa pamamagitan ng pagharap ng Defendant's Claim [pag-angkin ng nasasakdal]) at natalo ka, MAAARI mong i-apela ang kapasyahan sa Defendant's Claim. Magbasa sa ibaba upang matutunan kung paano iapela ang iyong maliit na kaso ng paghahabol
- Kung natalo ka at nanalo ang defendant ng isang claim laban sa iyo, magbayad ka sa court o direkta sa defendant. Pagkatapos mong magbayad, tiyaking magharap ang defendant ng isang form na tinatawag na Acknowledgment of Satisfaction of Judgment [pagkilala sa pagbabayad ng hatol] (SC-290). Kung hindi ihaharap ng defendant ang form na ito, maaari mong hilingin sa court clerk upang maglahad ng "satisfaction of judgment" [pagbabayad sa hatol] kung mapapatunayan mo na binayaran mo ang buong halaga ng hatol kasama ang interest at mga gastos.
- APagkatapos na humiling ka sa pamamagitan ng pagsulat na iharap ng defendant ang Acknowledgment of Satisfaction of Judgment (SC-290), may 14 na araw ang defendant upang sumunod. Kung makaligtaan o tumanggi ang defendant na magharap ng form, maaari mo silang idemanda ng $50 kasama ang anumang actual na mga bayad-pinsala na iyong napala. Upang mabasa ang batas, tingnan ang Code of Civil Procedure section 116.850.
- Kung hindi ka magbabayad, dapat na ipadala mo sa koreo ang isang Judgment Debtor's Statement of Assets [pahayag sa mga ari-arian ng may-utang sa hatol] (SC-133) sa defendant sa loob ng 30 na araw ng hatol ng court sa iyong kaso.
- Basahin sa ibaba kung paano Magbayad ng paghatol and Payments in Small Claims Cases (SC-220-INFO) for more information.
- Read the website ng Department of Consumer Affairs para sa higit pang impormasyon.
- Basahin ang What to Do After the Court Decides Your Small Claims Case (SC-200-INFO).
- Kung sa isang mahusay na kadahilanan ay hindi ka nakapunta sa paglilitis, maaari mong hilingin sa court na bakantehin (cancel [pawalang bisa]) ang iyong hatol (tinatawag na "default judgment" [hatol sa walang kakontra]) at bigyan ka ng bagong petsa ng paglilitis. Kailangan mong magharap ng form na tinatawag na Notice of Motion to Vacate Judgment and Declaration (Small Claims) [patalastas sa mungkahi na i-vacate ang hatol at pagpahayag] (SC-135).
- Basahin ng higit pa ang tungkol sa vacating (canceling) ng iyong default judgment
- Kung natalo ka at may dapat kang bayaran na pera, bayaran sa court o sa plaintiff. Kung hindi ka magbayad, dapat mong ipadala sa koreo ang isang form na tinatawag na Judgment Debtor's Statement of Assets (Small Claims) [pahayag ng mga ari-arian ng may-utang na hatol] (SC-133) sa plaintiff sa loob ng 30 na araw. Pagkatapos mong magbayad, tiyaking magharap ang plaintiff ng isang form na tinatawag na Acknowledgment of Satisfaction of Judgment (SC-290). Kung hindi ihaharap ng plaintiff ang form na ito, maaari mong hilingin sa court clerk na maglahad ng "satisfaction of judgment" kung mapapatunayan mo na binayaran mo ang buong halaga ng hatol kasama ang interest at mga
- Pagkatapos mong humiling sa pamamagitan ng pagsulat na iharap ng plaintiff ang Acknowledgment of Satisfaction of Judgment (SC-290), may 14 na araw ang plaintiff upang sumunod. Kung makaligtaan o tumanggi ang plaintiff na sumunod, maaari mong idemanda ang plaintiff ng $50 kasama ang anumang actual na mga bayad-pinsala na iyong napala. Upang mabasa ang tungkol sa batas, tingnan ang California Code of Civil Procedure section 116.850.
- Kung nagpunta ka sa paglilitis at natalo, maaari kang humiling para sa isang bagong paglilitis. Kailangan mong magharap ng Notice of Appeal (Small Claims) [patalastas ng apela (SC-140).
- Alamin kung paano i-apela ang iyong small claims judgment
- Kung nanalo ka pagkatapos na magharap ka ng Defendant's Claim at may babayarang pera sa iyo ang plaintiff, subukan mong sabihan sila na bayaran ka nila. Kapag nakapagbayad na sila, magharap ng Acknowledgment of Satisfaction of Judgment (SC-290).
- Kung hindi ka babayaran ng plaintiff, alamin kung paano basahin sa ibaba upang malaman kung paano sisingilin ang iyong paghatol
- Basahin ang website ng Department of Consumer Affairs' website for more information.
Kung natalo ka sa isang kaso ng small claims at inutusan kang magbayad ng pera sa kabilang panig, ikaw ay magiging isang judgment debtor [may-utang sa hatol] at ang nanalong panig naman ang judgment creditor [nagpapautang sa hatol]. Hindi sisingilin ng court ang pera para sa iyong creditor [nagpapautang], subalit kung hindi ka magbabayad nang kusa, maaaring gamitin ng creditor ang iba-ibang enforcement tools [mga paraan ng pagpapatupad] upang mabayaran mo ang hatol.
- Basahin ang Payments in Small Claims Cases (SC-200-INFO)
Mayroon kang 30 na araw pagkatapos ng paglahad ng orihinal na hatol bago mo kailangang bayaran ang creditor.
Maaari mong gawin ang isa sa mga sumusunod:
- Kusang bayaran ang hatol sa pamamagitan ng pagbabayad nang direkta sa creditor o bayaran sa court.
- Kung direkta mong binayaran ang creditor, itago mo ang katibayan na binayaran mo sila. Tiyakin na magharap ang creditor ng isang form na tinatawag na Acknowledgment of Satisfaction of Judgment (SC-290). Kung hindi ihaharap ng creditor ang form na ito, maaari mong hilingin sa court clerk na maglahad ng "satisfaction of judgment" kung mapapatunayan mo na binayaran mo ang buong halaga ng hatol kasama ang interest at mga gastos.
- Kung gusto mong bayaran ang hatol nang direkta sa court, punan at iharap ang Request to Pay Judgment to Court [pakiusap sa pagbayad ng hatol sa hukuman] (SC-220) at ang Financial Statement [pahayag na pangpananalapi] (EJ-165).
- Ipapadala ng court sa koreo ang copy ng mga form na ito sa creditor. May 10 na araw ang creditor upang sumang-ayon sa iyong pakiusap, magmungkahi ng ibang paraan ng pagbabayad, o tanggihan ang paraan ng pagbabayad.
- Kung hindi tutugon ang creditor sa loob ng 10 na araw, ipagpapalagay ng court na sumang-ayon ang creditor sa iyong paraan ng pagbabayad at makakapagbayad ka na nang hulugan.
- Kung tatanggihan ng creditor ang iyong paraan ng pagbabayad o magmungkahi siya ng ibang bagay, magtatakda ang court ng isang paglilitis upang talakayin ito. Tiyakin mong pupunta ka sa paglilitis na ito.
- Punan at ipadala sa creditor ang Judgment Debtor's Statement of Assets (SC-133).
- Maghain ng apela: basahin ang "Pag-apela sa Hatol sa Small Claims" sa ibaba.
Basahin sa ibaba upang malaman kung paano mangolekta ng paghatol ang isang pinagkakautangan.
Alalahanin na kung hindi mo babayaran ang hatol:
- Ang halaga na dapat mong bayaran ay tumataas sa bawat araw, dahil ang hatol ay nag-iipon ng interest na 10 porsyento sa bawat taon.
- Maaaring makakuha ang creditor ng isang kautusan na nagsasabing isauli mo ang bayad nila sa anumang makatuwiran at kinakailangang mga gastos nila sa pagsingil.
- Maaaring masira ang iyong credit dahil malalaman ng mga credit reporting agency na hindi mo binayaran ang hatol kung makikita ang pangalan mo sa "Judgment Roll" [listahan ng hatol] ng court. Maaaring maging dahilan ito na mahihirapan kang makakuha ng loan [utang], makakuha ng credit card, o kahit na makapag-upa ng apartment.
Kung mananalo ka sa small claims case, at hindi ka babayaran ng natalong panig (ang debtor [may-utang]), maaari mong singilin ang iyong hatol. Hindi sisingilin ng court ang pera para sa iyo. Ngunit magpapalabas ang court ng mga utos at iba pang mga dokumento na maaaring kailangan mo upang masingil ang iyong hatol mula sa debtor (ang panig na may babayarang pera sa iyo).
Hindi ka makakapagsimulang maningil hanggang:
- Ang panahon ng pag-apela ay matatapos (30 na araw pagkatapos ng paglahad ng hatol), o
- Kung may apela at nanalo ka, pagkatapos ng kapasyahan sa apela (hatol) ay naipadala pabalik sa small claims court, kalimitan na nasa 10 na araw pagkatapos ng kapasyahan sa apela.
Ang mga sumusunod ay ilang mga bagay na maaari mong gawin upang subukang maningil ung tumangging magbayad ang debtor:
- Kunin ang bayad mula sa sahod ng debtor
Ang wage garnishment [pagkuha mula sa sahod] ay mag-uutos sa employer [nagpapatrabaho] ng debtor na bigyan ka ng bahagi ng sahod ng debtor hanggang mabayaran ang utang. Upang makakuha mula sahod:
- Punan ang Writ of Execution (EJ-130).
- Hilingin sa court na ilabas ang writ.
- Magpunta sa Sheriff's Department [tanggapan ng alagad ng batas na tagapamayapa] o isang rehistradong process server [tagapaghatid ng pamamaraan] at hilingin sa kanila na ihatid ang wage assignment [pagtalaga ng sahod].
- Kumuha ng levy [pagpataw ng singil] sa bank account ng debtor
Maaari kang magharap ng lien sa ari-arian ng debtor (kagaya ng bahay o lupa). Upang magawa ito:
Ibig sabihin nito na kukuha ng pera mula sa bank account ng debtor upang mabayaran ang hatol.
- Punan ang Writ of Execution (EJ-130).
- Hilingin sa court na ilabas ang writ.
- Maghanda ng mga tagubilin para sa sheriff [alagad ng batas na tagapamayapa] na nagpapaliwanag sa kung ano ang gusto mong i-levy (kunin) nila. Kailangan mo ang pangalan, address, at sangay ng banko.
- Maglagay ng lien [karapatan sa pagmay-ari sa ari-arian ng isang may-utang na tao hanggang di nababayaran ang utang] sa ari-arian ng debtor
Maaari kang magharap ng lien sa ari-arian ng debtor (kagaya ng bahay o lupa). Upang magawa ito:
- Maghanda ng Abstract of Judgment [buod ng babayaran sa hatol] (EJ-001) at patibayan ito sa court clerk.
- Dalhin ang pinagtibay na Abstract of Judgment at 1 na copy nito sa County Recorder's Office sa lahat ng mga county kung saan maaaring may pag-aaring ari-arian ang debtor. Kung ibebenta o i-refinance [muling isangla] ng debtor ang ari-arian, babayaran ka mula sa proceeds [nalikom] sa pagbenta. Matatagpuan ang San Mateo County Recorder's Office sa:
555 County Center
Redwood City, CA
- Suspendihin ang driver's license [lisensiya sa pagmamaneho] ng debtor
Kung nanalo ka ng hatol sa isang kaso ng aksidente sa kotse, at hindi nabayaran ang hatol sa loob ng 30 hanggang 90 na araw pagkatapos na maging final [pangkatapusan] ang hatol, maaari mong ipasuspindi ang driver's license ng debtor. Kung ang halaga na dapat bayaran ay $1,000 o mas mababa, masususpindi ang lisensiya ng debtor ng 90 na araw. Kung ang halaga na dapat bayaran ay mas mataas kaysa $1,000, maaaring masuspindi ang lisensiya ng debtor ng hanggang 6 na taon. Kumuha ng form na DL-17 o DL-30, ayun sa pagkasunod, mula sa DMV. Mayroong kabayaran.
Kung ang debtor ay isang negosyo, maaari mo ring subukan na:
-
Magsagawa ang sheriff ng isang till tap [pagsamsam ng pera mula sa lalagyan ng pera ng negosyo]
If the debtor is a business with a cash register, the Sheriff can go to the business and take enough money out of the register to pay the judgment and the Sheriff's fee.
- Punan ang isang Writ of Execution (EJ-130).
- Hilingin sa court na ilabas ang writ.
- Dalhin ang writ sa Sheriff's Department.
- Hilingin sa sheriff na magsagawa ng isang till tap. Dapat na alam mo ang pangalan at address ng negosyo. Kung walang sapat na pera sa cash register upang bayaran ang hatol, kailangang magbayad ka ng ibang kabayaran sa sheriff sa bawat pagbalik niya.
- Maglagay ng "keeper" [tagabantay] sa negosyo ng debtor
Para sa isang "keeper," actual na mamamalagi ang sheriff sa negosyo ng debtor, kasama ang opisina ng doktor o dentista, at kunin lahat ang papasok na pera hanggang sa mabayaran ang hatol. Maaaring kunin ng keeper ang cash, mga tseke at mga draft ng banko ng credit card. Iba ito sa till tap dahil ang till tap ay isang minsanan na pagkuha ng pera mula sa cash register. Sa keeper, maaaring maglagi doon ang sheriff nang buong araw. Higit na magastos para sa iyo na bayaran ang ganito, ngunit kung may sapat na pera na makukuha, sisingilin ng sheriff ang kanilang kabayaran mula rin sa makukuhang pera.
- Punan ang Writ of Execution (EJ-130).
- Hilingin sa court na ilabas ang writ.
- Dalhin ang writ sa Sheriff's Department. Sabihin sa sheriff na gusto mong maglagay ng keeper sa negosyo. Kung isasara ng debtor ang negosyo habang nandoon ang sheriff, kailangan mong magbayad ng ibang kabayaran sa bawat pagbalik ng sheriff.
Debtor's Examination [pagsusuri sa may-utang]
Kung wala kang alinmang impormasyon tungkol sa debtor upang matulungan kang magsingil, maaari mong hilingin na magpunta ang debtor sa court upang sagutin nang under oath [nang nanunumpa] ang mga katanungan tungkol sa kanilang mga ari-arian. Tinatawag itong debtor's examination. Ang debtor's examination ay:
- Inuutusan ang debtor na pumunta sa court at sagutin ang iyong mga katanungan tungkol sa kanilang sahod, mga bank account, at anupaman na maaaring magamit upang bayaran ang hatol.
- Maaaring utusan ang debtor, sa pamamagitan ng subpoena, upang magdala ng mga libreta sa banko, property deeds [mga kasulatan ng ari-arian], paycheck stubs, atbp.
- Mabibigyan ka ng pagkakataon na tanungin ang debtor ng mga katanungan at suriing muli ang lahat ng records na dala nila, upang makasulat ka ng impormasyon na kailangan mo upang magsingil.
- mga halimbawang katanungan upang matulungan kang suriin ang debtor.
Upang makahiling ng debtor's examination:
- Punan at iharap ang Application and Order to Produce Statement of Assets and to Appear for Examination [aplikasyon at utos sa pagpalabas ng pagpapahayag ng mga ari-arian at upang humarap para sa pagsusuri] (SC-134) at maglakip ng blanko na Judgment Debtor's Statement of Assets (SC-133).
- Punan din ang Small Claims Subpoena for Personal Appearance and Production of Documents at Trial or Hearing and Declaration [subpoena para sa pagharap nang sarili at pagpapalabas ng mga dokumento sa paglilitis o pagdinig at pagpahayag] (SC-107) para sa alinman sa mga dokumento ng debtor na kailangan mong makita upang matulungan kang magsingil.
- Dalhin itong mga form sa iyong court clerk upang maiharap at makakuha ng petsa ng paglilitis.
- Kapag nagharap ka na, dapat na mayroon kang rehistradong process server [tagapaghatid ng pamamaraan] o ang sheriff na maghatid sa debtor ng copy ng SC-134, at ng blankong SC-133, at SC-107.
- Dapat na ang debtor ay nasa loob ng 150 milya ng court upang mautusan na magpunta sa paglilitis na ito.
Ilang mga bagay na alalahanin:
- Mayroon kang karapatan na magkaroon ng interest sa legal na rate [halagahan] sa hatol na babayaran sa iyo, sa rate na 10 porsyento sa bawat taon, magsimula sa petsa na nailahad ang hatol. Kung lumipas na ang panahon at hindi ka pa nababayaran, maaari mong hilingin sa court na idagdag ang interest (at alinmang iba pang mga gastos na iyong napala sa pagsubok na magsingil ng hatol) gamit ang Memorandum of Costs After Judgment [talaan ng mga gastos pagkatapos ng hatol] (MC-012).
- Gamitin ang Judgment Calculator upang matulungan ka na kuwentahin kung magkano ang interest na babayaran sa iyo ng debtor. (San Diego Superior Court).
- Ang pera sa mga hatol ay kusang mauubos pagkatapos ng 10 na taon. Upang mapigilang mangyari ito, dapat na magharap ka (bilang judgment creditor) ng isang kahilingan para sa pagkakabago sa hatol sa court BAGO matapos ang 10 na taon. Kung hindi mapanibago ang hatol, hindi na ito maipapatupad at hindi mo na makukuha ang iyong pera. Mag-click upang malaman ang higit pa tungkol sa kung paano ang renew a judgment (website ng mga California Court).
- Maaaring napakahirap at maraming oras ang nagugugol sa pagsingil sa hatol, at maaaring sa ilang kalagayan hindi mo masisingil ang pera na babayaran sa iyo.
Higit pang tulong sa pagsingil ng hatol
Maraming mga website ang makakapagbigay sa iyo ng impormasyon upang tulungan kang magsingil ng hatol:
- Pagsingil at Pagtutol sa Mga Hato (Sacramento County Public Law Library)
- Pagpatupad sa Hatol (San Diego Superior Court)
- Singilin Ang Iyong Hatol (website ng mga California Court)
- Pagkatapos ng Hatol . . . Pagsisingil o Pagbabayad sa Hatol (Department of Consumer Affairs)
May mga tanging patakaran para sa mga pag-apela sa small claims court:
- Hindi maaaring i-apela ng plaintiff ang kapasyahan sa small claims batay sa kanilang sariling claim.
- Maaaring i-apela ng defendant ang kapasyahan sa small claims.
- NGUNIT kung magharap ang defendant ng defendant's claim [pag-angkin ng idinidemanda] laban sa plaintiff (isang kontra-demanda) at matalo ang plaintiff sa bahaging iyan ng kaso, kung gayon MAAARI nang mag-apela ang plaintiff sa hatol sa defendant's claim.
Kapag nag-apela ka sa isang small claims court, mayroong panibagong paglilitis, na tinatawag na "trial de novo" [bagong paglilitis]. Kalimitang ibig sabihin nito na ang kapasyahan ng court ay uuliting pagpapasyahan. Kaya, kailangan mong patunayang muli ang iyong panig mula sa simula, at gayon din ang gagawin ng kabilang panig. NGUNIT kung ikaw ang plaintiff at natalo ka sa iyong claim at natalo rin ang defendant sa kanyang defendant's claim laban sa iyo, makikitungo lamang ang apela sa kapasyahan sa defendant's claim (hindi sa natalo mong claim).
Pahihintulutan kang magkaroon ng abogado sa apela sa isang kaso ng small claims. Ngunit hindi kailangang magkaroon ka ng abogado.
Upang makapagharap ng apela:
- Punan at iharap ang Notice of Appeal (SC-140) sa loob ng 30 na araw pagkatapos na ang Notice of Entry of Judgment ay naipadala sa koreo o naipasakamay sa iyo noong paglilitis sa iyong small claims.
- Bayaran ang kabayaran sa pagharap para sa apela.
- Magpunta sa court, dalhin ang lahat ng inyong mga katibayan, at iharap na muli ang iyong kaso.