Skip to main content
Skip to main content.

Pagiging Inyong Sariling Abogado

Pagiging Inyong Sariling Abogado

Sa pangkalahatan, isang magandang ideya na magkaroon kayo ng isang abogado na kakatawan sa inyo. Ngunit, hindi ito palaging kinakailangan o maaari. Kung wala kayong abogado, kinakatawan ninyo ang inyong sarili at gumaganap bilang inyong sariling abogado.

Maaaring hindi ninyo kailangan ng abogado kapag . . .
  • Madali lang ang inyong kaso, at nagkakasundo kayo at ang kabilang panig tungkol sa lahat ng bagay (kagaya sa isang diborsyo na kung saan nagkasundo kayo na paghatian ang lahat, o sa isang pangangalagang pangbata at kaso ng pagdalaw kung saan nagkasundo kayo sa isang plano sa pagiging magulang).
  • Naiintindihan ninyo ang lahat ng inyong mga pagpipilian at makakagawa kayo ng mga tamang kapasyahan tungkol sa inyong kaso.
  • Pumapayag kayong matuto, maintindihan, at sundin ang batas at lahat ng mga patakaran at tuntunin na nauukol sa inyong kaso.
  • Mayroon kayong panahon upang gawin at ihanda ang inyong kaso.
  • Nakakasunod kayo sa mga tagubilin at makakagawa nang kayo lamang ng inyong sarili.
Maaaring kailangan ninyo ng abogado kapag . . .
  • Mayroon kayong isang komplikado na kaso o isang kaso na maaaring maging komplikado, kagaya ng kaso ng diborsyo na may mga plano ng pension o may maraming mga pag-aari na dapat paghatian.
  • Gusto ninyo ng pangbatas na payo.
  • Gusto ninyong talakayin ang mga mahusay na pamamaraan, kagaya ng kung saan ang pinakamahusay na paghaharapan ng kaso, kung sasagot o hindi, at iba pang mga kapasyahan na gagawin habang kayo ay nagpapatuloy.
  • Gusto ninyo ng isang lihim na ugnayang attorney-client.
  • Kailangan ninyo ng tulong sa paghaharap ng inyong kaso o sa pag-unawa sa mga batas o sa mga patakaran at tuntunin na nauukol sa inyong kaso.
Kung ipasya ninyong katawanin ang inyong sarili, alalahanin na:
  • HINDI dahilan ang pagiging hindi isang abogado at hindi pagkaalam ng batas para sa hindi pagsunod sa mga tuntunin ng court o sa pagharap ng maling mga papeles.
  • Tungkulin ninyong punan ang lahat ng kinakailangan na mga form, iharap ang mga form sa court, at iharap ang inyong kaso sa judge.
  • Kailangang lagi ninyong subaybayan ang lahat ng mga deadline, kagaya ng mga deadline sa paghaharap ng mga papeles, paghatid sa kabilang panig, at mga iba pa. Hindi kayo susubaybayan ng court.
  • Kailangang maging makatotohanan kayo tungkol sa kung ano ang maaari at hindi maaaring gawin ng judge. Tiyakin na naiintindihan ninyo ang mga limit [hangganan] ng kung ano ang maaaring iutos ng court.
  • Kung natalo kayo dahil hindi ninyo sinunod ang lahat ng mga tuntunin o hindi natupad ang lahat ng mga teknikal na paraan upang patunayan ang inyong kaso, maaaring iutos ng judge na bayaran ninyo ang mga nagastos ng kabilang panig o ang mga bayarin sa abogado.

Alamin ang aming Additional Resources and Help [karagdagang mga gamit-yaman at tulong] upang makahanap ng isang abogado o iba pa na makakatulong sa inyong pangbatas na usapin.

Sa ibabaw

  1. Basahin ang tungkol sa kung paano gumagana ang mga court at tungkol sa batas na nauukol sa inyong kaso. Muling suriin ang karagdagang impormasyon sa site na ito o hilingin sa Self-Help Center / Family Law Facilitator [tanggapan ng tulong sa sarili / tagapagpamadali sa batas pangpamilya] kung ang inyong kaso ay isang uri ng kaso na matutulungan kayo nila. Kung hindi, gawin ang inyong pananaliksik:
  2. Tingnan ang mga pagpipilian upang lutasin ang inyong problema nang hindi pupunta sa court. Halimbawa, maaari ninyong subukan ang Appropriate Dispute Resolution (ADR) [angkop na paglutas sa pagtatalo], kagaya ng mediation [pag-aayos upang magkasundo] o arbitration [pagpapahatol sa isang tagapamagitan].
    • Alamin ang higit pa sa ibaba kung paano "Lutasin ang Inyong Pagtatalo Nang Hindi Pupunta sa Court".
  3. Kapag napagpasyahan na ninyo na magharap ng kaso, sundin ang lahat ng tuntunin ng court. Upang gawin ito, tingnan sa:
  4. Laging subaybayan ang lahat ng mga deadline [huling araw o oras], lalo na ang mga deadline para sa pagharap ng mga papeles at paghatid sa kabilang panig. Kung nakaligtahan ninyo ang mga deadline na ito, maaaring maatraso ang inyong kaso, o mas masama, maaaring matalo ang inyong kaso.
    • Alamin ang higit pa tungkol sa deadline para sa pagharap ng mga iba-ibang uri ng kaso, na tinatawag na statute of limitations [mga kautusan sa hangganan] (website ng mga California Court).
    • Maaari ninyong mahanap ang mga deadline sa paghahatid ng mga papeles sa Code of Civil Procedure [alituntunin sa pamamaraan na sibil]. Kalimitan na batay sa kung anong uri ng kaso mayroon kayo at kung anong uri ng mga papeles ang inyong ihatid. Para sa mga kaso na pinag-usapan natin sa website na ito, ibibigay namin ang mga deadline sa paghahatid ng inyong mga papeles.
  5. Tapusin at iharap sa court ang inyong mga papeles.
  6. Ihatid (ibigay) ang mga court paper sa tamang paraang pambatas.
  7. Magtipon ng katibayan upang tulungan kayo na patunayan ang inyong kaso. Tinatawag ito na discovery [pagkatuklas o pangunguha ng mga katunayan sa mga magkabilang panig]. Sa panahon ng discovery, maaari ninyong:
    • Magtipon ng mga fact [katotohanan],
    • Kumuha ng mga pahayag ng mga saksi,
    • Alamin kung ano ang sasabihin ng kabilang panig, at
    • Kunin ang lahat ng kailangan ninyong mahalagang impormasyon upang maiharap ang inyong kaso sa court.

    Maaaring napaka-magastos at maaksaya sa panahon ang discovery. Sa karamihan sa mga kaso, halos lahat ng gastos ay sa gastos sa discovery. Maraming panahon ang nagugugol para sa mga abogado at ng kanilang mga tauhan sa pagsusulat sa mga katanungan, muling pagsusuri sa mga kasagutan, at pakikipagkatuwiran sa court tungkol sa kung hindi sumagot ang kabilang panig sa lahat na dapat nilang sagutin. At maraming panahon din ang nagugugol sa paghingi, pagtipon, at muling pagsuri sa minsan ay libo-libong mga dokumento na maaaring kasangkot sa isang kaso.

    Maaaring gawin na informal ang discovery, at maaari ninyong mapangasiwaan ito ng inyong sarili, kagaya ng pagkuha ng mga pahayag ng mga saksi, mga ulat ng pulis, pagkuha ng mga letrato, atbp. Ngunit maaari din itong maging formal, sa mga bagay kagaya ng mga deposition [pagsaksi], pagtatanong, at higit pa. Kung nasangkot kayo sa isang kasong sibil at kailangang gawin ninyo ang formal na discovery, isang mahusay na ideya na umupa kayo ng isang abogado na tutulong sa inyo.

    Basahin ang higit pa tungkol sa Discovery sa website ng mga California Court.

    • Manood ng mga video tungkol sa iba-ibang uri ng discovery sa video page ng Sacramento Law Library (mag-click sa "Discovery" sa kaliwang bahagi ng page upang mahanap ang mga video).
  8. Bago ang inyong court date, magpunta sa courtroom kung saan gaganapin ang inyong paglilitis at panuurin ang ilang mga kaso. Marami kayong malalaman sa panonood ng mga ibang kaso.
  9. Maging handa para sa inyong paglilitis sa court.
    • Muling suriin ang lahat ng mga papeles ng court. Unawain kung ano ang hinihiling ninyo at ng kabilang panig at kung ano ang kailangan ninyong patunayan.
    • Ihanda ang inyong katibayan. Magkaroon ng mga copy ng:
      • Lahat ng mga papeles na inyong iniharap,
      • Lahat ng mga papeles na inihatid ng kabilang panig, at
      • Anuman na hindi ninyo inihatid sa kabilang panig ngunit gustong gamitin sa court.
    • Markahan ang inyong mga exhibit -- kagaya ng mga letrato, mga liham, o iba pang mga dokumento na gusto ninyong ipakita sa court (Exhibit 1, Exhibit 2, atbp.).
    • Basahin ang higit pa tungkol sa Going to Court. (website ng mga California Court)
  10. Pumunta sa court.
    • Magdamit nang maayos at kagalang-galang.
    • Magpunta sa tamang oras. Maglaan ng extra na oras para sa traffic o iba pang mga maaaring pagkaatraso. (Kung naatraso kayo o hindi nakadalo sa paglilitis dahil sa pagkasira ng kotse, biglaang pagkakasakit, o iba pang emergency, makipag-ugnay sa department clerk (gayun din sa kabilang partido pag pinahintulutan) sa araw o bago ang araw ng inyong paglilitis.)
    • Magsalita nang maliwanag at malakas na sapat upang marinig kayo ng judge. Magsalita lamang kung oras nang kayo ang magsasalita.
    • Kumilos nang magalang kapag magsalita sa judge, at tawagin siya ng "Your Honor." Tiyakin na huwag kailan man sumabad sa judge.
    • Sagutin ang lahat ng mga katanungan ng judge at kaagad na huminto sa pagsasalita kapag pinatigil kayo ng judge.
    • Kung may isang bagay na hindi ninyo maintindihan, sabihin ninyong hindi ninyo maintindihan. Susubukang ipaliwanag ito ng isang tao.
    • Pagkatapos ng paglilitis, sundin ang lahat ng mga kautusan na iniatas ng judge.

Sa ibabaw

Bago kayo magharap ng isang demanda sa court, kailangang palaging isaalang-alang kung malulutas ninyo ang inyong pagtatalo sa pag-areglo. Tinatawag ang mga mapipiling ito na "appropriate dispute resolution" o "ADR" sa maikli.

Kung mayroon na kayong kasunduan sa inyong kaso at ayaw ninyong magpunta sa court, kalimitan na isusulat ninyo ang inyong kasunduan, palalagdaan ito sa judge, at ihaharap ito sa court. Kung mayroon kayo ng isang kasunduan sa isang kaso sa batas pangpamilya at gusto ninyo ng impormasyon upang isulat ito, magpunta sa Family Law Facilitator [tagapagmapadali sa batas pangpamilya].

Sa paggamit ng ADR sa paglutas sa inyong mga pagtatalo na hindi pupunta sa court, kayo ay:

  • Makakatipid ng oras, dahil maaaring mas mababa ang panahon na gugugulin sa paggawa at pagsulat ng isang kasunduan kaysa sa dadaan sa isang paglilitis, na maaaring aabutin ng isang taon o higit pa.
  • Makakatipid ng pera, dahil makakatipid kayo ng pera sa mga bayarin sa abogado, mga gastos at bayarin sa court, mga bayarin sa mga expert na saksi, at iba pang mga pagkakagastusan. At saka, dahil gusto ninyong tapusin ang inyong kaso sa lalong madaling panahon at hindi na pupunta sa court, maiiwasan ninyo ang pagliban sa trabaho.
  • Bibigyan kayo ng higit pang kapangyarihan sa pangangasiwa sa kaso at sa kalalabasan nito. Sa ADR, aktibo kayong makakasali sa paglikha ng isang mahusay na kalutasan sa halip na pupunta kayo sa court at ipapaubaya ang pagpapasya sa isang judge o sa isang jury [lupong tagahatol]. At saka, makakagawa kayo ng mga kalutasan na hihigit pa kaysa sa magagawa ng court na mag-aasikaso nang mas maige sa inyong kalagayan at sa inyong pagtatalo.

Kumuha ng Tulong at Impormasyon tungkol sa ADR

Sa ibabaw