Skip to main content
Skip to main content.

Domestic Violence [karahasan Sa Tahanan] at Mga Restraining Order [utos Pagpigil]

Kung nasa panganib kayo ngayon, tumawag sa 911
Maaari din kayong makakuha ng tulong mula sa San Mateo County CORA [linyang sasagutin nang agaran]: 650-312-8515 // 800-300-1080

 [linyang sasagutin nang agaran]: 650-312-8515 // 800-300-1080 Clinic [kurso] ukol sa Domestic Violence Restraining Order.

Kung inaabuso o binabantaan kayo o inyong mga anak ng isang tao na inyong nasa o dating may-kaugnayan, o isang malapit na kamag-anak (kagaya ng magulang, anak, kapatid o lolo/lola), maaaring makakuha kayo ng restraining order upang pangalagaan ang inyong sarili at mga anak o ibang tao sa inyong sambahayan.

Image
Domestic Violence Restraining Order Process - Filipino

Para sa isang flowchart na nagpapakita sa iyo ng bawat hakbang, i-click ang button sa ibaba.

Paraan sa Kautusan sa Pagpigil sa Karahasan na Pangtahanan

Mag-click sa isang paksa upang matuto nang higit pa o makakuha ng tulong:

Mga Nakangangamba Pang-Immigration

Kung nasa panganib kayo, tumawag sa police, Sabihin sa kanila ang nangyari at ipakita ang inyong mga pinsala, kagaya ng mga lamog, kayod, at anumang palatandaan ng karahasan, kasama ang mga nasirang bagay. Kung ang taong nag-abuso sa iyo ay nandoon at natatakot kayo na ipakita sa police ang nangyari, bigyan-alam ang alagad. Kung lumabas ang mga lamog pagkaraan, bumalik sa police department at tiyakin na kunan nila ng letrato.

Kung natatakot kayo at gusto ng pangangalaga, humiling sa police ng Emergency Protective Order, o EPO.

Emergency Protective Order

Ang Emergency Protective Order (EPO) ay ibinibigay ng judge sa pakiusap ng isang alagad ng police. Maabot ang mga judge upang magbigay ng mga EPO 24 na oras araw-araw.

Maaaring humiling ang police ng EPO kung naniniwala sila na malapit sa panganib kayo o ang anak sa pag-abuso, batay sa inyong pagsumbong na kamakailang pangyayaring abuso o banta ng abuso. Hihilinging LAMANG ang order ng alagad ng police kung naniniwala sila na kinakailangan ang order upang pigilin ang gawain (o isa pang gawain) ng domestic violence o child abuse [abuso ng bata].

Maaaring magsimula ang protective order nang kaagad at tatagal hanggang 7ng araw. Maaaring utusan ng judge ang nag-aabusong tao na umalis sa tahanan at manatiling malayo sa biktima at sinumag anak hanggang isang linggo. Bibigyan kayo yaon ng sapat na panahon upang pumunta sa court upang magharap para sa restraining order.  Pumunta sa seksyong "Humiling ng Restraining Order" sa ibaba.

May ibang uri ng EPO-tinatawag na Gun Violence Emergency Protective Order [pang-emergency na utos pampangangalaga sa karahasang may-baril]-na maaaring hilingin ng police kung natatakot kayo na may isang tao na panganib sa kanilang sarili o mga iba at may-ari sila o makakabili ng sandatang paputok o munisyon. Upang matutuhan ang higit pa tungkol sa mga gun violence restraining order, pumunta sa  Speak for Safety. Tumawag sa 911 kung nasa kagyat na panganib kayo o isang taong inyong nalalaman.

Gumawa ng Planong Pangkaligtasan

Tutulungan kayo ng planong pangkaligtasan na maging handa at panatilihing kayo at inyong mga anak na ligtas sa domestic violence.

Mga ilang bagay na pag-isipan:

  • Aalis ba kayo sa inyong tahanan, o inyong hihilingin na umalis ang taong nag-aabuso?
  • Kung aalis kayo, papaano at kailan kayo aalis?
    • Saan kayo pupunta? May ibang taong ligtas na inyong matutuluyan? Maaari ba ninyong abisuhan nang nauuna ang taong iyon upang handa rin sila?
    • Ano ang inyong dadalhin?
    • Mayroon bang ligtas na lugar kung saan ninyo matatago ang inyong mga kagamitan hanggang handa na kayong umalis?
  • Anong mga mahahalagang papeles ang inyong kailangang dalhin? Maaari ba ninyong iiwan sa isang taong inyong pinagkakatiwalaan? Baka, itago ang ilang mas mahalagang bagay sa inyong bag o wallet, kagaya ng inyong ID, social security card, pera, passport, mga credit card, mga checkbook, at mga bank account number.
    • Kung mayroon kayong panahon, pag-isipan na dalhin din ang mga bagay kagaya ng mga panggamot, papeles pang-immigration, registration/impormasyon pang-insurance ng kotse, mga record pampaggagamot at paaralan para sa inyo at mga anak, atbp.
  • Isipin kung papaanong manatiling ligtas papunta at pabalik sa trabaho, at habang nasa trabaho kayo.
  • Makiusap sa paaralan ng inyong mga anak para handa rin sila.

Para sa higit pang payo sa papaano maghahanda bago, habang at pagkatapos ng isang pag-abuso at manatiling ligtas, dalawin ang Make a Safety Plan (website ng mga California Court).

(website ng mga California Court).

Ayon sa kalalaan ng karahasan laban sa iyo, maaring dakipin ng police at nag-aabuso at maaaring magharap ang opisina ng District Attorney ng mga paratang laban sa nag-aabuso at usigin ang kaso bilang criminal case [kasong krimen]. Mayroong mga victim advocate ang opisina ng DA upang sagutin ang inyong mga tanong at pagkabahala tungkol sa pamamalakad ng criminal justice [katarungan pangkrimen]. Mayroon din silang mga gamit-yaman upang tulungan kayong makakuha ng serbisyo o pagbabayad sa mga pinsala o ibang pagkawalan na maaaring inyong nadanas.

  • Sa bahaging timog ng San Mateo County, tumawag sa 650-599-7330;
  • Sa bahaging hilaga ng county, tumawag sa 650-877-5454.

Mga Pangangamba Pang-Immigration

May karapatan kayong humilng ng restraining order para sa inyong pangangalaga na hindi natatakot tungkol sa pagde-deport. Kung nag-aalala tungkol sa mga usapan pang-immigration, kahitman may papeles kayo o wala, alalahaning hindi ninyo kailangang banggitin sa kaninuman sa family court ang tungkol sa inyong kalagayan pang-immigration.

NGUNIT makiugnay sa isang immigration attorney bago kumilos pambatas upang maintindihan ang inyong mga pagpipilian at tiyakin na wala kayong aalalahanin. Kung wala kayo ng immigration attorney, maaari inyong tawagan ang isa sa mga sumusunod na ahensya upang matulungan:

  • La Raza Centro Legal 415-575-3500
  • Immigrant Assistance Line 650-554-2444
  • Asian Law Caucus 415-391-1655
  • Northern California Coalition for Immigrant Rights 415-543-6767

Tumanggap ng higit pang gamit-yaman pang-immigration mula sa mga California Court Immigration Resource Directory.

Sa ibabaw

Upang humiling ng domestic violence restraining order, mayroon ilang hakban na inyong dapat gawain. Ngunit inyong tiyakin nang nauuna na:

  1. Wasto ang restraining order para sa inyo. Basahin ang Can a Domestic Violence Restraining Order Help Me? [matutulungan ba ako]  (DV-500-INFO | audio).
  2. Nararapat kayo para sa domestic violence restraining order. Dapat kayo at ang taong gusto ninyong pigilan ay:
    • kasal o naka-register na domestic partner [kasama sa tahanan],
    • nag-divorce o naghiwalay,
    • nagliligawan o dating nagliligawan,
    • naninirahang magkasama o dating naninirahang magkasama,
    • kapwa magulang ng anak, O
    • malapit na kamag-anak (kagaya ng magulang, anak, kapatid, lola, lolo, o bayaw/hipag).
  3. Kumuha ng tulong mula sa Bay Area Legal Aid Domestic Violence Restraining Order Clinic.

Ano ang KAYANG gawain ng restraining order

Isang utos ng court ang restraining order. Maaaring utusan ang pinigilang tao na:

  • Huwag makiugnay o lumapit sa inyo, inyong mga anak, ibang kamag-anak, o ibang nakatirang kasama ninyo.
  • Iwasan ang inyong trabahuhan, inyong paaralan, o paaralan ng inyong mga anak; at
  • Umalis sa inyong tahanan (kahit na naninirahang magkasama kayo);
  • Huwag magkaroon ng baril.
  • Sumunod sa mga utos pang-child-custody [pampangangalaga ng bata] at sumunod sa mga visitation order [utos pampagdadalaw];
  • Magbayad ng child support [panustos ng bata]
  • Magbayad ng panustos sa asawa o kinakasama (kung kasal kayo o domestic partner]
  • Iwasan ang anumang inyong alagang hayop;
  • Ilipat ang mga karapatan sa cell phone number at mga account sa pinangangalagaang tao.
  • Bayaran ang ilang mga bill [singil];
  • Huwag baguhin an mga polisa ng seguro.
  • Huwag gagastos nang malaki o gumawa ng anumang mabigat upang epektohan ang pag-aari ninyo o ng kabilang panig kung kasal kayo o domestic partner.
  • Bitawan o isauli ang tanging pag-aari; at
  • Tapusin ang 52ng linggo na program pampamamagitan sa batterer [nanggugulpi]

Walang babayaran upang humiling ng restraining order. Walang bayad ito.

Mga Hakbang Upang Humiling ng Restraining Order

Kung tanggihan ng judge ang ilan o lahat ng inyong hiniling, maaari pa rin kayong iharap ng inyong mga papeles at pumunta sa court hearing [pagdinig] at humiling doon ng restraining order.

  1. Basahin ang How Do I Ask for a Temporary Restraining Order? [papaano ako hihiling] (DV-505-INFO)
  2. Punan at gumawa ng kahit man lamang 2nd copy ng:

    Kung may mga anak kayo kasama ng taong mula kanino inyong gustong maalagaan at inyong gusto ng child custody at visitation order, o gustong baguhin ang nasa inyo na, punan din ang:

    Kung inyong gusto ng child support, tiyakin na inyong i-check ang mga angkop na box sa item 13 sa Form DV-100 AT punan ang:

    Kung inyong gusto ng spousal or domestic partner support [panustos sa asawa o domestic partner], tiyakin na inyong i-check ang box sa item 17 sa Form DV-100 at punan:

    • Confidential CLETS Information (CLETS-001)
    • Request for Domestic Violence Restraining Order (DV-100)
      • Kung inyong kailangan ng karagdagang puwang, maaari din inyong gamitin ang Description of Abuse (DV-100); o Additional Page (MC-020).
    • Notice of Court Hearing [patalastas] (DV-109); at
    • Temporary Restraining Order (DV-110).
    • Humiling ng Child Custody and Visitation Orders (DV-105) at ilakip sa Request for Domestic Violence Restraining Order (DV-100); AT
    • Child Custody and Visitation Order (DV-140) at ilakip sa Temporary Restraining Order (DV-110).
    • Kung tumutukoy sa inyong kaso, punan din ang Request for Order: No Travel With Children (DV-108).
    • Income and Expense Declaration [pagpahayag ng kita at gastos] (FL-150) O a Financial Statement (Simplified) [talaan pampananalapi (pinagaan)] (FL-155).
      • Read Which Financial Form - FL-155 or FL-150? (DV-570) upang malaman kung inyong maaaring gamitin ang pinagaang Form FL-155.
    • Dapat ilakip ang form na inyong napunanp sa Request for Domestic Violence Restraining Order (DV-100).
    • Income and Expense Declaration (FL-150)
  3. Ipa-review ang inyong mga forms.

    Kung naghaharap kayo laban sa isang kamag-anak, maaari ninyong ipa-review ang inyong mga form sa Family Law Facilitator [tagapagpadali pangbatas na pangpamilya].  O, kung humihiling kayo ng restraining order laban sa isang kinakasama, isang inyong kaligawan, inyong asawa, ipa-review ang inyong mga form sa Bay Area Legal Aid.

  4. Ibigay ang inyong mga form sa Clerk's Office.

    Ibibigay ng clerk ang inyong mga form sa judge. Babasahin ng judge ang inyong mga papeles at magpapasya kung gagawa ng mga temporary restraining order. Tanungin ang judge kung kailan kayo dapat bumalik upang malaman ang pagpasya ng judge. Maaaring mamaya sa araw na iyon o sa susunod na araw ngunit hindi lalampas sa isang araw na may-trabaho.

  5. Damputin ang inyong mga form mula sa Clerk's Office.
    • Kung linagdaan ng judge ang inyong mga order, ihaharap ng clerk at bibigyan kayo ng court date [petsa upang dumalo sa hukuman] sa form DV-109.
    • Tingnan ang DV-110 upang makita ang inutos ng judge.

    Kung tanggihan ng judge ang ilan o lahat ng inyong hiniling, maaari pa rin kayong iharap ng inyong mga papeles at pumunta sa court hearing [pagdinig] at humiling doon ng restraining order.

    • Kung inyong gustuhin na i-cancel ang court hearing, punan at iharap ang Waiver of Hearing on Denied Request for Temporary Restraining Order [pagpaubaya ng pagdinig ng tinaggihang paghiling] (DV-112).
  6. Kung tanggihan ng judge ang ilan o lahat ng inyong hiniling, maaari pa rin kayong iharap ng inyong mga papeles at pumunta sa court hearing [pagdinig] at humiling doon ng restraining order.
    • Dapat ihatid nang harapan ng isang tao na 18 o mas matanda, na hindi kayo, ang copy ng lahat na inyong iniharap, kasama ng blangkong DV-120, sa pinipigilan na tao at punan ang isang Proof of Service [katibayan ng
    • Nasa item 5, page 2, ng DV-109.
    • Gagawain ito ng sheriff nang walang bayad. O maaari ninyong ipagawa sa ibang tao na hindi kasangkot sa kaso o bayaran ang isang process server [tagahatid pampamamalakad]
    • Kung hindi mahatid ang mga papeles sa taning, maaari kayong humingi ng extension [pagpapatuloy]. Upang gawain ito, punan ang Request to Continue Hearing [hiling pampagpapatuloy (DV-115) at mga item 1 at 2 sa Order on Request to Continue Hearing (DV-116).
  7. Dumalo sa inyong court hearing.

    Dalhin ang mga papeles (kasama ng 2ng copy) na tutulong na patunayan ang abuso, kagaya ng:

    • Mga letrato
    • Mga ulat pampaggamot o ng police
    • Mga nasirang pag-aari
    • Pananakot na sulat, email, o mga pahiwatig sa telephone

Magpapasya ang judge at maaaring ibigay sa inyo ang mga order na inyong hiniling, o ilan sa mga order na inyong hiniling o tanggihan ang mga order.

Kung bibigyan kayo ng judge ng mga restraining order, magtatagal ang mga iyon nang 5ng taon maliban sa magpasya ang judge na angkop na mas maigsing panahon.

Tiyakin na inyong makuha ang Restraining Order After Hearing (DV-130) na may kalakip, kung nauukol, tungkol sa child custody, visitation at child support. Dalhin ang mga copy ng order na ito sa lahat ng panahon, kasama ang isa sa inyong kotse, at isa sa bahay, trabahuhan, at paaralan ng inyong mga anak. Ipakita ito sa police kapag maglabag ang pinipigilang tao ng restraning order.

Ipatupad ang Restraining Order

  • Kung lilipat kayo sa ibang state, maaari ninyong i-register ang inyong order upang maabot ng mga nagpapatupad ng batas sa state na iyon ang impormasyon tungkol sa inyong order.
  • Kung suwayin ng pinipigilan na tao ang mga order, tawagang kaagad ang police.
  • Tipunin ang katibayan ng paglabag ng order, kasama ang mga petsa at oras ng paglabag, paglalarawan ng anong nangyari, at mga pangalan ng nakasaksi. Gumawa ng mga copy ng mga email o mga pag-post sa internet na naglalabag ng order, kumuha ng mga pahayag ng saksi, ulat ng police o anumang ibang tutulong na patunayan ang paglabag.
  • Kung maglalabag ang pinipigilan na tao, maaari silang haharap sa mga paratang na criminal.
  • Kung maglalabag ang pinipigilan na tao, maaari silang haharap sa mga paratang na criminal.
  • Mag-click para sa higit pa tungkol sa Enforcing a Restraining Order Mag-click para sa higit pa tungkol sa

Sa ibabaw

Kung may restraining order laban sa iyo, basahin ito nang maige at sundan ang order. Kung inyong suwayin, maaari kayong makulong o mamultahan.

  1. Basahin ang DV-109 and DV-110 upang makita ang mga detalye ng order at makita kung kailan ang inyong court date.
    • Iwasan ang lahat ng tao at lugar na nasa order.
    • Kung inutusan kang umalis, dalhin ang mga damit at kaarian na inyong kakailanganin hanggang sa court date at umalis.
    • Kung mayroon kang baril, kailangang inyong isuko sa police o itinda sa isang mangangalakal ng baril. Basahin ang How Do I Turn In, Sell, or Store My Firearms? [papaano isusuko, ititinda, o itatago ang paputok} (DV-800-INFO).
  2. Basahin ang How Can I Respond to a Request for Domestic Violence Restraining Order? [papaano sasagot] (DV-120-INFO).
  3. Punan at iharap ang Response to Request for Domestic Violence Restraining Order (DV-120) bago sa inyong court date upang sabihin sa judge ang inyong panig ng salaysay
    • Kahit inyong hindi maganap at maharap ang form na ito, dumalo sa inyong court hearing.
    • Kung humiling ang pinangangalagaang tao ng bata o spousal support, punan din ang:
      • Income and Expense Declaration (FL-150)
  4. Dapat ihatid nang harapan ng isang tao na 18 o mas matanda, na HINDI KAYO, ang copy ng inyong DV-120 sa pinangangalagaang tao.
    • Hilingin sa tao iyon na punan ang Proof of Personal Service (DV-200) inihatid nang harapan, o Proof of Service by Mail (DV-250) kung ibinuson.
    • Iharap ang naganap ng Proof of Service sa opisina ng Clerk.
  5. Dumalo sa inyong court hearing.
    • Kung hindi kayo makadalo sa court, maaaring gawain ng judge ang restraining order na hindi nadinig ang inyong panig ng salaysay. Maaaring tumagal ang order hanggang 5ng taon.
    • Maaari din gumawa ang judge ng mga order tungkol sa inyong mga anak, child support, at ibang bagay na wala ang inyong pahayag.

    Dalawin ang webiste ng mga California Court upang matutuhan ang higit pa tungkol sa Responding to a Domestic Violence Restraining Order at papaano maghanda para sa court.

Sa ibabaw

  • Para sa tulong pampagpuno ng mga form upang humiling ng Domestic Violence Restraining Order laban sa inyong kinakasama, inyong linigawan o inyong kabiyak, pumunta sa:
  • Maaari din kayong makakuha ng tulong pangbatas at higit pang gamit-yaman sa:

    Community Overcoming Relationship Abuse (CORA)
    PO Box 5090, San Mateo, CA 94402
    Office: 650-652-0800
    Hotlines: 650-312-8515 or 800-300-1080
    Website: www.corasupport.org

  • Legal Aid Society
    521 East 5th Avenue, San Mateo, CA 94402
    Office: 650-652-0800
    650-558-0915
    Website: www.legalaidsmc.org

  • Kung kasal kayo o naka-register na domestic partnership sa isang tao na nag-aabuso sa inyo at inyong gusto na magharap ng divorce, dalawin ang aming page ng Divorce or Separation.
  • Dalawin ang aming Videos and More upang makahanap ng impormasyon at mga video para sa mga pamilyang nagdaranas ng paghihiwalay, at mga tagubilin mula sa ibang mga county sa California na makakatulong ng patnubayan kayo.
  • Dalawin ang website ng mga California Court mga page ng Domestic Violence pupang makakuha ng impormasyon, mga tagubilin, form at higit pa.

Sa ibabaw

Panuurin ang isang video sa mga panimulaan sa mga domestic violence restraining order.