Skip to main content
Skip to main content.

Mga Limited Conservatorships [limitadong pagiging tagapag-ingat]

Mga Limited Conservatorships [limitadong pagiging tagapag-ingat]

Ang limited conservatorship ay isang kaso sa batas kung saan ang isang judge ay nagbibigay sa isang mapagkakatitiwalaang tao (tinatawag na "limited conservator" [limitadong tagapag-ingat]) ng tanging mga karapatan upang pangalagaan ang ibang may-edad (tinatawag na "limited conservatee") na may developmental disability [kapansanan sa pagpapaunlad].

Mag-click sa isang paksa upang malaman ang higit pa :

Ang limited conservatorship ay para sa mga may-edad na may mga developmental disability na hindi kaya na makapaglaan ng para sa lahat ng kanilang mga pangangailangang pangsarili o pangpananalapi.

Magiging angkop ang ganitong uri ng conservatorship kapag:
  • Pinapahina ng developmental disability ang kakayahan ng conservatee [iniingatang tao] na pangalagaan ang kanilang sarili o ang kanilang ari-arian ngunit hindi masyadong malala upang kailanganin ang isang general conservatorship [pangkalahatang pagiging tagapag-ingat], at
  • Ang kapansanan sa pagpapaunlad ay dahil sa kahinaan na mental o pangkatawan na nagsimula bago sa edad na 18 at inaasahang magpapatuloy nang walang katakdaan.

Ang mga halimbawa ay kabibilangan ng isang tao na may intellectual disability [kapansanang pangkaisipan], kagaya ng IQ na mas mababa sa 70 o diagnosis ng ilang uri ng epilepsy, cerebral palsy, o autism. Ang iba pang mga developmental disability ay maaari ding maisama.

May 2 na mga uri ng limited conservatorship:
  • Ang limited conservatorship sa tao - kung saan ang conservator ay nangangalaga at nag-iingat sa isang may-edad na may kapansanang pagpapaunlad at nagsisilbi para sa mga pangangailangan ng conservatee na may kaugnayan sa pang-araw-araw na buhay, habang inaalalayan ang kanilang kakayahan na magkaroon, sa saklaw na maaari, ng malaya, produktibo, at normal na buhay.
  • Ang limited conservatorship sa estate - kung saan ang conservator ay nangangasiwa sa mga usaping pangpananalapi ng conservatee, kagaya ng pagbabayad sa mga bill at pagtipon sa kinikita ng conservatee kung ang conserv
Maaaring HINDI mo kailangan ng isang limited conservatorship sa estate kung:
  • Ang tao na may developmental disability ay nakakakuha ng public assistance [abuloy mula sa pamahalaan], kagaya ng Supplemental Security Income (SSI) o Social Security (SSA) ngunit walang iba pang mga asset [pag-aari].

Ngunit kailangan mo ng isang conservatorship sa estate kung ang tao na may developmental disability ay may iba pang mga asset na hindi nila kaya na pamahalaan ng sarili lamang nila, kagaya ng isang mana o ng isang pag-areglo mula sa isang asunto na wala sa isang special needs trust [ipinagkatiwalang pag-aari na para sa espesyal na pangangailangan ng may kapansanan].

Kung ang isang menor de edad na may developmental disability ay malapit nang maging 18 ang edad, madalas na isang magandang idea na simulan ang process [paghanda] ng paghiling ng isang limited conservatorship ilang buwan bago ang kanilang ika-18 na kapanganakan. Ngunit maaaring isagawa ang limited conservatorship sa anumang panahon pagkatapos na maabot ng tao na may developmental disability ang edad na 18.

Sa ibabaw

Kapag ang isang tao ay nahirang bilang isang limited conservator sa isang tao na may developmental disability, maaaring pagpasyahan ng court ang mga uri ng tungkulin na gagawin ng conservator sa pangangalaga sa tao at sa kanilang estate.

Ang mga taong may developmental disability ay kalimitang nakakagawa ng maraming bagay na sila-sila lamang sa kanilang sarili. Dahil sa kadahilanang iyan, bibigyan ka ng judge ng kapangyarihang para sa limited conservator lamang upang gawin ang mga bagay na hindi magagawa ng conservatee nang walang tulong. Ililista sa Letters of Conservatorship [mga sulat sa pagiging tagapag-ingat] at sa court's order [utos/atas ng court] na naghihirang sa limited conservator ang mga eksaktong bahagi (mga kapangyarihan) na kung saan may kapangyarihang kumilos ang limited conservator. Nananatili sa limited conservatee ang lahat ng mga iba pang legal at civil na mga karapatan.

Maaaring hilingin ng conservator sa court ang mga kapangyarihan upang:
  • Magpasya kung saan titira ang limited conservatee (hindi maaaring sa isang nakakandadong pasilidad).
  • Tingnan ang mga lihim na record at papeles ng limited conservatee.
  • Maglagda ng kontrata para sa limited conservatee.
  • Magbigay o magpigil ng pahintulot sa karamihan sa mga paggagamot sa limited conservatee (HINDI ang sterilization at ilang iba pang mga pamamaraan).
  • Gumawa ng mga kapasyahan tungkol sa edukasyon at pagsasanay na vocational [panghanapbuhay] ng limited conservatee.
  • Magbigay o magpigil ng pahintulot sa kasal o domestic partnership [domestikong pagsasama] ng limited conservatee.
  • Pangasiwaan ang social at seksual na mga pakikipag-ugnayan at pakikipagrelasyon ng limited conservatee.
  • Pamahalaan ang mga gawaing pangpananalapi ng limited conservatee.
Manungkulan upang tulungang paunlarin ang pagtitiwala sa sarili ng limited conservatee.

Sa kabuuan, ang katungkulan ng limited conservator ay upang tulungan ang limited conservatee na paunlarin ang kanyang pinakamataas na pagtitiwala sa sarili at ang kanyang independence [kalayaan].

Dapat na ayusin ng limited conservator ang paggamot, mga serbisyo, at mga oportunidad na matulungan ang limited conservatee na maging nagsasarili hanggang maaari. Ito ay maaaring sa:

  • Pagsasanay o edukasyon,
  • Mga serbisyong medikal at sikolohikal,
  • Mga oportunidad na panglipunan,
  • Mga oportunidad na panghanapbuhay, at
  • Iba pang angkop na tulong.

Upang malaman ang higit pa tungkol sa mga limited conservatorship, basahin ang Handbook for Conservators.

Sa ibabaw

Paano ang Magharap ng Limited Conservatorship

Upang humiling para sa isang limited conservatorship, magharap ka muna ng mga papeles mo sa court. Pagkatapos, dapat mong sundin ang ilang mga hakbang at magkaroon ka ng isang court hearing [paglilitis sa hukuman]. Sa hearing [paglilitis], pagpapasyahan ng judge kung hihirangin kang limited conservator.

Sundin ang mga hakbang na ito upang hilingin ang conservatorship sa tao:

Punan ang:
  • Petition for Appointment of Probate Conservator [pakiusap sa paghirang ng probate na tagapag-ingat] (GC-310) (markahan ang box para sa “limited conservatorship”)
  • Notice of Hearing [patalastas sa paglilitis] (GC-020)
  • Confidential Supplemental Information [lihim na dagdag na impormasyon] (GC-312)
  • Confidential Conservator Screening Form [form sa lihim na pagpili sa tagapag-ingat] (GC-314)
  • Citation for Conservatorship [pagbanggit sa pagiging tagapag-ingat] (GC-320)
  • Duties of Conservator [mga katungkulan ng tagapag-ingat] (GC-348)
  • Conservatee's Information & List of Relatives *Confidential* [impormasyon at listahan ng mga kamag-anak ng iniingatang tao *lihim*] (local form)
  • Capacity Declaration [pagpahayag ng kakayahan] (GC-335 (hingin sa isang doktor o lisensyadong psychologist na punan ang form na ito)
  • Kung gusto mong hilingin sa court upang ipaubaya ang mga filing fee [kabayaran sa pagsampa], punan mo rin ang Request to Waive Court Fees [pakiusap sa pagpapaubaya sa mga kabayaran sa hukuman] (FW-001-GC) at Items 1, 3, 5, at ang case name ng Order on Court Fee Waiver (FW-003-GC). Ang fee waiver [pagpapaubaya sa kabayaran] ay batay sa kinikita ng mungkahing conservatee, hindi sa iyo.

Sa mga totoong emergency, maaari kang humiling ng isang temporary limited conservatorship kung hindi mo mahintay ang regular na 5-6 na linggo para sa court date sa regular na limited conservatorship. Upang magawa ito, may mga pupunan kang higit pang mga form. Mag-click sa ibaba upang matuto "kung paano humiling para sa temporary conservatorship".

Self-Prep and File

  • Image
    Self-Prep & File

    Mag-click para sa computer program na maaaring makatulong sa iyo na punan ang lahat ng mga form para sa isang limited conservatorship sa pamamagitan ng pagsagot sa mga madaling tanong.

Ang orihinal at dalawang mga copy ay para sa court. Ang isang copy ay para sa iyo. Kailangan mong gumawa ng higit pang mga copy pagkatapos mong maiharap ang iyong mga form para sa tao na kailangang makatanggap ng patalastas (tingnan ang Step 4).

Dalhin ang orihinal kasama ang mga copy sa Clerk’s Office. Ibabalik ng clerk sa iyo ang iyong mga copy na may tatak nang "Filed." Kailangan mong bayaran ang filing fee o ientrega ang iyong mga fee waiver form.

  • Isusulat ng clerk ang petsa ng court hearing sa iyong Notice of Hearing (GC-020). Iyan ang iyong court date. Huwag mong kaligtahan ito.

Dapat kang "magbigay ng patalastas" sa mungkahing conservatee at sa mga kamag-anak ng mungkahing conservatee at sa Golden Gate Regional Center. Ibig sabihin nito ay isang tao na 18 o mas matanda—HINDI ikaw—ang dapat "maghatid" (magbigay) ng mga copy ng iyong mga form sa court alinman sa pamamagitan ng sarili o sa koreo sa mga tao o ahensiyang iyon upang malaman nila na humihiling ka na maging limited conservator. Dapat mong gawin ito maski sa palagay mo ay wala silang pakialam o tumututol sila sa iyo.

Ito ang mga pangkalahatang patakaran sa pagbibigay ng patalastas:
  • Sa hindi lalagpas sa 15 na araw bago ang court date, ihatid ang Petition for Appointment of Probate Conservator (GC-310) at ang Notice of Hearing (GC-020).
  • Personal na ihatid ang patalastas sa mungkahing conservatee.
  • Bigyan ang mga kamag-anak ng mungkahing conservatee ng patalastas sa pamamagitan ng koreo:
    • Asawa o domestikong kinakasama,
    • Mga magulang,
    • Mga may-edad na anak,
    • Mga kapatid,
    • Mga lolo/lola, at
    • Mga may-edad na apo.
  • Magbigay ng patalastas sa pamamagitan ng koreo sa Golden Gate Regional Center.
    • Golden Gate Regional Center
      San Mateo County
      3130 La Selva Street, Suite 202
      San Mateo, CA 94403

Kung hindi mo alam kung nasaan ang isang tao, kailangang hanapin mo sila at saka hilingin mo sa court na payagan kang magpatuloy sa iyong kaso na hindi mo sila bibigyan ng patalastas. Mag-click para sa mga payo tungkol sa kung paano hanapin ang isang tao (website ng mga California Court).

Para sa mga kamag-anak na hindi mo mahanap:
  • Isulat ang lahat na ginawa mo na sinubukang hanapin sila, na may mga detalye kung sino ang mga kinausap mo, ano ang mga lugar na pinaghanapan mo sa kanila, mga online na paghanap, ang mga petsa, at kung ano ang mga naging resulta.
  • Pagkatapos, magharap ka ng isang Request to Dispense with Notice [pakiusap upang pabayaan ang patalastas] na kasama ang lahat ng mga detalye ng iyong pagsisikap na mahanap ang mga nawawalang kamag-anak. Hindi umiiral na form sa court, ngunit maaari mong gamitin ang tularan na ito
  • Iharap ang iyong Request to Dispense with Notice na may blangko na Order Dispensing With Notice [utos na pabayaan ang patalastas] (Form GC-021).
  • Kung pahihintulutan ng judge ang iyong kahilingan, lalagdaan ng judge ang Order Dispensing With Notice at maaari ka nang magpatuloy sa iyong kaso na hindi na magbibigay ng patalastas sa nawawalang (mga) kamag-anak.

  • Para sa personal na paghahatid, pupunan at lalagdaan ng server ang Proof of Personal Service of Notice of Hearing [katibayan ng personal na paghahatid ng patalastas ng paglilitis] (GC-020(P)) at saka ibibigay ito sa iyo.
  • Para sa paghahatid sa koreo, pupunan at lalagdaan ng server ang Proof of Service by Mail [katibayan ng paghahatid sa koreo] sa page 2 ng (Notice of Hearing (GC-020) at saka ibibigay ito sa iyo.
  • Iharap ang iyong mga proof of service sa court clerk bago ang iyong court date.

Bago ang court hearing, makikipagkita ang imbestigador ng court sa mungkahing conservatee at:
  • Ipapaliwanag kung paano magkakabisa ang limited conservatorship sa kanila. 
  • Ipapaliwanag kung ano ang mangyayari sa court hearing./li>
  • Ipapaliwanag ang kanilang karapatan na tumutol (lumaban) sa limited conservatorship, magkaroon ng isang abogado, humingi ng ibang conservator, at magkaroon ng paglilitis ng jury./li>
  • Aalamin kung gusto at kung makakapunta sa hearing ang mungkahing conservatee.
  • Kung naniniwala ang imbestigador na hindi maunawaan o makapagbigay ng opinyon ang mungkahing conservatee, maaaring ipasya ng imbestigador na kailangang maghirang ang court ng isang abogado na mangangatawan sa mungkahing conservatee.
Gagawin din ng imbestigador ang:
  • Makipagkita sa iyo bilang mungkahing limited conservator.
  • Muling suriin ang iyong Confidential Supplemental Information (GC-312) at kumuha ng karagdagan pang impormasyon, kung kailangan.
  • Muling suriin, kung kailangan, ang lihim na mga record pampaggagamot ng mungkahing conservatee.
  • Makipag-usap sa mga kamag-anak, at iba pang mga tao na maaaring nakakaalam sa kalagayan, upang tingnan kung bakit kinakailangan ang limited conservatorship (o hindi).
Pagkatapos ng imbestigasyon, magsusulat ang imbestigador ng court ng isang lihim na ulat para sa judge na nagbubuod sa lahat ng impormasyon at kabilang ang:
  • Mga rekomendasyon tungkol sa iyong kaso, at
  • Anumang mga asikasuhin na mayroon ang imbestigador ng court tungkol sa conservatorship.

Note: Ang Regional Center ay naghahanda rin ng ulat ng evaluation para sa court na dagdag sa ulat ng imbestigador ng court.

Bago ka makipagkita sa judge sa iyong court hearing, kailangang panuurin mo ang isang 20-minutos na video na tinatawag na With Heart: Understanding Conservatorship [may puso: pag-unawa sa pagiging tagapag-ingat] at basahin ang Handbook for Conservators.

Ang pakay ng kailanganin na ito ay upang tiyakin na nauunawaan mo kung ano ang iyong mga mga katungkulan at mga pananagutan bilang isang magiging conservator kapag hinirang ka ng court. Napakamahalaga na gawin ang hakbang na ito. Hindi ka mahihirang kung wala ito.

Pumunta sa iyong hearing sa tamang oras. Ang petsa, oras, at kwarto ng iyong hearing ay makikita sa iyong Notice of Hearing (GC-020).

Dalhin mo sa iyong hearing ang:
  • Order Appointing Probate Conservator (GC-340),
  • Letters of Conservatorship (GC-350), at kumuha ng karagdagan pang impormasyon, kung kailangan.

Note: Kung hinihiling mong hirangin ka bilang conservator sa estate, maaaring iutos ng court na bumili ka ng bond [garantya] upang tumbasan ang halaga ng estate. Kung may mga katanungan tungkol sa bond, makipag-usap sa isang abogado.

Sa hearing, gagawa ang judge ng isang kapasyahan sa iyong kahilingan na mahirang na conservator.

Kung sasang-ayon ang judge na maaari kang maging conservator:
  • Lalagdaan ng judge ang iyong Order Appointing Probate Conservator (GC-340), at dadalhin mo sa Clerk’s Office ang ang nilagdaang Order kasama ang iyong Letters of Conservatorship.

Dalhin ang iyong Order Appointing Probate Conservator(GC-340), at Letters of Conservatorship (GC-350) sa Clerk's Office upang patibayan at iharap ang mga ito. Walang bisa ang iyong pagkahirang bilang limited conservator hanggang ang iyong Letters of Conservatorship ay hindi naibigay at naiharap.

Note: Kunin mula sa court clerk ang kahit man lang 1 na CERTIFIED COPY [pinagtibay na copy] ng Letters of Conservatorship para sa bawat tao o entidad na magkakaroon ng regular na pakikipag-ugnayan sa conservatee.

Pagkaraan ng unang taon, maliban kung iniutos ng court, muling susuriin ng imbestigador ng court ang kaso upang matiyak na nagagampanan mo ang iyong mga katungkulan bilang limited conservator at ang limited conservatee ay maayos ang kalagayan. Pagkaraan ng unang taon na iyan, dadalaw ang imbestigador kada 2 taon o mas madalas kung kinakailangan.

Kung sa palagay ng imbestigador ay may problema, susulat sila ng isang ulat sa judge at hihilingin na maghirang ang court ng isang abogado para sa limited conservatee. Kung matukoy ng judge na hindi ka na maaari pang maging conservator, ikaw ay matatanggal.

Paano Humiling ng Temporary Limited Conservatorship [pansamantalang limitadong pagiging tagapag-ingat]

Kung minsan, mayroong emergency [kagipitan] na hindi makapaghihintay na may mahirang na limited conservator. Kapag ganito ang mangyayari, maaari kang humiling para sa isang temporary limited conservatorship. Dapat kang magpakita ng "good cause," ibig sabihin ay kailangang mayroon kang talagang mahusay na dahilan upang humiling para sa isang temporary limited conservatorship. Hindi dahil sa ipinapalagay mong mayroong isang emergency ay isasaalang-alang na ng batas na ito nga ay isang emergency.

At saka, alalahanin na maaaring makapagsagawa ang Regional Center ng mga kapasyahang emergency para sa tao na may mga developmental disability kung walang umiiral na limited conservatorship.

Ang mga temporary limited conservatorship ay:

  • Karaniwang iniuutos para sa isang takdang panahon, na kadalasan ay 30 hanggang 60 araw, hanggang may panahon para sa hearing sa kahilingan sa limited conservatorship.
  • Maaaring para sa tao, para sa estate, o pareho.
  • Upang pangunahing matiyak ang pansamantalang pangangalaga, pag-iingat, at pag-alalay sa conservatee. At, kung para sa estate, ito ay pag-iingat sa mga pananalapi at ari-arian ng conservatee mula sa anumang pagkawala o pagkasira hanggang sa ang isang general conservator ay makakapalit sa pamamahala sa estate.

Alalahanin na upang makapagharap para sa isang temporary limited conservatorship, kasabay nito na kailangan pa rin na magharap ka para sa regular na limited conservatorship.

Upang makahiling ng isang emergency na temporary conservatorship:

  • Lahat ng mga form ng general conservatorship na nakalista ditoKASAMA ANG
  • Petition for Appointment of Temporary Conservator (GC-111),
  • Notice of Hearing (GC-020) para sa pakiusap sa temporary limited conservatorship,
  • Letters of Temporary Conservatorship (GC-150) (ang mga nasa itaas na kahon lamang, ng iyong pangalan, address, pangalan ng kaso, at numero ng kaso),
  • Ex Parte Application for Good Cause Exception to Notice of Hearing on Petition for Appointment of Temporary Conservator [aplikasyong ex-parte [isang panig lamang] para sa pagbubukod sa mabuting dahilan sa patalastas sa paglilitis sa pakiusap para sa paghirang ng pansamantalang tagapag-ingat] (GC-112),
  • Notice of Ex Parte Application (Local Form PR-9)
  • Order on Ex Parte Application (GC-115), at
  • Order Appointing Temporary Conservator [kautusan sa paghirang ng pansamantalang tagapag-ingat] (GC-141).

Tiyakin na sa iyong mga papeles, pinayagan mo ang court na maliwanag na malaman kung sinuman (kagaya ng asawa, magulang, may-edad na anak, kapatid, lolo/lola, o may-edad na apo ng mungkahing conservatee) ay tumututol sa iyong pakiusap na mahirang na limited conservator.

Self-Prep & File

  • Image
    Self-Prep & File

    Mag-click para sa computer program na maaaring makatulong sa iyo na punan ang lahat ng mga form na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga madaling tanong.

Gumawa ng kahit man lang 3 na mga copy ng lahat ng iyong mga form.

Iharap ang lahat ng iyong mga form sa Clerk’s Office AT ientrega ang iyong kahilingan sa temporary limited conservatorship sa Probate Clerk’s Office.
    ng mga form para sa general limited conservatorship at dalhin ang iyong mga form para sa pakiusap sa pansamantalang conservatorship sa Probate Clerk’s Office upang muling masuri ng imbestigador ng probate court ang iyong pakiusap. Ipinapayo na gumawa ka ng pakikipagtipan sa imbestigador ng court upang muling masuri ang iyong mga papeles bago mo ito dalhin sa clerk. Gumawa ng pakikipagtipan sa pamamagitan ng pagtawag sa Court Investigator's Office sa: 650-261-5068.

Pagkatapos na muling masuri ng probate investigator ang iyong pakiusap, iharap ang lahat ng iyong mga form sa Clerk’s Office.

Sa pinakamarami sa mga emergency case, muling susuriin ng San Mateo court ang iyong pakiusap bilang isang ex parte na pakiusap. Ibig sabihin nito ay walang magaganap na court hearing, maliban kung sa palagay ng court ay kailangan, at ang mga kautusan sa pansamantalang limited conservatorship ay magagawa pagkatapos ng muling pagsuri. Sundin nang maingat ang California Rules of Court, Rules 3.1200-3.1207 at ang San Mateo Superior Court Local Rule 4.76.

Kung muling susuriin ng court ang iyong kaso bilang isang pakiusap na ex parte, kailangang magbigay ka ng patalastas na humihiling ka ng isang temporary limited conservatorship ng 10 a.m. ng court day bago muling susuriin ng judge ang iyong ex parte na pakiusap. Kailangan mong magbigay ng patalastas, sa pamamagitan ng telepono, fax, ng sarili mo, o ilan pang ibang tamang paraan, ng iyong pakiusap sa:

  • Ang mungkahing conservatee,
  • Ang The Golden Gate Regional Center,
  • Asawa o domestikong kinakasama ng mungkahing conservatee,
  • Mga magulang,
  • Mga may-edad na anak,
  • Mga kapatid,
  • Mga lolo/lola, at
  • Mga may-edad na apo.

Sa bawat tao na kailangang mabigyan ng patalastas, punan at iharap sa clerk ang Declaration Re. Notice of Ex Parte Application (Local Form PR-9), na nagpapaliwanag kung kailan at paano mo sinabi sa kanila ang tungkol sa pakiusap na ex parte.

Kung hindi mo napatalastasan ang isang tao tungkol sa pakiusap—dahil hindi mo alam kung nasaan sila, dahil naniniwala ka na maaaring mapanganib sa iyo o sa mungkahing conservatee, o dahil sa iba pang mabuting kadahilanan—ipaliwanag mo iyan sa Local Form PR-9 , sa Item 4. Muli, tiyakin mo na alam ng court kung may nababatid kang sinuman na tumututol sa conservatorship.

Sa ilang mga kalagayan, magtatakda ang court ng isang regular na petsa ng hearing para sa pansamantalang limited conservatorship. Sa mga ganoong kaso, na hindi bababa ng 5 na araw bago ang court date, dapat na may isang tao na edad 18 o mas matanda, HINDI ikaw, na maghahatid ng Petition for Appointment of Temporary Conservator (GC-111) at Notice of Hearing (GC-020):

  • Sa pamamagitan ng sarili sa mungkahing conservatee.
  • Sa pamamagitan ng koreo para sa mga kamag-anak ng mungkahing conservatee:
    • Asawa o domestikong kinakasama,
    • Mga magulang,
    • Mga may-edad na anak,
    • Mga kapatid,
    • Mga lolo/lola, at
    • Mga may-edad na apo.
  • Sa pamamagitan ng koreo sa Golden Gate Regional Center.
    • Golden Gate Regional Center
      San Mateo County
      3130 La Selva Street, Suite 202
      San Mateo, CA 94403

Ang tao na gagawa nito para sa iyo ay dapat niyang punan at lagdaan ang Proof of Personal Service of Notice of Hearing (GC-020(P)) GC-020(P)) para sa mungkahing conservatee na inihatid ng sarili niya, at ang Proof of Service by Mail sa page 2 ng Notice of Hearing (GC-020) para sa mga kamag-anak na inihatid ng koreo. Saka mo ihaharap sa court ang mga form na ito ng proof of service.

Kalimitan, muling susuriin ang iyong usapin sa araw ding iyon (sa halip na magtatakda ang court ng isang hearing tungkol sa pansamantalang limited conservatorship). Subalit, kung bibigyan ka ng court ng court date, magpunta sa iyong hearing sa tamang oras. Ang petsa, oras, at kwarto ng iyong hearing ay makikita sa iyong Notice of Hearing (GC-020).

Dalhin mo sa iyong hearing ang:
  • Order Appointing Temporary Conservator (GC-141), and
  • Letters of Temporary Guardianship or Conservatorship (GC-150), at
  • Lahat ng iyong iba pang mga papeles sa court.

Kung sasang-ayon ang judge na maaari kang maging temporary limited conservator, makukuha mo ang:
  • Order Appointing Temporary Conservator (GC-141), at
  • Letters of Temporary Guardianship or Conservatorship (GC-150) na dapat mong lagdaan.

Magtatakda rin ang court ng hearing tungkol sa limited conservatorship.