Self-Help Center [Tanggapan ng Tulong Pangsarili] / Family Law Facilitator [Tagapagmadali ng Batas Pangpamilya]
The Self-Help Center/Family Law Facilitator will be closed for in person services on December 24, 2024 and December 31, 2024. Livechat service will be available for all regular posted hours.
Ang Self-Help Center / Family Law Facilitator (SHC/FLF) ay tumutulong sa mga tao na nangangailangan ng pangbatas na impormasyon ngunit hindi nakakuha ng mga abogado. Walang bayad ang pagtulong.
- First come first served [unang dumating, unang paglilingkuran], ang aming pagtulong. Hindi kami tumatanggap ng mga pakikipagtipan.
- Tumatanggap kami ng paglagda simula 8:00 a.m. Limitado ang lugar. Siguraduhing nakapila kayo para maglagda bago 8:00 n.u. o maaaring hindi kayo makakuha ng tulong sa araw na iyon.
KINAROROONAN |
Southern Branch [Sangay sa Timog] Hall of Justice and Records [Bulwagan ng Katarungan at mga Kasulatan] 400 County Center -- 6th Floor Redwood City, California |
Northern Branch [Sangay sa Hilaga: Hall of Justice 1050 Mission Road South San Francisco, California |
- Diborsyo o legal separation [legal na paghihiwalay], kagaya ng:
- Pagsimula ng petition [kahilingan], o pagkumpleto ng sagot
- Pagkumpleto ng Preliminary Declaration of Disclosure [Paunang Pagpapahayag ng Pagbunyag]
- Paghanda ng Default Judgement [hatol sa walang kakontra]
- Pagsulat ng mga kasunduan o stipulated judgments [mga pinagkasunduang hatol]
- Paghahanda ng order [kautusan] pagkatapos ninyong pumunta sa court.
- Pangtustos sa bata, pangtustos sa asawa o kinakasama, kagaya ng:
- Pagkalkula sa halaga ng pangtustos
- Pagkumpleto ng form upang maghanda o magpalit ng support
- [pagtustos], back support [nakaraang pagtustos] at medicalreimbursement [pagsauli ng bayad pangkalusugan]
- Pagsampa ng Income & Expense Declarations [Pagpahayag ng Kita at Gastos]
- Tumutulong na makipamagitan sa halaga ng support
- Pagsulat ng mga kasunduan
- Paghahanda ng order [kautusan] pagkatapos ninyong pumunta sa court.
- Child custody[pangangalagang pangbata] at parenting time [panahon sa pagiging magulang] (visitation [pagdalaw]), tulad ng:
- Paghiling para makakuha o mabago ang isang kautusan sa custody at parenting time
- Pagsulat ng mga kasunduan
- Paghanda ng order [kautusan] pagkatapos ninyong pumunta sa court
- Pagpatunay o pakikipagtalo ng relasyon sa pagkaangkan (pagkamagulang o pagkaama)
- Domestic violence restraining orders [utos na pangpigil sa karahasan sa tahanan]
- Para sa tulong sa paghiling ng domestic violence restraining order laban sa inyong asawa, isang taong inyong kinakasama o inyong pinangasawa, pumunta sa Domestic Violence Restraining Order Clinic ng Bay Area Legal Aid .
- Pagbago sa Pangalan ng mga Menor de Edad o Mga May-edad
- Pagdalaw ng Lolo o Lola
Dumalaw sa aming home page na Self-Help Center upang makakuha ng higit pang impormasyon tungkol sa mga uri ng mga kasong ito.
Para sa ibang mga uri ng mga kaso, dalawin ang Additional Resources and Help [Karagdagang Mapagkukunan ng Impormasyon at Tulong].
- Dalhin lahat ang mga papeles tungkol sa inyong kaso, tulad ng mga court form [form panghukuman], legal papers [mga papeles na pangbatas], paystubs [kabayaran ng suweldo] o ibang katibayan ng kita para sa huling 2 na buwan, bills [mga bayarin], mga ulat ng pulis, mga resibo, atbp.
- Huwag dalhin ang mga bata na nasa ilalim ng 18 ang edad sa aming opisina. Humiling sa isang tao na bantayan sila habang nakikipagpulong kayo sa amin. Walang magagamit na pangangalagang pambata sa courthouse sa kasalukuyan
- Kung hindi kayo nakakapagsalita ng maige ng Ingles, gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para matulungan kayo sa inyong wika ng mga magagamit na tauhan o tagasalin. Ngunit maaari kayong magdala ng kasamang may-edad para tulungan kayo sa Ingles at sa iyong wika.
- Maaaring mabigyan namin kayo ng impormasyon na pangbatas, tulungan kayong maintindihan ang inyong mga pagpipilian, at tulungan kayong punan ang mga legal form.
- Maaari namin kayong tulungang sundan ang mga pamamaraang pangbatas at ipakita sa iyo kung paano manaliksik ng batas.
- Maaari namin tulungan ang magkabilaang panig ng kaso. Hindi confidential [lihim] ang anumang sasabihin ninyo sa aming tauhan.
- Hindi namin kayo matutulungan kung mayroon kayong sariling abogado.
- Hindi namin kayo mabibigyan ng payong pangbatas. Kung gusto ninyo ng payo, o confidential attorney-client relationship [mapagkakatiwalaang attorney-client na pagsasama], o kung magulo ang inyong kaso, maaari kayong makiugnay sa: