Mga Reklamo Sa Access Sa Wika
Impormasyon
Gusto ng Superior Court ng County ng San Mateo na magkaroon ang lahat ng gumagamit ng hukuman, pati ang mga hindi masyadong nakakapagsalita ng Ingles, ng patas na access sa mga hukuman. Gusto naming malaman ang iyong feedback. Kung sa palagay mo ay hindi ka nabigyan ng makatuwiran o propesyonal na access sa wika, punan ang Form para sa Reklamo sa Access sa Wika (Language Access Complaint Form) - IN006 at isumite ito sa sinumang clerk sa isang pampublikong counter, sa pamamagitan ng email: CourtInterpreter@sanmateocourt.org o pagsulat sa:
Court Interpreters Division
Hall of Justice
400 County Center, 2nd Floor
Redwood City, CA 94063
Ang paghahain ng reklamo kaugnay ng mga serbisyo sa access sa wika ng hukuman ay hindi makakaapekto sa iyong (mga) kaso sa hukuman o sa mga serbisyong natatanggap mo sa hukuman. Ang iyong reklamo kaugnay ng mga serbisyo sa access sa wika ng hukuman ay HINDI magiging bahagi ng iyong file ng kaso o ng kaso mo. Susuriin at tutugunan ng Dibisyon ng Mga Serbisyo ng Interpreter ang lahat ng reklamo sa interpreter at access sa wika.
Lubos na pinagtutuunan ng Hukuman ang lahat ng reklamo tungkol sa access sa wika at tutugunan namin ang mga alalahanin sa naaangkop na paraan. Makakatanggap ka ng kumpirmasyong natanggap na ang iyong reklamo kaugnay ng mga serbisyo sa access sa wika ng Hukuman sa loob ng 30 araw.
Puwede kang maghain ng anonymous na reklamo kaugnay ng mga serbisyo sa access sa wika ng hukuman. Pakitandaan: hindi namin magagawang makipag-ugnayan sa iyo para kumpirmahing natanggap na ang iyong reklamo, humiling ng higit pang impormasyon kung kinakailangan, o ipaalam sa iyo ang resolusyon ng iyong reklamo kung anonymous ang paghahain mo.
Pakitandaang hindi magagawa ng Dibisyon ng Mga Serbisyo ng Interpreter na baguhin o ibahin ang anumang pasyang ginawa ng isang opisyal ng hukuman at na ang pagsusuri nito sa reklamo ay hindi, sa anumang paraan, nakakaapekto o nagpapalawig ng anumang deadline o kinakailangan sa procedure gaya ng paghahain ng motion, apela, modipikasyon, atbp.
Pakitandaang kung hindi matutugunan ng tanggapan ng Mga Serbisyo ng Interpreter ang iyong reklamo, ipapasa ito sa naaangkop na departamento/ahensya para imbestigahan.
Hinihikayat din namin ang publiko na magsumite ng mga suhestyon o alalahanin kaugnay ng paggamit ng mga serbisyo ng interpreter. Mag-email sa amin sa CourtInterpreter@sanmateocourt.org.